Friday, December 22, 2023

P60B tulong pinansyal para sa mga mahihirap, muling popondohan ng Kamara sa 2025



Handa ang Kamara de Representantes na muling paglagyan ng P60-bilyong pondo ang bagong programang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) sa 2025, ayon mismo kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez


Ang pondo para sa AKAP ay bahagi ng halos P500 bilyon na nakalaan sa social amelioration program o ayuda program ng gobyerno na nakapaloob sa P5.768-trilyong pambansang pondo para sa susunod na taon.


Sa ilalim ng AKAP ay tutulungan ng gobyerno ang nasa 12 milyong mahihirap na pamilya o may maliit na kita o katumbas ng 48 milyong Pilipino.


Sinabi ito ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. sa 2024 national budget. 


“We intend this to be a continuing program to help our people. Thus, it is critical that we should make it work in its first year of implementation,” ani Speaker Romualdez.


Ayon kay Romualdez, wala itong nakikitang balakid sa pagpapatupad ng AKAP.


“We just have to make sure that the beneficiaries are qualified under government criteria and the money reaches them on time and with sufficient safeguards in place,” saad pa ni Speaker Romualdez.


Kumpiyansa ang House Speaker na magtatagumpay ang AKAP sa 2024 na siyang pagbabatayan kung muli itong popondohan ng Kongreso sa 2025 at sa mga susunod pang taon.


Sa unang pagkakataon, sa ilalim ng Marcos administration, isinama ng Kongreso ang AKAP sa mga popondohang programa sa ilalim ng 2024 budget. Layon ng programa na magpaabot ng tulong pinansyal sa mga mahihirap at low-income families.


Sa ilalim ng programa, ang mga pamilya na hindi lumalagpas ng P23,000 ang kinikita kada buwan ay bibigyan ng P5,000 one-time cash assistance. Mayroong P60 bilyong pondo na nakalaan sa programa na sapat para matulungan ang 12 milyong pamilya.


Muling inihayag ng Kamara ang hangarin nito na palakasin ang depensa sa West Philippine Sea, mula sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa bandang Zambales at Pangasinan hanggang sa hilaga na Ayungin Shoal sa Palawan at katimugang bahagi at paglaanan ng sapat na pondo.


“These areas are inside our 200-mile exclusive economic zone. They belong to no one but us. Again, we are one with President Marcos, our armed forces and our Coast Guard in protecting and defending what is ours,” saad ng lider ng Kamara.


Kasama sa 2024 budget ang P1.5 bilyon para sa pagpapalawak at pagsasa-ayos ng airport sa Pag-asa Island at konstruksyon ng shelter para sa mga mangingisda sa Lawak, Palawan na siyang pinakamalapit na isla sa Ayungin Shoal.


Kasabay nito ay inalerto din niya ang mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na maghanda para sa implementasyon ng mga programa sa susunod na taon.


“The budget is the most important piece of legislation Congress passes each year and the President signs into law. It is the blueprint for national development, for sustaining economic growth, for creating more job and income opportunities, and in general, for improving the lot of our people,” sabi pa niya.


Kailangan aniya na agad gamitin at gastusin ng mga ahensya ang kanilang pondo sa pagsisimula ng bagong taon para mapakinabangan ito kaagad ng publiko. (END) wantta join us? sure, manure...

PBBM pinuri sa P170B natupad na pamumuhunan mula sa pagbisita sa Japan


Ipinaabot ngayon ni Speaker Martin Romualdez ang taos-pusong pagkilala at pagsuporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng matagumpay nitong pagbisita sa Japan sa unang bahagi ng taon, na nagpalakas sa ekonomiya ng Pilipinas at lumikha ng libong trabaho para sa mga Pilipino.


Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na 22 porsyento o P170 bilyon ng pledge investment sa naturang pagbisita ang naisakatuparan na.


Mula ito sa 34 na letters of intent at kasunduan na nakuha sa pagbisita ng Pangulo sa Japan.


"We are witnessing the fruits of President Marcos Jr.'s strategic international engagements," sabi ni Speaker Romualdez "These investments are not just numbers; they represent hope, opportunities, and a brighter future for thousands of Filipinos."


Kasama sa mga pamumuhunang ito ang P4.4 bilyong inisyatiba ng Murata Manufacturing para sa isang bagong production building sa Tanauan City, Batangas, na nakalikha ng 3,500 na trabaho at $1.2 bilyong halaga ng export. Ang pagpapasinaya sa P7-bilyong Hotel 101 katuwang ang Niseko at DoubleDragon Corp. ay isa pang signipikanteng hakbang at inaasahang makalilikha ng $126.7 milyong kita mula sa pagbebenta.


Tinukoy din ni Speaker Romualdez ang bagong pabrika ng Tamiya Corp. sa Cebu, ang renewable energy commitments mula sa Renova Inc., at ang environmentally conscious na mga inisyatiba ng MinebeaMitsumi Inc. sa kanilang planta sa Cebu.


"These varied investments reflect our nation's growing attractiveness as a global investment destination, capable of meeting the needs of diverse industries," dagdag ni Speaker Romualdez. "They also align with our commitment to sustainable development and environmental stewardship."


Sa kabuuan ang mga pamumuhunang ito ay nakalikha ng 9,700 na trabaho at nakatulong sa pagpapa-angat ng buhay ng pamilyang Pilipino.


Inanunsyo rin ng Malacañang na ang idinaos na business event sa pangunguna ng DTI sa Japan kasabay ng pagdalo ng Pangulo sa ASEAN Japan Commemorative Summit noong December 15 hanggang 18 ay nagresulta sa P14.5 bilyong indicated investments mula sa mga negosyanteng Hapon.


Kaya naman kung isasama rito ang mga napagkasunduang pamumuhunan sa pagbisita noong Pebrero 2023 ay nakakuha ng kabuuang P771.6 bilyong investment commitment o US$14 bilyon ang Pangulo sa Japan na may katumbas na 40,000 na trabaho.


Sa kanyang talumpati sa event kung saan nilagdaan ang mga kasunduan at pangakong pamumuhunan, sinabi ni Pang. Marcos na patuloy na makikinig ang kaniyang administrasyon sa mga isyu, hinaing at suhestyon ng mga mamumuhunan kaugnay ng mga bagay na kanilang kailangan para sa kanilang pamumuhunan sa bansa.


Ang mga feedback na ito, ayon kay Pang. Marcos ay pinahahalagahan at dadalhin sa Kongreso kung kakailanganin na magpasa ng batas.


“That is why the Speaker of the House of the Representatives of the Philippines is here, accompanying us, on what is essentially is a business delegation but because of the laws in the Philippines dictate that all revenue measures that are undertaken or new laws that are revenue measures must originate from the House of Representatives," sabi ng Pang. Marcos sa mga pinuno ng negosyo sa Japan.


Muli namang iginiit ni Speaker Romualdez ang kaniyang buong suporta sa mga hangarin ng Pang. Marcos na gawing primyadong investment location ang Pilipinas.


"Our collaborative efforts in the government, together with the private sector, are crucial in sustaining this momentum. We are committed to nurturing these partnerships and ensuring that the Philippines continues to thrive as a hub of innovation and economic growth." (END) wantta join us? sure, manure...

PANAWAGAN NI SPEAKER ROMUALDEZ NA TALAKAYIN ANG CHA-CHA, SUPORTADO SA KAMARA

Sinusuportahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace “Alas” Barbers ang panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez patungkol sa gagawing pagtalakay ng Kamara de Representantes sa Charter Change (Cha-Cha) sa susunod na taon (2024).


Sinabi ni Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na sang-ayon siya sa panawagan ni Speaker Romualdez na kailangang maisama na sa agenda ng Kamara de Representantes sa 2024 ang diskusyon at talakayan kaugnay sa pag-amiyenda sa 1987 Philippine Constitution.


Ayon kay Barbers, magalaga na mapasama sa mga dapat baguhin sa 1987 Philippine Constitution ay ang economic, social at political provisions para maging responsive o makatugon ang mga nasabing probisyon sa kasalukuyan o modernong panahon at sa darating na hinaharap.


Ipinaliwanag ni Barbers na ang pagbabago o revision sa Konstitusyon ay maituturing na isang mabisang sangkap para sa kasalukuyang Pangulo ng bansa at sa mga susunod sa kaniyang puwesto sa pamamagitan ng pagbebenta ng Pilipinas sa mga foreign investors tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.


Binigyang diin ng kongresista na kahit ilang panukalang batas pa ang isulong sa Kongreso kaugnay sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Wala parin umanong pagbabago ang magaganap hangga’t hindi nababago ang mga nasabing probisyon ng Saligang  Batas na totoong magsusulong sa ekonomiya ng bansa.





“Passing laws in the hope of curing the flaws of the Charter is an admission of the need to amend it. Even if Congress pass a thousands of economic laws in contravention of the Constitution. They will be questioned before the Supreme Court. It is a waste of valuable resources,” ayon kay Barbers.


Sinabi pa ni Barbers na ang pagpasa ng mga batas upang matugunan ang limitasyong nakasaad sa Konstitusyon ay isa umanong pag-amin na mayroong dapat baguhin o ayusin sa 1987 Constitution upang makatugon ito sa kasalukuyang pangangailangan ng bansa particular na sa larangan ng ekonomiya. wantta join us? sure, manure...