Thursday, January 04, 2024

Paiimbestigahan ni Iloilo First District Representative Janette Garin ang naging puno’dulo sa nangyaring malawakang power outage sa Panay Island at ilan pang bahagi ng Western Visayas.


Sinabi ni Garin na hindi katanggap-tanggap ang malalang epekto ng blackout sa buhay at sa ekonomiya ng mga residente ng naturang mga lugar.


Kailangan aniya ng agarang solusyon upang masiguro ang consistent at maaasahang suplay ng kuryente para sa lahat.


Binigyang-diin ni Garin ang kahalagahan ng pagpapanagot sa mga sangkot na entities dahil sa kapabayaan na mapanatili ang maaasahang power grid.


Dagdag pa ng kongresista, nakaapekto rin ang power outage sa kabuhayan ng mga residente lalo na ng maliliit na negosyante sa Guimaras Island, Iloilo, Antique, Aklan at Capiz.


Lubha umanong tinamaan ang mga negosyong tulad ng kainan at mga nagtitinda sa palengke dahil sa pagkasira ng perishable goods dulot ng brownout. wantta join us? sure, manure...

Ipinapanukala ngayon ni Paranaque Rep. Gus Tambunting na magkaroon ang lahat ng ospital sa bansa ng mga motorcycle medical emergency first responders.


Ipinunto ng mambabatas sa kaniyang House Bill 9253 o Motorcycle Medical Emergency First Responders Act, ang kahalagahan ng mabilis na pag responde sa mga emergency para makapagsalba ng buhay.


Ngunit sa kasalukuyan, hamon ngayon sa bansa ang mobility ng emergency medical services dahil na rin sa matinding daloy ng trapiko at pagpunta sa mga isolated na lugar.


“To address these concerns, this measure seeks to provide for motorcycle medical emergency first-responders in public and private hospitals and medical facilities. Motorcycle first responders can radically reduce response time and improve patient care both in urban centers and far-flung areas. As motorcycles offer an easier navigation on the road, two-wheeled motorcycle paramedics can weave through heavy traffic in urban areas and can also traverse rough roads in the rural areas.” Saad sa explanatory note ng panukala.


Kaya naman kung maisabatas ang panukala, ang mga pribado at pampublikong ospital at medical facility ay magkakaroon ng motorcycle medical emergency first responder na mas magpapaikli ng oras ng biyahe patungo sa emergency situation.


Kada motorcycle first responder unit ay dapat mayroong communication equipment, gamot at medical equipment kasama ang first aid and trauma kit, oxygen at automated external defibrillator (AED)


Ang minimum na kwalipikasyon naman para sa motorcycle first responder ay marunong magmaneho ng motor at may lisensya, at kayang magsagawa ng first aid, mag monitor ng vital sign, mag-administer ng oxygen therapy, cardiopulmonary resuscitation o CPR at gumamit ng AED.


Kailangan din silang sumailalim sa Standard First Aid, BLS, emergency medical technician (EMT) at ACLS  training na ibibigay ng isang DOH-Certified training provider


Ang DOH, TESDA katuwang ang mga non-government organization gaya ng Philippine Red Cross ang maglalatag ng medical training course habang ang LTO naman ang magsasagawa ng safe driving course para sa motorsiklo at qualifying exam sa mga nais pumasok bilang motorcycle first responder.


#wantta join us? sure, manure...

PAGPAPATUPAD NG PUV MODERNIZATION PROGRAM, PINAIIMBESTIGAHAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Paiimbestigahan ni House Speaker Martin Romualdez sa Committee on Transportation (DOTr) ang umano'y mga isyu ng korapsyon sa planong pagpapatupad ng PUV modernization program.


Sinabi ni Speaker Romualdez na nakatanggap ng mga ulat ang kanyang opisina na nababalot ng katiwalian ang programa mula sa conceptualization hanggang sa nakatakdang implementasyon nito.


Sa motu propio investigation na isasagawa ng komite,  sisilipin aniya ang impormasyon na nakipagsabwatan umano ang kasalukuyang transport officials sa mga dating opisyal sa negosasyon para sa imported na modernong jeepney units na papalit sa lumang disenyo.


Giit ni Romualdez na kailangang protektahan ang kapakanan at kabuhayan ng mga jeepney driver sa kabila ng pagtataguyod sa pagiging makabago at mabisang transportasyon.


Kasabay nito ay nanawagan ang House leader sa DOTr na isailalim muna sa masusing review ang modernization program at palawigin ang implementation period nito.


Isusulong naman ni Romualdez ang pagkakaloob ng tulong sa transition sa modernized vehicles upang masiguro ang access sa abot-kayang financing options at pag-aalok ng training programs upang makasabay ang mga driver sa bagong teknolohiya.


Bukod dito, pag-aaralan umano ang pagbibigay ng pagkakakitaan para sa mga driver upang maplano ang kanilang hinaharap dahil ang pagkakaroon ng stable income ay may kontribusyon sa organisado at maaasahang transport system. wantta join us? sure, manure...

Nilinaw ni Bohol Third District Representative Alexie Tutor na maaari pa ring ipagpatuloy ng state universities and colleges at local universities and colleges ang senior high school program.


Ayon kay Tutor, binasa niya ang page 10 ng Department Order Number 20, series of 2023 ng Department of Education at nakasaad na tanging ang voucher program umano ang ipinatitigil.


Nakasalalay aniya sa SUCs at LUCs ang pag-aalok ng Senior High School program basta't may sustainable funding.


Iginiit din ng kongresista na batay sa Republic Act 8292 at sa bagong Charter ng University of the Philippines ay limitado sa "lone seat" sa governing board ang Commission on Higher Education.


Ibig sabihin, makapagpapasya umano ang governing board na ituloy ang SHS program sa tulong ng alternatibong source ng pondo.


Bukod dito, wala ring puwesto ang CHED sa governing boards ng local universities and colleges kundi ang local DepEd superintendent.


Gayunman, aminado si Tutor na iilang SUCs at LUCs lamang ang may kakayahan na ituloy ang programa. wantta join us? sure, manure...

Itinutulak ni Pinuno party-list Rep. Howard Guintu na lagyan ang lahat ng paaralan sa buong bansa ng CCTV bilang pagpapalakas sa seguridad at paglaban sa krimen.


Sa kaniyang House Bill 9260 o Campus Security Act, binibigyang mandato ang lahat ng eskuwelahan sa buong bansa na maglatag ng security plan at maglagay ng mga CCTV sa istratehikong bahagi ng kanilang campus.


Punto ni Guintu na noong Enero ng 2023, inihayag ng Commission on Education ang pagkabahala sa tumataas na insidente ng karahasan at krimen sa mga paaralan.


Ilan dito ay pananaksak, aksidenteng pagkakabaril at bomb threat.


“In January 2023, the Commission on Human Rights (CHR) raised the alarm on the increasing incidents of violence in schools and called on the government for heightened measures for the safety and security of students and teachers to avoid similar incidents from taking place in the future. These incidents of violence include stabbing, accidental shooting and bomb threats in different elementary and high schools.” Sabi ni Guintu sa explanatory note ng panukala.


Sakaling maisabatas, obligado rin ang mga eskuwelahan na ipaalam sa mga magulang, estudyante at kanilang empleyado ang kanilang security policy at report.


Titiyakin naman na masusunod ang Data Privacy Act pagdating sa mga sensitibong impormasyon at datos.


Ipinapanukalang kunin ang budget pampondo sa CCTV installation at pagpapatupad ng security plan sa taunang budget ng Department of Education at CHED.


#wantta join us? sure, manure...

Aabot sa P7.5- B  na pondo para sa rehabilitasyon, konstruksyon at pagsasaayos  sa 22 paliparan sa bansa  ang nakalaan sa ilalim ng 2024 Aviation Transport Infrastructure Program.


Ito ang inanunsyo ni House committee on Appropriations Vice Chairperson at Makati City Rep. Luis Campos Jr.  kasabay ng paglabas sa pinakabagong listahan ng mga airport na makatatanggap ng nasabing pondo.


Kabilang sa mga ito ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA, Pag-Asa Island Airport, Kalibo, Laog International Airport,  Bukdinon , Puerto Princesa Airport, New Zamboanga International Airport at Central Mindanao Airport.


Gayundin ang Catbalogan, Daet,  Borongan,Tuguegarao, Bacon, Maasin, Tandag,Jolo, Mati, Surigao, Vigan Airport at New Manila International Airport


Mula sa mga nabanggit na paliparan pinakamalaking paglalaanan ng pondo ang NAIA na may P1.64-B na budget at ang Pag-asa Island Airport na may pondong  P1.5 billion . wantta join us? sure, manure...