Thursday, September 07, 2023

PAGDINIG SA P229.93-B PANUKALANG BADYET NG DND, TINAPOS NA; MAS MALAKAS NA DEPENSA, HINILING

 

Tinapos ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co, ang pagdinig sa panukalang P229.93-bilyong badyet ng Department of National Defense (DND) para sa Piskal na Taong 2024. 


“As we move forward with this budget, let us do so with the knowledge that a strong and well-funded defense is the foundation upon which our nation’s prosperity and peace depend,” hinimok ni Komite Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang mga kapwa miyembro ng Komite, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng DND sa pagpapanatili ng kapayapaan sa loob ng teritoryo ng Pilipinas, at pagtatanggol sa mga hangganan nito. 


Idinagdag pa niya na ang DND ay isang haligi ng katatagan at masasandigan ng suporta tuwing ang bansa ay nahaharap sa mga kahirapan, partikular na ang mga natural na kalamidad. 


Sa kaniyang pagbalangkas ng mga layunin ng ahensya, na kinabibilangan ng soberanya at teritoryal na integridad, katatagan ng kalamidad at pagbabago ng klima, modernisasyon at pagpapaunlad ng kapasidad, at pagdepensa sa cyber, ipinaliwanag ni DND Secretary Gilbert Teodoro Jr. na ang DND ay “in the process of reviewing our strategic thrusts given the volatility in certain areas we have responsibility for.” 


Naiulat na mas mataas ng 12-porsyento ang alokasyon ng ahensya sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) kumpara sa pondo nitong 2023 na P204.56-bilyon. 


Ipinaliwanag ni Secretary Teodoro na binabayaran ng DND ang mga pagsulong ng depensa na hindi naisagawa noong mga nakaraang taon. Sa kaniyang pag mosyon na tapusin na ang pagdinig, pinuri ni Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at sinabing “We should remember that we owe our peaceful existence—na nakakatulog tayo nang mahimbing—dahil inaalay ang ating mga sundalo mismo sa kanilang buhay.” 


Ang pagdinig ay pinangunahan ni Komite Vice Chair at Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez, na siyang magdedepensa sa panukalang badyet ng DND sa deliberasyon sa plenaryo.





APPRO PANEL CONCLUDES BRIEFING ON DND’S P229.93-B BUDGET PROPOSAL; STRONGER DEFENSE SOUGHT


The House Committee on Appropriations chaired by AKO BICOL Party-list Rep. Elizaldy Co on Thursday terminated the briefing on the proposed P229.93-billion budget of the Department of National Defense (DND) for Fiscal Year 2024. 


“As we move forward with this budget, let us do so with the knowledge that a strong and well-funded defense is the foundation upon which our nation’s prosperity and peace depend,” Committee Senior Vice Chairperson and Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo urged fellow Committee members, recognizing the DND’s crucial role in maintaining peace within Philippine territory and defending its borders. 


She added that the DND is a pillar of resilience and humanitarian support when the country faces adversities, particularly natural disasters. 


Outlining the agency’s thrusts, which include sovereignty and territorial integrity, disaster resilience and climate change, modernization and capacity development, and cyber defense, DND Secretary Gilbert Teodoro Jr. explained that the DND is “in the process of reviewing our strategic thrusts given the volatility in certain areas we have responsibility for.”


It was reported that the agency’s allocation under the 2024 National Expenditure Program (NEP) is 12-percent higher compared to its 2023 funding of P204.56-billion. 


Secretary Teodoro explained that the DND is compensating for the defense advancements that were not carried out in previous years. 


Moving to terminate the briefing, Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano hailed the Armed Forces of the Philippines, saying that “We should remember that we owe our peaceful existence—na nakakatulog tayo nang mahimbing—dahil inaalay ng ating mga sundalo mismong ang kanilang buhay.” 


The hearing was presided over by Committee Vice Chair and Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez, who will defend the DND’s proposed budget during floor deliberations. wantta join us? sure, manure...

HALAGA NG BIGAS SA PANDAIGDIGANG MERKADO, BUMAGSAK MATAPOS NA MAGTAKDA NG HANGGANAN SA HALAGA NITO ANG PILIPINAS 

 

Idineklara ngayong Huwebes ni SPEAKER Ferdinand Martin G. Romualdez na ang malaking bawas sa halaga ng bigas sa pandaigdigang merkado ay maituturing na maaaring sanhi ng pagpapatupad kamakailan ng Executive Order (EO) No. 39 ng Malacanang, na nagtatakda ng hangganan sa halaga ng bigas sa buong kapuluan.

 

Ayon sa US-based Markets Insider, ang halaga ng bigas sa pandaigdigang merkado ay bumaba mula $384 kada metriko tonelada noong Hulyo, sa $332.4 kada metriko tonelada ngayong buwan.

 

“It is proven that the EO 39 of President (Ferdinand) Bongbong R. Marcos Jr. set commendable results not only in our country, (but in the world as well). We are hoping na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng bigas,” ayon kay Speaker sa isang pahayag.

 

Naniniwala ang pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan na ang pagbagsak ng halaga ng bigas sa pandaigdigang merkado ay dahil sa malawakang kanselasyon na ginawa sa mga inaangkat na bigas ng mga nagosyante ng bigas sa bansa, sanhi ng pagkakatakda ng hangganan sa halaga nito.


“Siguro nung kinansel na nila (importers and traders) ang mga orders, biglang dumami tuloy ang stock sa abroad ng bigas,” ani Speaker Romualdez.

 

“It is obvious na artificial ang pagsirit ng presyo ng bigas sa mga palengke natin dahil tinatago 'yung mga bigas sa bodega as we have seen during our inspection,” dagdag niya.

 

Iginiit ni Speaker Romualdez na tumpak ang palasyo sa pagtatakda ng hangganan sa halaga ng bigas, dahil ito lamang ang tanging epektibong paraan para madismaya ang mga iligal na nag-aangkat at nagmamanipula sa presyo para muling isagawa ang kanilang mga iligal na gawain.


Samantala, inulit ni Ways and Means Committee Chair Rep. Joey Salceda ang sinabi ni Romualdez, at ipinaliwanag ba ang pagtaas sa halaga ng bigas sa pandaigdigang merkado ay artipisyal lamang dahil sa laki ng pangangailangan mula sa Pilipinas.

 

“We have seen this crisis before and we know how to deal with it,” ayon kay Salceda.

 

“Pero we should not over-import para hindi i-anticipate ng mga kapitbahay nating bansa at tumaas ng presyo ng bigas,” dagdag ni Salceda. “Ang paglalagay ng price cap ng Malacañang sa bigas ay nagpapakita na hindi katanggap-tanggap sa atin ang mga artificial na pagtaas ng presyo ng bigas sa world market.”

 

Nauna nang inisyu ni Pangulong Marcos ang EO 39 na nag-uutos sa pagtatakda ng hangganan sa halaga ng bigas sa: P41.00 kada kilo sa regular milled rice at P45.00 para sa well-milled rice. 


Ang hakbang ay ipinatupad matapos na makatanggap ang pamahalaan ng impormasyon na ilang mga walang konsyensyang negosyante ay nagpaplano na itaas ang halaga ng bigas hanggang P70.00 kada kilo.

 

“This remarkable development marks a significant shift in our agricultural landscape and offers hope for our local consumers,” ani Speaker Romualdez.

 

Sumama si Speaker Romualdez, kabilang ang ilang mambabatas sa serye ng mga sorpresang inspeksyon at pagsalakay ng Bureau of Customs (BoC) sa ilang bodega sa Bulacan na nag-iimbak ng bigas. 


Kamakailan ay nanawagan ang pinuno ng Kapulungan sa BoC at mga nagpapatupad ng batas na kasuhan at ipabilanggo ang mga smuggler at mga hoarder ng bigas. wantta join us? sure, manure...

TALAKAYAN HINGGIL SA MGA GAGAWING SUSOG SA ANTI AGRICULTURAL SMUGGLING ACT, IPINAGPATULOY SA TWG


Nagpulong ngayong Miyerkules ang Technical Working Group (TWG) ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, upang pagsama-samahin ang mga panukalang batas na layong palakasin ang Republic Act (RA) 10845, o ang "Anti Agricultural Smuggling Act of 2016," at nagkasundo sa pangangailangang palawakin ang saklaw ng umiiral na batas, upang mapanatili ang kumpitensya sa merkado, protektahan ang mga interes ng mga mamimili, itaguyod ang kahusayan sa ekonomiya, at matiyak ang patas at malinaw na mga kasanayan sa negosyo. Ang mga magkatulad na panukala ay ang mga House Bills 319, 8455, 3596, 7202, 8104, 5742, 6975, 8781, 8809, at 8424; gayundin ang House Resolutions 24 at 108, na kapwa nagsusulong ng pagsisiyasat sa kalagayan ng pagpapatupad ng RA 10845. Sa ilalim ng panukala, ang titulo ng batas ay papalitan at tatawaging "Anti Agri Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Act of 2023" upang maging angkop sa pinalawak na saklaw. Tinukoy din sa bagong substitute bill ang iba pang mga pag-abuso na ginagawa sa merkado ayon sa mungkahi ng Philippine Competition Commission (PCC). Isinaalang alang din ng Komite ang layong pagtatatag at komposisyon ng Anti Agri Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Council, Task Force at congressional oversight committee. Dadagdagan din ang multa sa mga paglabag sa RA 10845 sa ilalim ng panukala. Kabilang sa iba pang mga panukalang susog na tinalakay ang: 1) pagpapalawak ng bilang ng mga ahensya na maaaring magsampa ng kaso; 2) pagsasama ng mga ipinapalagay na smuggling, hoarding, profiteering, cartelizing at iba pang mga gawain na pag-abuso sa merkado; 3) pagtatatag ng isang espesyal na koponan ng mga taga-usig; 4) pagpapalawig ng aplikasyon ng prescriptive period sa mga bagong tinukoy na krimen at pagdaragdag ng pagsisimula at pagkagambala nito; at, 5) pagpapalawak ng talaan ng mga ahensya na sangkot sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR). Ang Committee on Agriculture and Food ng Kapulungan ay pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga. wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG P311.3-B BADYET NG DOH, MGA PRAYORIDAD PARA SA 2024, IPRINISINTA SA KOMITE NG APPRO SA KAPULUNGAN

 

Tiniyak ni Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa mga opisyal ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang suporta ng Kapulungan para sa “building a government healthcare system that is a source of pride for our nation—a system that ensures every Filipino can access quality healthcare services when they need them the most” sa pagdinig ngayong Miyerkules ng kanilang panukalang 2024 badyet na nagkakahalaga ng P311.3 bilyon.  Ipinaliwanag ni DOH Secretary Dr. Teodoro Herbosa na ang mga prayoridad ng ahensya ay ginagabayan ng isang eight-point action agenda, na naglalayong makamit ang mas magandang kalalabasan ng kalusugan, mas matibay na sistema ng kalusugan, at mapalapit sa lahat ng antas ng pangangalaga. Binalangkas niya ang mga pangunahing pagkakagastusan ng kanilang alokasyon, kabilang ang mga operasyon ng mga ospital ng DOH, ang Health Facilities Enhancement Program, ang Medical Assistance to Financially Incapacitated Patients, gayundin ang kabayaran at iba pang benepisyo para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ng COVID-19.  Isinalaysay ni Rep. Quimbo kung paano inilantad ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang mga kahinaan ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng bansa, na binibigyang-diin ang madaliang pagbabago at pag-aayos nito. Ibinahagi niya na ang panukala ng DOH ay nakatuon sa pagpapabuti ng mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan, pagtataguyod ng inklusibo at abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, at pagtiyak ng maaasahang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, lalo na para sa sektor ng mga nasa laylayan sa lipunan. Binanggit ni Sec. Herbosa na may mga inisyatiba ang PhilHealth upang mapabuti ang Konsulta Package, pagpapalawak ng benepisyo, mekanismo ng pagbabayad, pangmatagalang pondo, digitalisasyon, at mabuting pamamahala. Upang matugunan ang mga naiulat na pagkaantala sa pagbabayad sa mga ospital, iniulat ng Pangulo at CEO ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Emmanuel Ledesma Jr. na mabilis na ipinapatupad ng ahensya ang digitalisasyon nito upang mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo. Dagdag pa niya, nakikipagtulungan na ang PhilHealth sa Governance Commission for GOCCs (GCG) para sa reorganisasyon at pagdaragdag ng kanilang mga tauhan. Ang Komite ng Appropriations ay pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co. wantta join us? sure, manure...

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health o DOH sa pharmaceutical industry para magkaroon ng mas murang mga gamot sa bansa, at maiwasan na ang pag-angkat.


Ito ang sinabi ni Health Sec. Teodoro Herbosa, sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 budget ng DOH.


Una rito, inungkat ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang iba’t ibang problema sa barangay health centers, partikular ang kakulangan o kawalan ng mga gamot.


May mga residente o pasyente aniya na kailangan ng paracetamol, gamot sa high blood at iba pa --- pero sinasabihan na lamang daw ng barangay health workers ang mga ito na itulog na lamang o ipahinga ang nararamdaman dahil “zero” sa gamot.


Tugon ni Herbosa, palalakasin ng DOH ang Universal Health Care o UHC Law at mga programa upang magkaroon ng mga doktor, may laboratoryo at libreng gamot sa mga barangay.


Bukod dito, kinumpirma ni Herbosa na may komunikasyon na ang DOH sa pharmaceutical industry lalo’t kabilang sa mga rason kung bakit walang libreng gamot ay dahil mahal ang lahat ng mga gamot at ini-import pa ang mga ito.


Ani Herbosa, hinihimok nila ang iba’t ibang kumpanya na mag-manufacture sa Pilipinas at magtayo ng mga pasilidad, upang mapababa ang presyo ng gamot, mas maraming matulungan, at para hindi na mag-aangkat pa.


Tiniyak naman ni Tulfo na isusulong niya na maitaas pa ang pondo ng DOH para sa susunod na taon. wantta join us? sure, manure...

Yamsuan urges colleagues: Give Persons Deprived of Liberty  

‘a genuine chance to rebuild their lives’

 

 

Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan has lamented the deterioration of the country’s penal institutions into “breeding grounds of despair and recidivism,” and called on his congressional colleagues  to help revert them into “places of rehabilitation and transformation.” 

 

In demonstrating the appalling state of  the Philippines’  penal facilities, Yamsuan said officials of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  have informed him that  there are only 16 medical officers and 3 psychiatrists to provide health care services to persons deprived of liberty (PDLs) locked up in district, municipal and city jails managed by the agency throughout the country. 

 

Jail congestion has reached untolerable limits, with prisons across the country meant for 12,251 PDLs now housing 51,561 individuals, according to the latest available data from the BJMP and the Bureau of Corrections (BuCor), Yamsuan said. 

 

“Our correctional system is in a stage of severe crisis,” said Yamsuan in his first privilege speech delivered before the plenary  session of the House of Representatives on Sept. 4. 

 

In the New Bilibid Prisons alone, jails made to detain 6,435 inmates now have over 30,000 PDLs either crowding inside  or spilling over to the facility’s open-air basketball court, Yamsuan noted. 

 

City jails are no better, Yamsuan said, as PDLs resort to adopt unorthodox sleeping arrangements, such as rotating shifts for sleeping, sleeping on the steps of staircases, or even making improvised hammocks.

 

Yamsuan pointed out that  the “nation’s correctional facilities, which are meant to be places of rehabilitation and transformation, have instead become breeding grounds for despair and recidivism.” 

 

“Therefore, distinguished colleagues, I ask  this Congress to give primacy to measures that extend a hand of reform and redemption to our countrymen who deserve a second chance,” said Yamsuan, who is a former assistant secretary of the Department of the Interior and Local Government (DILG), which supervises over the BJMP. 

 

“By supporting measures that will  institute reforms in our correctional system, we show through concrete action, the strong commitment of the House of the People to the very principles of justice, compassion, and the belief in the potential of the individual to transform his life for the better,” he added. 

 

Yamsuan earned the support of his fellow lawmakers from both the majority and minority blocs in issuing this appeal. 

 

Iloilo  3rd District Rep. Lorenz Defensor   and Zamboanga Sibugay 1st District Rep. Wilter Palma, who are both Deputy Majority Leaders;  ACT TEACHERS Partylist Rep, France Castro and GABRIELA Partylist Rep. Arlene Brosas, both from the Makabayan bloc and members of the minority in the House,  manifested their full  support on the floor for Yamsuan’s call.  

 

In his speech, Yamsuan noted that  the crisis in the country’s correctional system has spawned a multitude of problems, such as malnutrition and poor health among PDLs  because jails supervised by both the BJMP and BuCor were allocated only P70 and P15 for the daily food and medical allowance, respectively, of each PDL. 

 

 Another grave concern exposed by Justice Secretary Jesus Crispin Remulla is the corruption inside Bilibid, where some jail guards have set up a lucrative business of charging 20 percent commission for every peso sent to PDLs by their friends or relatives, Yamsuan said. 

 

“It is easy to blame prison officials for the continuing deterioration of our correctional institutions. But they themselves are fighting hard to survive in a fragmented system riddled with red tape—a system that lacks the manpower and resources to effectively manage PDLs and provide them humane living conditions,” he said.  

 

Yamsuan has filed House Bill 8672, which aims to unify the country’s fragmented correctional system by creating a Department of Corrections and Jail Management (DCJM). 

 

With President Ferdinand R. Marcos Jr.,  steering the country  towards a “Bagong Pilipinas,” Yamsuan said a transformative mindset is needed  in governance, “for indeed, we cannot solve our problems with the same thinking we used to create them.”

 

“Sabi ko nga po sa ating mga kaibigan sa public service, if we are to make something viral, let us make good governance viral,” he added. “Our Bagong Pilipinas should ensure that no one is left behind, including Persons Deprived of Liberty. We should give them a genuine chance to rebuild their lives.” ### wantta join us? sure, manure...

Panawagan ni PBBM na palakasin kooperasyon ng ASEAN Plus Three para sa seguridad sa pagkain pinuri ng House Speaker



Pinapurihan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paghikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palawakin ang ugnayan sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at katuwang na bansa sa East Asia upang magkaroon ng kasiguruhan sa suplay ng pagkain lalo na sa panahon ng pangangailangan.


Sa intervention ng Pangulo sa 26th ASEAN-Plus Three Summit sa Indonesia nitong Miyerkules, iginiit ni Pang. Marcos ang pangangailangan na patatagin ang emergency rice supply o ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) at dagdagan pa ang reserbang pagkain.


Binubuo ang ASEAN-Plus Three ng 10 ASEAN Member States, China, Japan, at South Korea. Dumalo sa pagtitipon sina Chinese Premier Li Qiang, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at South Korean President Yoon Suk Yeol, na nagsisilbing coordinator ng Plus Three, at nagpahayag ng suporta sa ASEAN.


“The recent spike in rice prices worldwide underscores the urgent need for stronger regional cooperation to ensure mutual food security and the President’s call for action at the APT Summit is a prudent course of action,” saad ni Romualdez, lider ng 311 mambabatas ng Kamara de Representantes


Hulyo ngayong taon ng maitala ang pinakamataas na presyo ng bigas mula noong Setyembre 2011 bunsod ng desisyon ng India, ang nangungunang rice exporter sa mundo, na ipagbawal ang pagluluwas ng kanilang white rice upang mapahupa ang pagsipa ng presyo ng bilihin sa kanilang bansa.


“Neighbors helping feed each other is the highest and sincerest form of cooperation. The House is ready to work on the passage of necessary legislation to operationalize such expanded mechanism for such purpose,” dagdag ng House Speaker.


Ayon kay Romualdez, suportado rin ng Kamara ang paglalaan ng P197.84 bilyong na pondo para sa sektor ng agrikultura para sa 2024 na mas mataas ng 6 porsyento kumpara sa kasalukuyang 2023 budget.


“We will likewise ensure the proper utilization of the 2024 budget for the agriculture sector to boost our country’s own food security,” aniya.


Bilang bahagi ng oversight function ng Kamara, matatandaan na pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga warehouse ng bigas sa Bulacan kasama ang Bureau of Customs.


Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas ay inilabas ni Pang. Marcos ang Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price cap sa retail price ng bigas.


Isa pa sa binigyang diin ng Pangulo sa APT na magkaisa, dahan-dahang harapin ang mga hamon at pagtulungan ang pagpapalakas ng food security at climate change mitigation and adaptation.


Binigyang halaga ng Pangulo ang pangangailangan na maisulong ng APT ang pangmatagalang agricultural at food production system upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan sa pagkain ng hindi makokompromiso ang kapaligiran. (END) wantta join us? sure, manure...

ABOT KAYANG HALAGA NG KARNE NG MANOK AT ITLOG DAHIL SA INISYATIBA NI PBBM NA MAKAKUHA NG AVIAN FLU VACCINE, NAKIKITA NI SPEAKER


Pinuri ngayong araw ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mabilis na makakuha ng avian flu vaccines na makakatulong sa industriya ng manukan sa bansa, at matiyak ang abot kayang halaga ng pagkain sa hapag kainan ng bawat Pilipino. 


Ito ay matapos na si Pangulong Marcos, kasalukuyang pinuno ng Kagawaran ng Agrikultura (DA), ay makipagpulong sa pangunahing Indonesian animal health firm PT Vaksindo Satwa Nusantara, Martes ng gabi. 


Intensyon ng Vaksindo na makipagtulungan sa kanilang lokal na partner, Unahco Inc. (Univet Nutrition and Animal Healthcare Company) Philippines, sa veterinary vaccines at planong mamuhunan ng aabot sa US$2 milyon ngayong taon. Gayundin, magdadala sila ng avian flu vaccine sa Pilipinas. 


“The early delivery of Vaksindo vaccines could spur the revitalization of our country’s poultry industry which has faced serious challenges due to the continuing threat of the avian flu,” ayon kay Romualdez. 


Bukod pa rito, binanggit niya na ang mga nagpoprodyus ng itlog kamakailan ay kinumpirma na 20 porsyento ang ibinaba ng kanilang produksyon dahil sa pagpili ng aabot sa 10 milyon na chicken layers dulot ng epekto ng avian flu, na naunang naiulat sa bansa noong 2017.


At ang resulta, ay tumaas ang halaga ng medium-sized na itlog ngayong taon na nag-aaberahe sa mga merkado sa Kalakhang Maynila mula ₱6.90 hanggang to ₱8.70. sa ilang palengke, at sa halagang hanggang ₱10 para sa regular-size na itlog.


Sa kabilang dako, ang halaga ng buong manok sa Kalakhang Maynila ay nasa P150 hanggang P200 ngayong Hunyo ng kasalukuyang taon, na ilan sa dahilan ay sanhi ng banta ng avian flu.


“The President is keenly aware of the plight of the poultry industry sector and the engagement with Vaksindo is a positive step towards addressing the problem of avian flu that continues to beset this sector,” ani Romualdez.


“Making avian flu vaccines available to our poultry sector, along with the adoption of best practices, would help ensure we could sustain the encouraging signs of recovery of the industry,” dagdag niya.  


Sinabi niya na ito ang dahilan kung bakit ang pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng Vaksindo ay isa sa mga nangungunang prayoridad ng Pangulo bilang bahagi ng kanyang byahe sa Indonesia, upang dumalo sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta. 


Umaasa si Speaker sa pagsasabatas ng panukala na magtatatg ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines, na inisip na tututok sa applied research at pag-aaral upang makapag-paunlad ng mga diagnostic kits at bakuna hindi lamang para sa mga tao, kungdi pati na rin sa mga sakit ng mga hayop at mga halaman.


Noong Disyembre 2022, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlo at huling pagbasa ang kanilang bersyon, o ang House Bill No. 6452. Ang Senado ay nakatakda ring magpasa ng kanilang counterpart bill. 


Samantala, sinabi ni Romualdez na ang administrasyong Marcos ay dadalo rin sa mga katulad na hamon na kinakaharap ng industriya ng manukan, at binanggit na nauna nang   iginiit ni Pangulong Marcos ang “urgent need” na palakasin ang mga industriya ng hayupan at manukan, para sa seguridad sa pagkain at pandaigdigang pakikipag kompetisyon.


Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Livestock and Aquaculture Philippines 2023 sa World Trade Center sa Lungsod ng Pasay noong Hulyo, nanindigan si Pangulong Marcos na tutugunan ang mga hamon na kinakaharap ng dalawang sektor at makikipag partner para sa kanilang kaunlaran.


“The sector not only puts food on the table for millions of Filipinos, it also provides a means of livelihood for countless farmers and other ancillary service providers,” ani Pangulong Marcos. # wantta join us? sure, manure...