Thursday, November 24, 2022

PANUKALANG MAGTATAYO NG MGA EVACUATION CENTER SA BANSA TINALAKAY, SA KAMARA

Muling nagsagawa ng pagpupulong ang House Committee on Disaster Resilience upang talakayin ang mga panukalang batas na magtatatag ng karagdagang mga Evacuation Center sa bansa.


Sinabi ni Agusan Del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera na kanilang sinimulang i-duscuss ang substitute bill hinggil sa mga panukalang nakahain sa Kamara ukol sa pagtatatag ng mga Evacuation Centers sa bansa upang sila ay makapag-sumite na ng pag-uulat sa plenaryo nito.


Ipinahayag pa ni Corvera na target ng pagsasabatas na ito na maipatayo ang mga evacuation center sa mga lungsod at munisipalidad ng bawat rehiyon o sa mga lalawigan.


Layunin ng mga proposed measure na mapaigting ang mga isinasagawang aksyon ng gobyerno at ng mga lokal na pamahalaan sa panahon ng kalamidad upang maseguro na agad na natugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng apektadong mga residente o pamilya.


wantta join us? sure, manure...

NAAKSAYANG 31M NA BAKUNA PARA SA COVID, PAGKUKULANG NG HTAC ANG NAGING DAHILAN — GARIN

Kinalampag ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang Health Technology Assessment Council (HTAC), ang independent advisory council ng Department of Health (DOH), na maging mabilis at magpalabas ng napapanahong rekomendasyon lalo na pagdating sa bakuna upang hindi na maulit ang P15.6M na halaga o 31 milyong naaksayang covid vaccine.


Sinabi ni Garin na ang mandato ng HTAC na nabuo sa ilalim ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act, ay magbigay ng abiso sa DOH at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung ano ang dapat na gawing health interventions kung saan, ang HTAC Core Committee ang nagbibigay ng pinal na rekomendasyon base sa naging assessment o evidence appraisal ng HTAC subcommittees, gayunpaman, nagkakaroon ng matagal na desisyon na inaabutan na ng pagka-expire ng mga bakuna. 


Ayon kay Garin, isa sa masalimuot na katotohan sa Pilipinas ay , ang bawat desisyon ng DOH ay dadaan muna sa HTAC na sa ilang pagkakataon ay nararapat, subalit may ilang sitwasyon na masyadong matagal ang rekomendasyon na bandang huli ay nawawalan na ng bisa gaya na lang sa nangyari sa COVID vaccine.


Aniya, inasahan na nilang maraming maaksayang covid vaccine dahil habang ang ibang bansa ay nagsisimula na ng kanilang booster shot, ang HTAC ay hindi pa nagdedesisyon  kung kailan ibibigay ang bakuna, iniintay nito ang resulta ng kanilang isinagawang trials subalit ang ibang bansa ay nagbase na sa real world data, nakikita na maraming namamatay, marami ang nagkakasakit kaya nagsimula na ito agad na magbigay ng booster.





“Nakakapanghinayang talaga yung nagexpire na bakuna, although we saw it coming kasi kung maaaala nyo as early as June and July maigting na ang panawagan na pahintulutan ang unang booster kasi paparating na ang delta variant. Tumagal ito at pinayagan sometime in December pa, kung saan medyo madami na ang nainfect at madami na ang namatay at nang payagan ang 

2nd booster ay dahil paexpire na ang bakuna” ani Garin.


Sa laban sa infectious diseases, giniit ni Garin na isang vaccinologist, na ang pagbabakuna ay laging epektibo sa harap ng infection, kaya dapat kung may outbreak sa unang kaso pa lang ay samantalahin na ito.


“You take advantage sa awareness ng mga tao kasi yon talaga ang panahon na madami ang magpapabakuna. If you miss that window, almost always kapag wala ka ng nakikitang namamatay, itinatakbo sa hospital,  nawawala ang adrenalin ng tao magpabakuna, yan ang behavior ng vaccination ever since” dagdag pa nito.


Pinuna  ni Garin ang kawalan ng “flexibility” ng HTAC kaya maraming resources ang naaksaya, 

inihalimbawa nito ang nangyari sa covid vaccine na bumili ng madaming bakuna ang private sector na gusto nilang  gamitin para sa booster shot subalit hindi agad pinagamit.


“Parang kumbaga masyadong by the book, empowering HTAC too much that all decisions of DOH will have to depend on the council na hind naman full time at walang accountability, what happens is maraming nasasayang na resources, so we really have to amend the UHC law na may mga killer provisions" giit nito.


Bukas si Garin na maghain ng panukala sa Kamara para maamyendahan ang ilang probisyon na nagbibigay ng masyadong kapangyarihan sa HTAC, aniya, hindi nya inirerekomenda na iabolish ang HTAC bagkus ay limitahan lang ang saklaw nito sa health tech assessment o ang pagtatakda sa pricing ng mga bibilhing resources at hindi na pakikialamanan ang program implementation upang maiwasan na magkaroon ng problema.


Umaasa ito na makakakuha sya ng suporta sa mga kapwa mambabatas para sa pag-amyenda sa ilang probisyon sa UHC law partikular sa sakop ng HTAC.


“I’ve been going around and advocating it, kailangan lamang maging bukas kasi medyo sarado ang iba. Meron ibang original authors ng UHC na parang ayaw ipagalaw, kasi hindi nila nakikita ang malalim na problema. This should really be corrected dahil nagigng kawawa ay ang taumbayan"pagtatapos pa ni Garin.


wantta join us? sure, manure...

PROYEKTONG FIBER OPTICS NG MMDA, SISIYASATIN NG KAMARA

Iminungkahi ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza na imbestigahan ang proyektong na bid out ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa NCR Fiber-Optic Backbone Development na nagkakahalaga ng P1.1-billion.


Sinabi ni Daza na ang nasabing pondo ay originally allocated para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na magbibigay ng 105,000 free public Wi-Fi hotspots sa halagang P12 billion.


Bahagi din ng alokasyon ang nasa P3 billion hanggang P4 billion na ibibigay sa MMDA at iba pang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng  Memorandums of Agreement (MOAs).


Ipinunto ng mambabatas na tanging ang Kongreso ang maaaring magbigay ng go signal na naaayon sa batas kung dapat magkaroon ng fund transfer.


Dagdag pa ng solon na iisa lamang ang bidder sa naturang proyekto, ang joint venture na A-Win and Net Pacific, Inc.


Kinuwestiyon din ni Daza ang paraan ng paggastos ng MMDA sa naturang pondo.


Maging ang validity ng joint ventures ay kinuwestiyon din ng mambabatas.

wantta join us? sure, manure...