Wednesday, April 12, 2023

RESULTA NG PINAKAHULING SURVEY NG PULSE ASIA UKOL SA CHA-CHA, IKINATUWA NG ISANG SOLON

Ikinatuwa ni Committee on Constitutional Ammendments Chairman at Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia ukol sa Charter Change o Cha-Cha.


Batay sa survey na ginawa nitong March 15-19, tumaas sa 41% ang mga Pilipino na pabor na amyendahan ang restrictive economic provisions sa 1987 Constitution kumpara sa dating 31% lamang na lumabas sa survey na ginawa noong September 2022.


Para kay Rodriguez, ipinapakita nito na dumarami ang mga Pilipino na naniniwalang kailangang baguhin ang saligang batas para mas makausad ang ekonomiya ng bansa at makahikayat ng mas maraming mamumuhunan.


Tiwala si Rodriguez na sa pamamagitan ng information campaign na isinasagawa ng Kamara sa mga lalawigan at siyudad sa buong kapuluan ay madaragdagan pa ang mga Pilipino na makukumbinsing sumang-ayon sa ChaCha.


####### grace wantta join us? sure, manure...

PAHAYAG NG DILG SECRETARY NA MAY NAGTANGKANG ICOVER-UP SI EX-PNP SGT MAYO, SOPURTADO SA KAMARA

Suportado ang pahayag ni Department of Interior ang Local Government o DILG Sec Benhur Abalos na may nagtangkang icover up si Ex-PNP Sgt. Rodolfo Mayo na dawit sa iligal na droga. 


Sinangayunan ni Surigao Del Norte 2nd District Rep Robert Ace Barbers, ang pahayag ng Kalihim ng DILD na may malawakang pagtatangka na i-cover up o pagtakpan ang na-dismiss na si Police Master Sergeant Mayo na inaresto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.


Kasunod ito ng isinagawang drug raid ng mga otoridad noong October 2022 sa  tanggapan ng isang lending company sa Maynila na pag-aari ni Mayo.


Base sa ulat, aabot sa halos isang toneladang recycled shabu ang nasamsam ng raiding team sa operasyon na ito.


Ayon kay Barbers, na syang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, gumugulong na ang imbestigasyon ng kanyang komite hinggil sa insidente na kinasasangkutan ni Mayo at ng iba pang ranking police officers.


Sinabi ni Barbers na mayroon na silang hawak na mga ebidensya, testimonya at mga dokumento kabilang na ang authentic CCTV footages na magbubunyag sa katotohanan at tunay na nangyari sa likod ng mga kwento na inihayag ng ilang police scalawags.


Batid ani Barbers na hindi maaring mag-prosecute ang mga mambabatas, subalit may kapangyarihan aniya sila na i-endorso sa korte at mga kinauukulang ahensya ang resulta ng kanilang ikinasang pagdinig.


Pinuri naman ni Barbers ang paninindigan ni Sec. Abalos na linisin ang hanay ng Pambansang Pulisya kasabay ng pagtitiyak na susuportahan ng Kamara ang mga hakbangin ng kalihim para masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga Pilipino. wantta join us? sure, manure...