Wednesday, May 17, 2023

REP. ARNIE TEVES, JR., IGINIIT NA FAKE NEWS ANG NAPAPABALITANG PAG-UWI SA BANSA

Tinawag ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr na "fake news" ang balita na uuwi na siya ng Pilipinas. 


Sa mensahe niya sa mga mamamahayag, sinabi niya na sana ay tinanong muna siya bago nagbitiw ng salita ang Department of Justice o DOJ. 


Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na batay sa “reliable source,” ay posibleng magbalik-bansa na si Teves ngayong araw. 


Ang kongresista ay itinuturong isa sa “mastermind” sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. 


Ilang buwan na ring nasa labas ng Pilipinas si Teves, gaya sa Cambodia at Timor Leste. 


Sa May 22, 2023 naman ay inaasahang matatapos na ang 60-araw na suspensyon kay Teves, na ipinataw ng Kamara laban sa kanya dahil sa pag-absent at pamamalagi sa ibang bansa gayung wala siyang “travel authority.”


Isa Umali / May 17 wantta join us? sure, manure...