Tuesday, February 07, 2023

MGA PANUKALA HINGGIL SA LADDERIZED APPROACH SA K-12 CURRICULUM; BINAGONG GMRC AT VALUES EDUCATION ACT, INAPRUBAHAN NG KOMITE

Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Basic Education at Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukalang batas na layong ipasok ang ladderized approach sa K-12 curriculum. 


Inihain ni Rep. Mary Mitzi Cajayon-Uy ng Caloocan City ang House Bill 238, upang palitan ang spiral progression strategy ng RA 10533 at gawing ladderized model na magtitiyak ng mastery ng impormasyon at kakayahan sa dulo ng bawat antas. 


Sinabi ni Rep. Marissa Magsino ng OFW Party-list ang spiral progression, bilang isang estratehiyang pang-edukasyon na sa simula ay nakatuon sa pagtuturo ng mga pangunahing impormasyon bago ipakilala ang higit pang mga detalye habang sumusulong ang pag-aaral. 


Sinabi niya na ang ladderized approach ay pagkakasunduin ang lahat ng mga mekanismo ng edukasyon at pagsasanay na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na umunlad sa pagitan ng mga programang teknikal-bokasyonal at mas mataas na edukasyon o kabaliktaran, tulad ng tinukoy sa RA 10647 o ang Ladderized Education Act of 2014. 


Iminungkahi niya na ang spiral progressive approach ay panatilihin sa Grades 1 hanggang 6, habang ang ladderized approach ay ipinapatupad sa Grades 7 hanggang 12. 


Inaprubahan din ng Komite ang HB 236 ni Cajayon-Uy na naglalayong palakasin ang Section 4 ng RA 11476, o ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Value Education Act. 


Ang Seksyon 4 ay isang probisyon sa institusyonalisasyon ng GMRC at Values Education sa K-12 Basic Education Curriculum. Ang mungkahing pagbabago ay dapat mag-atas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magsagawa ng mga aktibidad sa pagbuo ng mga values formation kada quarter. 


Susuriin ng Reference and Research Bureau ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang nasabing panukala. Inaprubahan din ng Komite ang apat (4) na panukalang batas na magtatatag ng mga tanggapan ng mga division schools sa ilang bahagi ng bansa. 


Ito ang HB 4920 ni Bukidnon Rep. Jose Ma. Zubiri; HB 466 ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma; HB 299 ni Zamboanga del Sur Rep. Jeyzel Victoria Yu; at HB 4448 ni Bohol Rep. Maria Vanessa Aumentado.


wantta join us? sure, manure...

PAGSUSPINDE SA MOTHER TONGUE SA K-3, PINAGTIBAY SA KAMARA

joy


Pinagtibay na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang pagsuspinde sa paggamit ng “Mother Tongue “ bilang medium ng pagtuturo mula sa kindergarten hanggang Grade 3 sa buong bansa.

joy


Pinagtibay na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang pagsuspinde sa paggamit ng “Mother Tongue “ bilang medium ng pagtuturo mula sa kindergarten hanggang Grade 3 sa buong bansa.


Sa botong 240 pabor, 3 tutol ay lumusot ang House Bill (HB) 6517.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, layon ng panukala na matugunan ang kakulangan ng mga learning materials sa mother tongue na lengguwahe sa mga eskuwelahan upang tiyakin na ang konstitusyonal na mandato ay makakapagkaloob ng de kalidad na edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral sa pangunahing edukasyon.


Sa ilalim ng HB 6717, sinususpinde ang implementasyon ng Section 4 ng Republic Act 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013 hanggang sa makapagbigay ng sertipikasyon ang DepEd sa Kongreso na nakumpleto na ang mga aklat, teaching materials at mga supplies upang epektibong maiimplementa ang paggamit ng mother tongue ang unang lengguwahe na natutunan ng mga mag-aaral sa K-3.


Ang mother tongue ay ang katutubong wika na nakasanayan sa alinmang rehiyon bilang unang lengguwahe na natutunan ng mga batang mag-aaral.


wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG BATAS NA MAGTATATAG NG HIGH SCHOOL PARA SA PALAKASAN SA ILANG BAHAGI NG BANSA, APRUBADO

Inaprubahan ngayong Martes sa magkasanib na pagdinig ng Komite ng Basic Education and Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo, at ng Komite ng Youth and Sports Development, na pinamumunuan ni Isabela Rep. Faustino Michael Dy III, ang tatlong panukala na naglalayong magtatag ng high school para sa palakasan sa ilang bahagi ng bansa. 


Pinagtibay, batay sa istilo at mga susog, ang House Bill 355 na inihain ni Bataan Rep. Maria Angela Garcia; HB 411 ni Leyte Rep. Carl Nicolas Cari; at HB 987 ni Baguio City Rep. Mark Go. Ang mga panukalang batas ay magtatatag sa Bataan High School for Sports sa Bagac, Bataan, Baybay City National High School for Sports sa Baybay City, Leyte, at ang Baguio City Sports High School. Sa kanyang pag-isponsor ng panukala, ipinahayag ni Rep. Garcia na ang pagtatatag ng high school para sa palakasan ay magpapaunlad at maghahasa sa mga kasanayan at pagiging mapag-kumpitensya ng mga may kakayahan at mahilig sa palakasan upang ihanda sila na maging katangi-tanging manlalaro na may angkop na akademikong pundasyon. 


Samantala, sinabi naman ni Rep. Cari na ang high school para sa palakasan ay magbibigay sa mga kabataan ng daan upang ituloy ang kanilang mga pangarap at ilayo sila sa mga bisyo, at mapahintulutan silang maging pinakamahusay na indibidwal sa lipunan. 


Sinabi ni Rep. Go na ang layunin ng kanyang panukala ay ang tuklasin, sanayin, at suportahan ang mga talentong Pilipino, at mula sa hanay ng mga magsisipagtapos dito ay may umusbong na pinakamahusay na atleta na magdadala ng watawat ng Pilipinas sa internasyonal na arena, hanggang umabot sa Olympics. 


Ang panukalang high school para sa palakasan ay pamamahalaan at pangangasiwaan ng Department of Education (DepED) at koordinasyon sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng polisiya at programa. 


Nilinaw naman ni Romulo na hinihikayat ng Republic Act 11470, o ang “The National Academy of Sports (NAS)” na magtayo muna ng mga high school para sa palakasan sa mga rehiyon hanggang sa mga probinsya. 


Aniya, hindi nililimitahan ng batas ang paglikha ng mga kampus. “What the law is saying is that it must be harmonized and standardized, meaning that the curriculum of NAS headed by the Department of Education (DepEd) and the Philippine Sports Commission (PSC) must be the one heeded by the different sports high schools,” paliwanag niya. Pinamunuan din ng Vice-Chair ng Committee on Youth and Sports Development at Calamba City Rep. Charisse Anne Hernandez ang magkasanib na pagdinig.


wantta join us? sure, manure...

MOA TUNGKOL SA JOINT RESEARCH PROJECT BILANG SUPORTA SA 8-POINT AGENDA NI PBBM, NILAGDAAN SA PAGITAN NG KAPULUNGAN AT ADMU

Pormal na pumasok sa isang kasunduan ngayong Martes ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagsisikap para sa batay sa ebidensya, nakatuon sa tao, at mabisang batas, lalo na ang sumusuporta sa eight-point socioeconomic agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Speaker Romualdez na ang partnership agreement ay isang mahalagang hakbang para sa layunin ng Kapulungan na magkaroon ng mas matalinong institusyon, na may pamamaraan para ang mga mambabatas na maitaguyod ang evidence-based at people-oriented na batas sa isang napapanahong paraan. 


Sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Kapulungan at ADMU, lilikha ng 11 research team upang ang mga ito ay susuriin ang mga kadahilanan na negatibong nakakaapekto sa pagkamit eight-point agenda. 


Ayon kay Speaker, ang mga pangkat “come up with key legislative and budget interventions to address these development constraints.” Ang ADMU ay kinatawan ng Pangulo na si Fr. Roberto "Bobby" Yap. 


Ayon kay Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, ang nanguna sa proyekto, na ang partnership ay naglalayong isulong ang evidence-based policy-making. 


“We welcome discussion and debate, criticism too, especially if strictly constructive. We will learn from each other and we will work together to produce life-improving legislation for the Filipino people,” aniya. 


Dumalo rin sa kaganapan sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Committee on Accounts Chairperson Rep. Yedda Marie Romualdez, Committee on Appropriations Chairperson, at House Secretary General Reginald Velasco, at iba pa. Matapos ang MOA signing, ay pinangunahan ni Quimbo ang una sa mga serye ng round table discussions, na may paksang “Reforming the Energy Sector: Addressing High Power Prices.”


wantta join us? sure, manure...

SUBSTITUTE BILL SA KOMPREHENSIBONG BALANGKAS NG REGULASYON SA ENERHIYANG NUKLEYAR, TINALAKAY NG KOMITE

Tinalakay ngayong Martes ng Espesyal na Komite ng Enerhiyang Nukleyar sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang House Bill (HB) 7049, o ang panukalang "Philippine National Nuclear Energy Act," na naglalayong magkaloob, bukod sa iba pa, ng komprehensibong teknikal at legal na mga proteksyon, sa paggamit at aplikasyon enerhiyang nukleyar. 


Sa ilalim ng panukala, lilikhain ang Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM), upang maglabas ng mga regulasyon at isulong ang mapayapa, walang peligro, at ligtas na paggamit ng enerhiyang nukleyar. Pinalitan ng panukala na inihain ni Cojuangco ang mga HBs 371, 481, 526, 542, 11255, 2103, 3301, 3898, 6030, 7003, at 4822. Si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang may-akda ng HB 481. 


Ayon kay Cojuangco, nakipagtulungan ang abogadong eksperto sa enerhiyang nukleyar na si Atty. Helen Cook mula sa GNE Advisory, sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) upang tumulong sa pagbalangkas ng HB 4709. Sinabi ni Cook na ang modelong batas ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang ginamit bilang modelo sa naturang panukalang batas. 


"This means that the national nuclear law draft that you have is consistent with the approaches that are adopted by other countries around the world when they are developing their nuclear energy programs," aniya. 


Ipinahayag pa ni Cook na tinitiyak ng paggamit ng modelong batas na ang lahat ng mga obligasyon sa internasyonal na kasunduan ay nasusunod, at ang balangkas ay naaayon sa mga pamantayan sa kaligtasan ng IAEA. Hinikayat din ni Cojuangco ang kanyang mga kasamahan na tulungan ang bansa sa pagkamit ng abot-kaya, maaasahan, at sariling malinis na enerhiya, habang tinutupad din ang pangako nitong mapagaan ang pagbabago ng klima. 


Nagkaisa ang Komite na ipagpatuloy ang pagtalakay sa iba pang mga probisyon ng balangkas na kopya ng panukala sa susunod na pagdinig ng Komite.


wantta join us? sure, manure...

KAMARA, NAKIKIPAG-SANIB PUWERSA SA DA AT EHEKUTIBO KONTRA HOARDERS NG MGA AGRI PRODUCT

jopel


Kamara, makikipagsanib pwersa sa DA at Ehekutibo kontra hoarders ng mga agri-products..

Tututukan ng komite sa Kamara ang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng artipisyal na kakapusan ng bawang at sibuyas na nagresulta sa pagtaas ng halaga nito sa merkado.

Maliban dito, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na mas paiigtingin nila ang pakikipagtulungan sa Executive branch at the Deparment of Agriculture upang matiyak na matutuldukan ang mga iligal na aktibidad ng mga hoarders.

Mensahe ani Speaker Romualdez sa mga abusadong negosyante, pigilan ang kanilang kasakiman, at ilabas na ang mga iniipit o iniimbak nilang mga agri product gaya ng bawang at sibuyas.

Sa pamamagitan nito, tiyak na bababa ang halaga ng mga produktong ito sa mga pamilihan. 

Una nang sinabi ng liderato ng kamara na bilang na ang araw ng mga mapagsamantalang traders at hoarders kung hindi ititigil ang kanilang mga iligal na aktibidad.####


wantta join us? sure, manure...

MATAPOS NA LAGDAAN ANG KASUNDUAN SA PAGITAN NG KAPULUNGAN AT ATENEO DE MANILA, SPEAKER ROMUALDEZ: ‘SMARTER HOUSE’ TO MAKE MORE ‘PRO-PEOPLE’ LEGISLATION

Matapos makipag partner ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunahing institusyong akademya - Ateneo de Manila University (ADMU) para sa proyektong kolaborasyon sa pagsasaliksik, nagpahayag si Speaker Martin G. Romualdez ngayong Martes ng paniniwala na ang Kapulungan ay makakaasa na magtatrabaho sa pamamagitan ng 

“evidence-based, people-oriented” na lehislasyon sa mga darating na araw.


“Today is indeed an auspicious day at the House of Representatives. It has been our dream to bring about a smarter House of Representatives, one that is equipped with the means by which we can effectively pursue evidence-based and people-oriented legislation in a timely manner,” ayon kay Speaker Romualdez sa kanyang talumpati sa idinaos na makasaysayang paglagda sa nasabing kasunduan.


“This morning’s signing of the Memorandum of Agreement between the House and the Ateneo de Manila University for the Research Partnership Project is an important step in the realization of this dream,” dagdag ni Speaker Romualdez.


Ang Memorandum of Agreement, na kikilalanin bilang HRep-Ateneo de Manila Research Project, ay nilagdaan nina Secretary-General Reginald Velasco para sa Kapulungan ng mga Kinatawan at Fr. Roberto C. Yap, pangulo ng ADMU at para sa Department of Economics and the Ateneo Center for Economic Research and Development (ACERD) ng pamantasan. 


Ang seremonya ay idinaos sa Romualdez Hall ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


“This partnership could not come at a more opportune time. We are at a critical juncture in our life as a nation. While the state of national health emergency has passed, many of our people are still feeling the effects of the pandemic and its byproducts on the economy,” ayon kay Speaker Romualdez sa kanyang talumpati.


“The global economic prospects in the coming years are not all that bright either. These conditions make it imperative that the decisions we make in the here and now actually result in changes that lead to the intended improvement in the lives of many, if not all our people,” dagdag pa ni Speaker.


Dahil dito, ang HRep-ADMU research partnership ay tututok sa pag-oorganisa ng 11 “Research Teams” na magsasagawa ng mga pag-aaral sa mga sektor na tinukoy sa 8-Point Agenda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. 


Ang mga ito ay ang mga sektor ng seguridad sa agrikultura at pagkain; imprastraktura, transportasyon at seguridad sa enerhiya; kalusugan, edukasyon at social protection; trabaho; fiscal management; competisyon at kalakalan; pagsasaliksik, kaunlaran at digital economy; kalikasan, luntian at bughaw na ekonomiya, at mga nagsusustining komunidad, at; kapayapaan, seguridad, at public order and safety.


Ayon sa MOA, ang Research Teams “shall be headed by experts in the field, and they shall be called Congressional Research Fellows (CRFs).” 


“The CRFs shall come from ADMU, and other universities or research institutions,” batay sa nakasaad sa MOA.


Kasama sa Research Teams ang mga kinatawan mula sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD), ang tanggapan na may mandato na magsagawa ng polisiya at pagsasaliksik sa badyet, upang magsilbing pundasyon ng mga impormasyon para sa lehislasyon at oversight.


Ang ACERD ay sentro ng kagalingan sa sistema ng ADMU na may dedikasyong magsagawa ng mga pagsasaliksik, na magsisilbing mapagkukunan ng mga impormasyon para sa pagbalangkas ng mga polisiya. Nakikipag-ugnayan rin ito sa iba pang mga institusyon upang isulong ang palitan ng kaalaman at kasanayan.


Sa tuntunin ng ADMU na “persons-for-and-with-others,” naniniwala si Romualdez na ang nasabing partnership ay makakapaglatag ng mga lehislasyon na matapat na makakapag benepisyo sa sambayanang Pilipino, dahil ang naturang institusyong akademya ay kilala sa pagsusulong ng paglilingkod, katarungan, at pagtulong sa mga mahihirap.


“This is why this partnership is very important. We need all the help we can get if we are to realize the ambitious goal of our beloved President to lower the poverty rate to a single digit over the next five years,” ani Romualdez. 


“Ateneo can greatly help us in this regard not only by providing Congress with timely, credible, useful and policy-relevant technical information for legislation borne from rigorous research, but also by lending their esteemed voices in the discussion of proposed reforms with the end-in-view of educating our people on the need for these reforms,” pagpapatuloy niya. "We need these inputs if the nation is to surmount the economic headwinds before us.”


Partikular na pinuri ni Romualdez ang mga layunin ng partnership, na gumawa ng mga batas batay sa 8-Point Agenda ng Pangulo.


“Please proceed with my blessings. We have our jobs before us and we need to act quickly. Our people are counting on us – in stabilizing the prices of basic commodities, in attracting more investments and creating more quality employment, in ensuring economic growth and prosperity,” aniya.


“We cannot fail. With everyone’s participation, we will not fail," ani Speaker. 


Pinasalamatan niya rin ang mga “prime movers” na nasa likod ng proyekto: Congressman Elizaldy Co, Congresswoman Stella Quimbo, Congresswoman Yedda Marie Romualdez, ang Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) sa pamumuno ni Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. at ng Legal at Finance Departments ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


“Let me also convey my gratitude to the Ateneo de Manila University, led by its President, Father Yap, for allowing the University’s formidable academic resources to be used for the noble task of nation-building through the legislative process,” ayon pa kay Romualdez.


“It is my hope that other educational institutions will follow your lead and also partner with the House in our shared pursuit of sustainable economic development,” pagtatapos niya. #


wantta join us? sure, manure...

DA AT DTI, HINIMOK NA MAGLUNSAD NG ALL-OUT-WAR LABAN SA HOARDERS NG SIBUYAS AT BAWANG

Milks/07feb23


DA at DTI hinimuk ng Kongreso na maglunsad ng all-out-war laban sa hoarders ng sibuyas at iba pang agri products…

-Speaker Romualdez… 


Hinimuk ng Kongreso ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na maglunsad ng all-out-war laban sa mga hoarders at madadayang traders ng sibuyas at iba pang agri products.


Ginawa ni House Speaker Martin Romualdez ang apela matapos ipatawag sa Kamara at pulungin ang mga opisyal ng DA at DTI.


Sa meeting, napagkasunduan na gamitin ng DA ang 276-million pesos na Kadiwa Food Mobilization Fund na nakalaan sa 2023 national budget.


Ayon kay Romualdez, magagamit ang pondo para bumili ng mga aning produkto ng mga magsasaka sa presyong mas mataas sa production cost at ibebenta sa Kadiwa sa farm gate price.


Umapela din si Romualdez sa mga opisyal ng DA at DTI na tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso laban sa mga nasa likod ng manipulasyon sa supply at presyo ng agri products.


Sinabi ni Romualdez, kung may mga impormasyon sa cartel ng sibuyas at iba pang agri products, ipatatawag ang mga ito sa hearing ng House Committee on Agriculture and Food o kaya naman ay ipaaresto sa mga awtoridad.


wantta join us? sure, manure...

PAGSUPINDE SA MOTHER TONGUE SA K-3, APRUBADO NA SA KAMARA

joy


Pinagtibay na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang pagsuspinde sa paggamit ng “Mother Tongue “ bilang medium ng pagtuturo mula sa kindergarten hanggang Grade 3 sa buong bansa.


Sa botong 240 pabor, 3 tutol ay lumusot ang House Bill (HB) 6517.


Ayon kay Speaker Martin Romualdez, layon ng panukala na matugunan ang kakulangan ng mga learning materials sa mother tongue na lengguwahe sa mga eskuwelahan upang tiyakin na ang konstitusyonal na mandato ay makakapagkaloob ng de kalidad na edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral sa pangunahing edukasyon.

Sa ilalim ng HB 6717, sinususpinde ang implementasyon ng Section 4 ng Republic Act 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013 hanggang sa makapagbigay ng sertipikasyon ang DepEd sa Kongreso na nakumpleto na ang mga aklat, teaching materials at mga supplies upang epektibong maiimplementa ang paggamit ng mother tongue ang unang lengguwahe na natutunan ng mga mag-aaral sa K-3.


Ang mother tongue ay ang katutubong wika na nakasanayan sa alinmang rehiyon bilang unang lengguwahe na natutunan ng mga batang mag-aaral.


wantta join us? sure, manure...

MODERNISASYON NG PHILVOLCS, ISINUSULONG SA KAMARA I

Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ang isang panukala para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.


Ito ang House Bill 6921, na akda ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda.


Sa explanatory note ng panukala, nabanggit na ang Pilipinas ay nasa “Pacific Ring of Fire” at mayroong 24 na aktibong bulkan, 27 “potentially active” na bulkan, at maraming “active faults at trenches” na maaaring magdala ng malalakas na magnitude earthquakes, na posibleng maging sanhi ng kalamidad at maapektuhan ang mga komunidad.


Nagpapasalamat naman ang Department of Science and Technology o DOST sa Phivolcs Modernization Bill, at umapela sa ibang mga mambabatas at sa publiko na suportahan ito.


Dagdag ng DOST, napapanahon na upang maisabatas ang panukala dahil ika-nga,"lamang ang handa at ligtas ang may alam."


Kabilang sa mga layunin ng Phivolcs Modernization Bill ay gawing makabago ang mga gamit at teknolohiya para mas mapalakas ang kasalukuyang kakayanan ng Phivolcs sa pagkalap ng mga impormasyon at datos na makakatulong sa paghahanda sa kalamidad, “climate change” at iba pang kaparehong pangyayari.


Maliban dito, target din na makapagtayo ng dagdag na “service centers” sa mahahalagang lokasyon sa ating bansa, upang mapalawak ang serbisyo ng Phivolcs.


Palalakasin din ang “technology-based data centers” para mas madaling makakuha ang anumang balita na kailangan ng gobyerno, maging ng pribadong sektor na namamahala sa Disaster Risk Reduction and Management Plans.


At sa pamamagitan ng modernisasyon ng Phivolcs, inaasahang mas mabilis na maipapakalat ang mga pabatid, adbokasiya, at produkto sa “decision makers,” media at publiko.


wantta join us? sure, manure...

MGA PANUKALANG EDDIE GARCIA, ENTERPRISE PRODUCTIVITY AT IBA PANG MAHAHALAGANG BATAS, PASADO SA KAPULUNGAN

Sa pabor na botong 240, ay nagkakaisang inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Lunes, sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 1270, na naglalayong magbigay proteksyon at isulong ang kapakanan ng mga independyenteng kontraktor sa industriya ng pelikula, telebisyon at radyo. 


Ang panukala ay kikilalaning “Eddie Garcia Act”, na sasakop sa mga artista, mang-aawit, musikero, mananayaw, at iba pang tao na umaarte, umaawit, nagtatalumpati, nagtatanghal, o nagsasagawa ng mga gawaing makasining. 


Ang HB 6683, o ang panukalang "Enterprise Productivity Act” ay pasado rin sa Kapulungan na may 242 pabor na boto, tatlong kontra at walang abstensyon. 


Layon ng HB 6683 na magbigay ng insentibo sa mga manggagawa at namamahala, sa pagkakaroon ng mga programa para sa pagpapaunlad ng pagiging produktibo, at pantay na pamamahagi ng tubo para sa kanila, na maghihikayat ng mataas na antas ng pagiging produktibo, tungo sa pagsusulong ng pandaigdigang kompetisyon. 


Ang iba pang mga panukala na pasado sa ikatlo at huling pagbasa ay ang: 1) HB 6571, na layong magdagdag ng mga tuntunin sa pagkuha ng right-of-way, site, o lokasyon para sa mga proyektong pang-imprastraktura ng nasyunal na pamahalaan; 2) HB 6717, na nagsususpinde sa implementasyon ng paggamit ng mother tongue bilang medium of instruction para sa kinder hanggang Grade 3; 3) HB 6716, na nagmamandato sa pagtatatag ng settlement area para sa mga mangingisda ng Kagawaran ng Agrikultura, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Environment and Natural Resources, at mga lokal na pamahalaan; at 4) HB 6718, o ang panukalang “Freelance Workers Protection Act.” 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Isidro Ungab ang hybrid na sesyon sa plenaryo.


wantta join us? sure, manure...

REP. ENVERGA, ITINALAGANG VALENZUELA CITY LEGISLATIVE CARETAKER NG KAPULUNGAN

Itinalaga ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, si Komite ng Agrikultura at Pagkain Chairperson Rep. Wilfrido Mark Enverga (1st District, Quezon), bilang legislative caretaker ng Unang Distrito ng Lungsod ng Valenzuela. 


Manunumpa si Enverga sa tanggapan bilang kapalit ni dating Rep. Rex Gatchalian, na kamakailan ay hinirang bilang bagong Kalihim ng Department of Social Welfare and Development. 


Sa pagtalaga kay Rep. Enverga, ay pormal na tinanggap rin ng mga mambabatas ang pagbibitiw ni Gatchalian bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod ng Valenzuela. 


Ginawa ni Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang mosyon ngayong Lunes sa hybrid na sesyon sa plenaryo. Pinangunahan ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan ang sesyon.


wantta join us? sure, manure...

IKALAWANG PAMPUBLIKONG KONSULTASYON HINGGIL SA MGA PANUKALANG BATAS NA NAIS AMYENDAHAN ANG SALIGANG BATAS, ISINAGAWA

Nagpulong ngayong Lunes ang Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez upang ipagpatuloy ang deliberasyon sa mga nakabinbing mga panukalang batas na layong amyendahan ang Saligang Batas batay sa naganap na ikalawang pampublikong konsultasyon. Ito ang mga House Bills (HBs) 4926, 4421, 6698, 6920; Resolution of Both Houses (RBHs) 1, 2, 3, 4 & 5; at People’s Initiative /1.  


Binigyang-diin ni Rep. Rodriguez na may responsibilidad ang Kongreso na gampanan ang mandato nito na regular na suriin ang patuloy na kaugnayan at pagiging epektibo ng mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon upang matiyak kung makakatulong pa rin ang mga ito sa paglikha ng mas maraming trabaho at tumulong sa paglalagay ng pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino, “Otherwise, we will be remiss in our role as representative.”  


Lubos namang hindi katanggap-tanggap para kay KABAYAN Rep. Ron Salo na kailangang pang umalis ng bansa ang mga Pilipino upang maghanap ng mas magandang oportunidad at mas magandang buhay sa kabila ng posibleng mga panganib sa kanilang pisikal at mental na kapakanan, “The lack of employment opportunities, which is insufficient to the needs of the people, their families and country, is a problem that we must urgently solve.” 


Binanggit ni Salo ang maraming pananaliksik na pumupunto na ang kakulangan ng mga pagkakataon ay dahil sa mga paghihigpit sa Konstitusyon sa pagpasok ng dayuhang kapital. 


Sinabi pa niya na ang mga paghihigpit na ito ang humahadlang sa paglago ng ekonomiya, nababawasan ang pagiging mapagkumpitensya sa mga industriya ng bansa at sa huli, ay pumipigil sa pambansang pag-unlad sa paglipas ng mga taon. 


“By preventing foreign competitors, the same monopolies continue … and the country’s economic growth continues to exclude the poor,” ani Salo. 


Si Rep. Salo ang may-akda at isponsor ng HB 6920, na naglalayong magpulong sa pamamagitan ng constitutional convention upang amyendahan ang 1987 Constitution. 


Ipinahayag ni Rodriguez na patuloy na diringgin ng Komite ang mga pananaw ng iba't ibang eksperto at sektor sa pag-amyenda ng Konstitusyon at sasagutin ang mga isyu sa pangangailangang amyendahan ang Konstitusyon; ang gustong pamamaraan; at mga partikular na susog, kung mayroon man. 


Pinakinggan ng Komite and mga pananaw at opinyon ng mga sumusunod: Tanggulang Demokrasya President at General Counsel Atty. Demosthenes Donato, na nagpakita ng balangkas ng Konstitusyon halaw sa mga mamamayan; CORRECT Movement Chairperson Orion Perez Dumdum; Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairman Emeritus Rafael Mariano at KMP Secretary General Danilo Ramos, ANG PAMILYA MUNA Party-list President/Chairman Willie Villarama, Legal Rights and Natural Resources Center Legal Service Coordinator Atty. Rolly Peoro; at Sandino Soliman ng CODE NGO, at iba pa.


wantta join us? sure, manure...

PAGKILALA SA MGA ARTISTA NG BANSA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL ARTS MONTH, PINANGUNAHAN NG MAMBABATAS

Sa kanyang privilege speech ngayong Lunes sa plenaryo, iginiit ni Rep. Christopher de Venecia (4th District, Pangasinan), Chairman of the Special Committee on Creative Industry and Performing Arts, ang “(the) duty of our government to preserve, safeguard, enrich, and evolve our climate into one that allows free artistic and intellectual property expression to shape an artistic and a creative future,” sa pagdiriwang ng National Arts Month. 


Alinsunod sa Article XIV, Section 15, ng Saligang Batas na nagsasaad na “Arts and letters shall enjoy the patronage of the State.” 


Inilarawan ni De Venecia ang sining sa Pilipinas bilang “not in its best state,” at idinagdag na “there is definitely room for growth. I still believe that we are in a prime position to create an environment where our artists can thrive towards national development, thanks to the institution of legislation that could enable these. The ball is now on us in government to nurture this environment through the funding of programs and the realigning of thrusts towards the arts, culture, and creativity.” 


Binanggit niya ang pangkalahatang kakulangan ng mga permanenteng galerya sa kanayunan, pangkalahatang kakulangan ng mga mekanismo sa pamahalaan upang magbahagi ng mga benepisyo sa mga lokal na artista, at kakulangan institusyunal na suporta para sa edukasyong pang-sining sa mga paaralan, hinggil sa ilang mga usapin na kinakaharap ng visual arts sa kasalukuyan. 


Ayon kay Rep. de Venecia, ang mga nasa larangan ng arkitektura ay apektado ng mga magkakapatong na responsibilidad ng mga  arkitekto, landscape architects, at interior designers na nagiging dahilan ng tensyon sa kanilang industriya, gayundin ang maluwag na implementasyon ng mga IRRs ng Republic Act No. 9266, o ang Architecture Act of 2004. 


Ang pangunahing usapin sa literatura, aniya, ay kinabibilangan ng pagsusustini, dahil ang mga raw materials tulad ng pagtaas ng halaga ng papel at tinta, habang nalulugi naman mula sa mga sektor ng kalatas o advertising, na nagpapaikot sa mga nag-iimpluwensya at mga platapormang digital, at iba pa. 


Binigyang-diin rin ni Rep. de Venecia kung papaano ang pelikula ay hindi naa-akses tulad ng dati. 


Gayunpaman, pinasalamatan ni Rep. de Venecia ang mga nagtatanghal sa bansa, mga gumagawa ng pelikula, mga nagdi-disenyo, mga manunulat, mga musikero, mga nagpipinta, at iba pa, sa pagbibigay sa bansa at sa mga Pilipino ng naiibang pagkakakilanlan. Sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 683 ay itinatakda nito ang Pebrero bilang National Arts Month, bilang pagkilala sa papel ng sining at kultura sa paghuhubog ng ating lipunan.


wantta join us? sure, manure...

PAG-ANGKAT NG ISDA SA BANSA, TININGNAN NG KOMITE NG KAPULUNGAN

Nagsagawa ng pagdinig ngayong Lunes ang Komite ng Aquaculture at Fisheries Resources sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Alfredo Marañon III, kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), at Bureau of Customs (BOC) na naglalayong pahusayin ang mga umiiral na alituntunin at regulasyon at tiyakin ang sapat na suplay ng isda para sa mga Pilipino.  


Sa kanyang presentasyon, binanggit ni BFAR Director Atty. Demosthenes Escoto na ang mga umiiral na regulasyon ay batay sa 1) Fisheries Administrative Order (FAO) 195, na namamahala sa pag-aangkat ng mga sariwang pinalamig/frozen na isda at mga produktong pangisdaan/pantubig para sa canning, pagproseso, at para sa mga institusyonal na mamimili, at 2) FAO 259, na namamahala sa pag-aangkat ng mga sariwang pinalamig/frozen na isda at mga produktong pangisdaan/pantubig para sa mga palengke.  


Ipinahayag ni PFDA Operations Services Department Manager Eric Sims na kinakaharap ng PFDA ang mga hamon sa mga tuntunin ng logistics. Ang PFDA ay ang ahensya ng pamahalaan na nilikha upang isulong ang pag-unlad ng industriya ng pangingisda. Kabilang sa mga hamon na binanggit niya ay ang 1) hindi pagkakaroon ng mga akreditadong pasilidad ng imbakan ng malamig sa loob ng mga pantalan ng PFDA, 2) hindi pagkakaroon ng mga pasilidad pagkatapos ng anihan na pinamamahalaan ng PFDA sa Visayas Region, at 3) hindi pagkakaroon ng mga tauhan upang masubaybayan ang lugar ng kalakalan ng isda sa labas ng pinamamahalaang mga pantalan ng PFDA. 


Ipinaliwanag ni Sims na ang PFDA ay nakatuon sa mga pagsisikap nito sa pagpapalawak, rehabilitasyon, at modernisasyon ng mga aktibong daungan ng isda. Sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na ipinakita ng mga pag-aaral na ang kinabukasan ng bansa ay nasa karagatan, kaya ang agarang pangangailangan na maitatag ang Department of Water. 


Dagdag pa ni Salceda, na dapat kilalanin ng pamahalaan ang mahalagang papel ng BFAR.


wantta join us? sure, manure...

TIYEMPO, MODALIDAD AT PRAYORIDAD NA MGA AMYENDA SA 1987 KONSTITUSYON, TINALAKAY NG LUPON SA KAPULUNGAN

Ipinagpatuloy ng Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ngayong Lunes ang patuloy na deliberasyon sa mga panukala sa repormang konstitusyonal sa 1987 Saligang Batas, upang talakayin ang tiyempo, modalidad at mga prayoridad na probisiyon para sa pag-amyenda nito. 


Sa pulong na pinangunahan ni Committee Vice-Chairperson and Zamboanga del Sur Rep. Divina Grace Yu., ipinaliwanag ni dating National Security Adviser Dr. Clarita Carlos na ito na ang tamang panahon upang amyendahan ang 1987 Konstitusyon, “The moment you have a basic law or the fundamental law, which is no longer producing the kinds of desired results, then you do something about it.” 


Hindi man alintana ang modalidad, sinabi ni Carlos na ang mga probisyon para sa pag-amyenda ay dapat na piliin, batay sa posibleng resulta at mga ipinapalagay na epekto. 


Sumang-ayon rin si Political Science Professor Edmund Tayao kay Carlos, at tinukoy ang mga reporma sa halalan at partido pulitikal bilang mga prayoridad, “We have to amend them to strengthen accountability and perhaps consider other reforms later.” 


Tinalakay naman ni Local Government Development Institute of the Philippines (LGDIP) Attorney Vicente Revil ang ilang mga bahid sa kasalukuyang Konstitusyon, tulad ng sobrang lawak, mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, kakulangan sa pagpapatupad, mga probisyon sa anti-political dynasty, mahinang sistema sa partido pulitikal, problemadong proseso sa pagpili sa hudikatura ng Konstitusyon, at iba pa.


wantta join us? sure, manure...

PAGPAPAHINTULOT SA MGA ALAGANG HAYOP SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON, ISINUSULONG SA KAMARA

Isa Umali / Feb. 07


Isinusulong sa Mababang Kapulungan na magkaroon na ng batas para pahintulutan ang mga alagang hayop sa pampublikong transportasyon na nag-ooperate sa buong bansa.


Ito ay nasa ilalim ng House Bill 6786 o “Pet Transport Act” ni Paranaque Rep. Edwin Olivarez.


Ang Pilipinas ay kilala bilang “East Asia’s biggest dog owner.” At mayroong “pet dog” o alagang aso ang kada 8-tao.


Habang marami rin sa mga Pilipino ang may alagang pusa at iba pa.


Malinaw din ang pagiging “pet loving country” ng Pilipinas, at maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang mga alaga ay nakakabawas ng stress, anxiety, depression, kalungkutan at nagbibigay ng “valuable companionship” at pagmamahal.


At dahil dumarami na ang mga “pet-friendly” na pampublikong lugar, naniniwala si Olivarez na panahon na ring mapayagan ang mga pasahero na magdala ng kanilang alaga sa public utility vehicles o PUVs.


Kapag naging ganap na batas ang House Bill, sinabi ni Olivarez na oobligahin ang PUV owners na maglaan ng “designated animal compartments” para sa mga hayop na nasa carriers o cage.


Kung walang ibang pasahero sa PUV, uubrang buhatin ng pet owner ang alaga, basta’t matiyak na malinis. Dapat ding tiyakin ng pet owner na hindi magdudulot ng pinsala ang kanilang alaga sa sasakyang PUV.


Higit sa lahat, batay sa panukala, hindi dapat masakripisyo  ang kaligtasan, “convenience” at at kaginhawaan ng mga pasahero.


Nauna nang nagpasya ang pamunuan ng LRT-2 na payagan ang mga alagang aso, pusa at iba, basta’t fully vaccinated, nasa loob ng cages, at nakasuot ng diaper.


wantta join us? sure, manure...

SERYE NG PUBLIC CONSULTATION SA SA NCR HINGGIL SA CHA-CHA, TINAPOS NA

kath


Tinapos na ng House Committee on Constitutional Amendments ang serye ng public consultation dito sa National Capital Region para sa panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.


Humarap sa pulong ng Komite nitong Lunes, Pebrero 6, ang ilang civil society groups gayundin ang mga kinatawan mula sa akademya at political scientist.


Bahagi ng konsultasyon ay ang pagtukoy sa timing, modality at kung aling bahagi ng Konstitusyon ang babaguhin.


Ilan sa civil society groups, partikular ang kumkaatawan sa mga magbubukid at mangingisda ay tutol sa Charter Change o Cha-cha lalo na sa usapin ng pagluluwag sa economic provisions at pagbabago sa ilan sa political provision ng Saligang Batas.


Ngunit ipinunto ni Albay Rep. Joey Salceda, ito mismo ang dahilan kung bakit itinutulak ngayon ang Cha-cha. 


(CUE)


Sa panig naman ng academicians at political scientists, sinabi ni dating National Security Adviser at ngayon ay bahagi ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) of the House of Representatives, ngayon na ang pinakatamang panahon para baguhin ang Konstitusyon.


Umaasa din ito na bago man lang aniya siya pumanaw ay makakita siya ng pagbabago sa ating Saligang Batas.


(CUE)


Nagkasundo rin ang naturang sektor na mas mabuting Constitutional Convention na lamang ang gawing paraang sa Cha-cha dahil may pagdududa ang publiko sa Constituent Assembly.


Sa Pebrero 10 ay sisimulan ang provincial public consultation na sisimula sa Cagayan de Oro City, habang sa susunod na linggo ay isasagawa naman ito sa San Fernando Pampanga.


##


wantta join us? sure, manure...