DALAWANG RESOURCE PERSONS SA PAGDINIG SA KAMARA HINGGIL SA ISYU NG HOARDING NG SIBUYAS, PINATAWAN NG CONTEMPT NG KOMITE
Nag-desisyong ang House Committee on Agriculture and Food na patawan ng contempt ang dalawang resource persons mula sa Super 5 cold storage na nasasangkot sa isyu ng hoarding ng sibuyas.
Sila ay sina George Ong at Michael Ang.
Nagmosyon si Quezon Rep. David Suarez na i-contempt ang dalawa dahil sa umano'y non-cooperation at hindi sumasagot ng totoo sa pagdinig at sinag-ayunan naman ng mga miyembro sa botohan na ang resulta ay unanimous o 20 na pabor sa pag-contempt kina Ong at Ang.
Sinabi ni Quezon Rep. Mark Enverga, chairman ng komite, na ang dalawa ay madidetine sa loob ng 10 araw sa loob ng pasilidad ng Batasan Pambansa complex.
Ang House Sgt at Arms ang nag-assist sa dalawang na-contempt patungo sa lugar kung saan sila ididetine.
Isa wantta join us? sure, manure...