Monday, March 27, 2023

TATLONG LIBONG PISO NA FINANCIAL AID SA OIL SPILL VICTIMS SA MINDORO, IPINAMAHAGI NINA SPEAKER AT CONGRESSWOMAN ROMUALDEZ

Namahagi ng tig-tatalong libong piso (P3,000) na financial aid sa mga biktima ng oil spill sa Mindoro sina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep Yedda Marie Romualdez


Katuwang ang administrasyon ni Pang Bongbong Marcos Jr, sa pamamagitan ni DSWD Sec Rex Gatchalian, namahagi ang tanggapan nina Speaker at Tingog Congresswoman Romualdez ng tig P3,000 cash assistance sa anim na raang biktima ng oil spill sa Oriental Mindoro.


Nagkaloob din ang office of the Speaker ng tig-limandaang libong pisong calamity fund sa lalawigan ng first congressional district sa pangunguna ni Rep Arnan Panaligan.


Mula ang P3,000 cash aid sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program ng DSWD, mismong  ang tanggapan ng House Speaker at nina  Tingog Partylist Rep Romualdez at  Rep Jude Acidre ang nag-ayos upang mairelease ang pinansyal na ayuda na ipinamahagi sa mga oil spill victim.


Sinabi naman  ng maybahay ng House Speaker na si Congw. Romualdez, batid niyang di sapat ang financial aid upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong residente, ngunit umaasa siya na kahit papano'y maibsan nito ang kinakaharap nilang hamon dahil sa insidente. wantta join us? sure, manure...