22 PAGTALAKAY SA MEDICAL MARIJUANA, PINASIMULAN NA NG KOMITE
jopel
Kamara, sinimulan na ang pagtalakay sa isinusulong na pagsasabatas ng medical marijuana sa bansa...
Dininig sa ginanap na hearing ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers ang panukalang gawing ligal ang cannabis.
Layun ng panukalang inakda ni former Speaker Pantaleon Alvarez na alisin sa listahan ng illegal drugs and substances, ang cannabis o marijuana, na sakaling maisakatuparan tiyak na magiging ligal na ang paggamit nito bilang medisina.
Pero nilinaw ni Barbers, na syang chairman ng komite, na di pinahihintulutan ng panukala ang recreational use ng cannabis, at tanging medicinal use lamang.
Sa katunayan, parami na ng parami aniya ang mga bansang nagpapatupad ng pagluluwag sa kanilang regulasyon upang magamit nang gamot ilang sakit gaya ng kanser ang cannabis.
Pahayag ng solon, pinapayagan na sa ibang mga bansa ang recreational use nito, ngunit pagdating sa Pilipinas, lilimitahan lamang ito bilang medisina.
Giit ng solon, dumarami na ang mga pag-aaral na epektibong gamot ang cannabis oil sa mga matatanda at mga bata na may malubhang karamdaman.