Friday, January 12, 2024

13 JANUARY 2024 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Maupay nga aga / Mayak a abak / Marhay na aga / Maabug ya kaboasan / Mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI MGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ૮Ꮛ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ wantta join us? sure, manure...

Ilang tugon ang inilatag ng Department of Energy upang masiguro na hindi na maulit ang malawakang kawalan ng kuryente sa Panay Island lalo na sa susunod na tatlong buwan.


Sa imbestigasyon ng House Committee on Energy sa Panay Island blackout, sinabi ni DOE Undersecretary Rowena Guevarra na mahalagang makapaglatag ng agarang solusyon para matiyak ang katatagan ng suplay ng kuryete sa Panay habang tinataposan Cebu-Negros Panay backbone project.


Isa na rito ang paglilinaw sa susunding protocol ng NGCP pagdating sa emergency situation ng mga planta.


Batay kasi sa Philippine Grid Code, obligasyon ng NGCP na abisuhan ang ERC kapag may malakihang insidente.


Ngunit hindi ito nagawa ng NGCP dahil para sa kanilang pagtaya, kahit pumalya ang Panay Energy Development Corporation o PEDC Unit 1 ay normal pa rin ang voltage at frequency nito.


“As mentioned by NGCP, we need to enhance the SO protocol for supply-demand balance  and triggers for emergency situation. Linawin talaga natin kelan ba emergency na.” pagbabahagi ng opisyal


Kasabay nito sinabi ni Guevarra na sa January 26 ay maaari nang kunin ng Panay sa reserve market ang kakulangan nila sa ancillary reserve.


“Until CNP3 is up and running, there is still a danger that that same situation will happen to Panay. So our recommendation is the full implementation of the reserve market. Yung kakulangan nila ng ancilliary services, by January 26 of this year  pwede na nilang kunin  sa reserve market.” Ani Guevarra


Palalakasin din aniya nila ang Capacity Market ng Panay at Negros.


Mungkahi rin ng DOE na maglagay ng headroom sa generating capacity.


“Consideder having a headroom for Panay Generators. Imbes na 100%  sila mag-operate,  ibaba natin sa 85% para pagka biglang may bumagsak na planta  may sasagot pa rin n akonting capacity.” Sabi ba ng Energy undersecretary.


Ngunit pinakamahalaga pa rin ani Guevarra na matapos on time ang CNP 3 project.


#wantta join us? sure, manure...

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na si Deputy Speaker Ralph Recto ang karapat-dapat na kandidato sa posisyon bilang kalihim ng Department of Finance.


Sa isang pahayag, nagpaabot ng pagbati si Romualdez kay Recto na nakatakdang manumpa bilang bagong Finance Secretary kasabay ng pagbibigay-diin na malawak ang kanyang kaalaman sa usaping pang-ekonomiya.


Paliwanag ng House leader, sa naging karera ni Recto ay nagpamalas ito ng mahusay na liderato lalo na sa fiscal policies.


Bilang dating chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, naging mahalaga aniya ang papel ni Recto sa pagsusulong ng mga batas na malaki ang epekto sa economic landscape ng Pilipinas.


Bukod sa legislative accomplishments, idinagdag ni Romualdez na ang panunungkulan ni Recto bilang Socioeconomic Planning Secretary at Director-General ng NEDA ay sumasalamin sa kanyang competence at commitment sa pagbuo ng mga stratehiya para sa tuluy-tuloy na kaunlaran.


Patunay din umano ang pagkakatalaga sa kanya bilang isa sa Deputy Speakers ng 19th Congress sa kinikilalang kakayahan na mamuno at pag-intindi sa kapakanan ng taumbayan.


Kumpiyansa naman si Romualdez na magkakaroon ng maraming kontribusyon ang karanasan, economic principles at mga plano ni Recto bilang visionary economist tungo sa pagtataguyod ng inclusive at maunlad na bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos. wantta join us? sure, manure...

Recto malaki ang maitutulong sa BBM admin sa pagpapa-unlad ng bansa


Malaki umano ang maitutulong ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapabuti ang kalagayan ng bansa.


Ayon kay Speaker Romualdez malawak ang karanasan ni Recto na magagamit nito bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).


“Warmest congratulations to former Senator and current Deputy Speaker Ralph Recto on his well-deserved appointment as the new Secretary of the Department of Finance. His extensive knowledge and profound grasp of economics uniquely qualify him for this crucial role, making him the most fitting candidate,” ani Speaker Romualdez.


“Throughout his distinguished career, Secretary Recto has consistently exhibited outstanding leadership, particularly in matters related to the nation's fiscal policies. As the former chairperson of the Senate Committee on Ways and Means, he played a pivotal role in shaping legislation that significantly impacted our country's economic landscape,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Bukod sa kanyang mga ambag sa paggawa ng batas, sinabi ni Speaker Romualdez na naging Socioeconomic Planning Secretary at Director-General ng National Economic Development Authority rin si Recto na isang patunay ng malaking kakayanan nito sa paglikha ng mga estratehiya para magpatuloy ang pag-unlad ng bansa.


“A visionary economist, Secretary Recto has played a key role in crafting policies aligned with the needs of the people. His dedication to sound economic principles, coupled with genuine concern for the welfare of every Filipino, has earned him respect from colleagues and constituents alike,” saad pa ni Speaker Romualdez.


Patunay rin umano sa mataas na lebel ng kakayanang mamuno at dedikasyon sa serbisyo publiko ni Recto ang pagkakatalaga rito bilang Deputy Speakers ng 19th Congress.


“As we envision a future marked by economic resilience and prosperity, Secretary Recto's appointment reflects the caliber of leadership required. I am optimistic that his vision and experience will significantly contribute to realizing our shared goals for a more economically vibrant and inclusive Philippines,” wika pa nito.

“Once again, congratulations, Secretary Ralph Recto. May your tenure be marked by groundbreaking initiatives that uplift the lives of our people and propel our nation toward greater heights," dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro. (END) wantta join us? sure, manure...

PAGKAWALA NG KURYENTE SA WESTERN VISAYAS, INIMBESTIGAHAN NG KAPULUNGAN; MGA MUNGKAHING PANUKALA, TINALAKAY


Inimbestigahan ng Komite ng Enerhiya sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco ngayong Huwebes, bilang ayuda sa lehislasyon, ang sunud-sunod na pagkawala ng kuryente sa mga isla ng Panay, Guimaras, at Negros mula ika-2 hanggang 4 ng Enero 2024. Ang imbestigasyon ay isinagawa alinsunod sa mga House Resolutions (HR) Nos. 933, 934, at 944. Ipinaliwanag ni Rep. Velasco na ang imbestigasyon ay hiniling upang tukuyin  ang mga pangmatagalang solusyon para maiwasan ang paulit-ulit na insidente, at binanggit na nagsagawa na ng pagdinig noong nakaraang taon hinggil sa parehong usapin. Binanggit rin ni Iloilo City Rep. Julienne “Jam” Baronda ang hinaing ni Rep. Velasco nang ipahayag niya na bukod sa pagbibigay ng problema sa mga mamamayan, ay labis na naapektuhan ang ekonomiya sa rehiyon dahil sa pagkawala ng kuryente na naging sanhi ng pagkalugi ng mga negosyo na umaabot sa P1-bilyon kada araw. Idinagdag ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor na labis ding naapektuhan ang operasyon ng mga ospital na naglagay sa panganib sa mga pasyente at labis na nakaapekto sa pangangalaga ng kalusugan. Nanawagan siya sa Department of Energy (DOE) at sa Energy Regulatory Commission (ERC), mga ahensya na may mandato na silipin at pangasiwaan ang sektor hinggil sa usapin. Ayon sa lupon, maiiwasan sana ang pangyayari kung tinanggal ang mga pre-selected loads bilang tugon sa abnormal na kundisyon para mapanatili ang integridad ng sistema, isang proseso na tinatawag na manual load dropping (MLD). Iminungkahi ni APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc na isagawa ang regular electric grid simulations alinsunod MLD, at mga ancillary services sa rehiyon na palawakin pa. Kinilala ni Ms Clarisse Santos, Executive Secretary ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, ang mga electric cooperatives na ginawa ang kanilang mga bahagi para matugunan ang mga hinaing ng mga miyembrong konsyumer. Tiniyak ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Regulatory Management Division Head Darryl Ortiz sa lupon na makukumpleto na ang phase 3 ng Cebu-Negros-Panay (CNP) transmission line project sa ika-31 ng Marso 2024, na makakatulong para masolusyonan ang krisis sa kuryente. Iminungkahi ni DOE Undersecretary Sharon Garin na: 1) Rebisahin ang prangkisa ng NGCP para maihiwalay ang kanilang systems operations mula sa transmission network; 2) pagpapalakas sa Electric Power Industry Reform Act of 2001, sa pamamagitan ng pagtataas ng mga kaparusahan, at maaaring pagsama ng pagkabilanggo sa mga lalabag; at 3) pagrebisa sa tatlong porsyentong franchise tax. Tinapos ni Rep. Velasco ang pagdinig sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kahalagahan ng wastong koordinasyon at komunikasyon sa mga kaugnay na ahensya, upang maiwasang maulit ang pagkawala ng kuryente ngayong Enero. wantta join us? sure, manure...