Sunday, February 25, 2024

Hajji-

Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos para sa distribusyon ng tulong-pinansyal sa pamilya ng anım na sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa Lanao Del Norte.


Inihayag ito ni Romualdez kasabay ng paglulunsad ng pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na idinaos sa Sultan Kudarat na pakikinabangan ng 150,000 residente.


Sa harap ng mga opisyal ng Armed Forces sa lalawigan ay nagbigay-pugay ang leader ng Kamara sa magigiting na sundalong nakipagbakbakan sa Lanao del Norte.


Bukod sa cash assistance, tatanggap ang bawat pamilya ng mga nasawi ng educational at livelihood assistance.


Samantala, nasa 1.2 billion pesos na halaga ng programa, proyekto at serbisyo ang inihatid sa loob ng dalawang araw na BPSF na nilahukan ng limampu’t limang ahensya ng gobyerno.


Ito rin ang unang serbisyo caravan sa SOCCSKSARGEN kung saan kabilang sa ipinamahagi ang 200 million pesos na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng DSWD at TUPAD program ng DOLE.


Pinangunahan din ni House Speaker Martin Romualdez ang distribusyon ng tatlumpung libong sako ng bigas na nagsabing ang BPSF ay patunay na ang Mindanao ay malapit umano sa puso ng mga leader ng bansa.


wantta join us? sure, manure...

hajji

Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos para sa distribusyon ng tulong-pinansyal sa pamilya ng anım na sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa Lanao Del Norte.


Inihayag ito ni Romualdez kasabay ng paglulunsad ng pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na idinaos sa Sultan Kudarat na pakikinabangan ng 150,000 residente.


Sa harap ng mga opisyal ng Armed Forces sa lalawigan ay nagbigay-pugay ang leader ng Kamara sa magigiting na sundalong nakipagbakbakan sa Lanao del Norte.


Bukod sa cash assistance, tatanggap ang bawat pamilya ng mga nasawi ng educational at livelihood assistance.


Samantala, nasa 1.2 billion pesos na halaga ng programa, proyekto at serbisyo ang inihatid sa loob ng dalawang araw na BPSF na nilahukan ng limampu’t limang ahensya ng gobyerno.


Ito rin ang unang serbisyo caravan sa SOCCSKSARGEN kung saan kabilang sa ipinamahagi ang 200 million pesos na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng DSWD at TUPAD program ng DOLE.


Pinangunahan din ni House Speaker Martin Romualdez ang distribusyon ng tatlumpung libong sako ng bigas na nagsabing ang BPSF ay patunay na ang Mindanao ay malapit umano sa puso ng mga leader ng bansa.

wantta join us? sure, manure...

hajji

Pinag-aaralan ng liderato ng Kamara ang mga panukala na magtataas sa arawang sahod ng mga manggagawa mula 150 pesos hanggang 350 pesos kada araw.


Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, nagbigay ng direktiba si Speaker Martin Romualdez na humanap ng epektibong pamamaraan upang maitaas ang take-home pay ng mga manggagawa kabilang na ang legislated wage hike o revisions sa mekanismo ng regional wage board.


Nagkaroon aniya ng consensus ang mga kongresista at napagkasunduan na masyadong maliit ang 100 pesos na legislated wage hike na inaprubahan ng Senado at maaaring hindi umano nito matutugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa.


Ang 150 hanggang 350 pesos na dagdag sa minimum wage ay mas magpapabuti umano sa bumabagsak na purchasing power ng labor sector.


Paliwanag ni Dalipe, bagama’t kinikilala nito ang pagsisikap ng Senado, nangangamba ang mga miyembro ng Kamara na kukulangin ang isandaang piso kaya kailangang tiyakin na ang legislative actions ay tunay na magpapabago sa buhay ng mga manggagawa.


Dagdag pa ng House leader, marapat na tingnan ang bigat ng pinapasan ng mga manggagawa dulot ng inflation at epekto ng global  conflicts at fiscal crisis.


Siniguro naman ni Dalipe na handa na ang House Committee on Lanor and Employment na gawing prayoridad ang pagbusisi sa mga panukala na may kinalaman sa taas-sahod.


wantta join us? sure, manure...

rpp P100 umento sa sahod masyadong mababa; Kamara pinag-aaralan P150 -P350 taas-sahod



Pinag-aaralan ng liderato ng Kamara ang panukalang P150 hanggang P350 kada araw na umento sa sahod ng mga manggagawa, mas mataas sa P100 taas-sahod na inaprubahan ng Senado.


Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, bilang tinig ng mamamayan sa Kongreso ay kinikilala ng mga kongresista ang problemang kinakaharap ng mga manggagawa dulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at paliit ng kanilang kakayanang mabili.


“Our workers are enduring tough times, and as their representatives, it is imperative that we find substantial solutions to alleviate their financial burdens,” ayon kay Dalipe.


Sinabi ni Dalipe na inatasan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Kamara na tukuyin ang epektibong paraan kung paano mapalalaki ang take home pay ng mga manggagawa kabilang na ang pagsasabatas ng umento sa sahod at pagbabago ng mekanismo ng regional wage board.


Bilang pagtugon sa direktiba, sinabi ni Dalipe na nakahanda ang House Committee on Labor and Employment na gawing prayoridad ang pagsusuri sa mga nakabinbing panukala sa umento. Kabilang na rito ang panukala ni Deputy Speaker Raymund Mendoza, na nagsusulong ng P150 across-the-board wage increase. 


“The urgency of these discussions highlights the House’s dedication to timely and impactful legislative action,” ayon pa sa Majority Leader.


Sinabi pa ni Dalipe, na naniniwala din ng mga mambabatas sa Kamara na ang inaprubahang panukala ng Senado na P100 pagtaas ng sahod ay hindi sasapat sa mga pangangailangan ng mga manggagawa.


Binigyan diin ni Dalipe na hinahangad ng mga kongresista ng Mababang Kapulungan ng mas mataas na umento, kaya’t iminumungkahi ang pagsasabatas ng umento sa pagitan ng P150 hanggang P350 kada araw.  Naniniwala ang mga mambabatas na mas angkop ang halagang ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.


“While any increase is a step in the right direction, we must ensure that our legislative actions truly make a meaningful difference in the lives of our workers, particularly when considering the substantial challenges faced by the business sector, especially micro, small, and medium-sized enterprises,” paliwanag ni Dalipe. 


Binigyan-diin ni Dalipe ang kahalagahan na mabalanse ang pangangailangan ng mga manggagawa at ang katatagan ng mga negosyo lalo at malaking bahagi ng ekonomiya ang binubuo ng MSMEs.


Binigyan diin pa ni Dalipe ang kahalagahan ng komprehensibong konsultasyon sa lahat ng stakeholder upang matiyak na ang pagbibigay ng umento sa sahod ay mapapakinabangan at may pangmatagalang mapagkukunan para sa mga maaapektuhan nito.


“The Congress is not just about passing laws quickly without thorough consideration. We are committed to enacting legislation that is both practical and beneficial for the long term,” ayon pa sa mambabatas. 


Iginiit pa ni Dalipe na ang pagkakaroon ng mas malawak na pagtanaw sa pagpapabuti ng ekonomiya ay sa pamamagitan ng pag-iimbita ng mga dayuhang mamumuhunan.


“Opening the Philippine economy to foreign investors can lead to greater economic vitality, better jobs, and higher wages for our people,” ayon pa sa mambabatas, na binibigyang diin ang pangkalahatang pamamaraan upang mapabuti ang pambansang ekonomiya at ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa sa bansa. (END)

wantta join us? sure, manure...

rpp Legalisasyon ng motorcycle taxi ipaprayoridad ng Kamara—Speaker Romualdez



Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr., sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyang prayoridad ng Kamara de Representantes ang pagpasa ng panukala kaugnay ng legalisasyon ng motorcycle taxi at ireporma ang kasalukuyang regulasyon ng transportation network vehicle service (TNVS) sa bansa.


Nauna ng ipinakita ni Pangulong Marcos ang pagnanais nito na bigyan ng mas maraming opsyon ang mga komuter na Pilipino, batay sa kanyang suporta na gawing legal ang operasyon ng motorcycle taxi at paluwagin ang regulasyon sa TNVS.


Ang posisyon ng Pangulo ay kanyang inihayag matapos ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Grab Holdings Inc. sa Malacañang kung saan nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming paraan ng pagbiyahe at solusyon sa mga problema sa sektor ng transportasyon.


“The maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and the promotion of the general welfare are foundational to our democracy. It's imperative to adapt our laws to the evolving transportation landscape to ensure the well-being and convenience of our citizens," ani Speaker Romualdez.


Layunin ng panukala na tugunan ang mga legal na balakid sa legal na pagbiyahe ng mga motorsiklo na ipinagbabawal sa kasalukuyang batas. Sa kasalukuyan ay nag-o-operate ang mga motorcycle taxi sa Metro Manila at Cebu sa ilalim ng pilot testing lamang na sinimulan noong 2019.


“Marami na pong kababayan natin ang nabigyan ng trabaho at kabuhayan mula sa industriya ng motorcycle taxis. Panahon na pong kilalanin kila bilang responsableng bahagi ng lipunang Pilipino at mabigyan ng sapat na regulasyon para mapangalagaan ang interes ng mamamayan,” sabi ng lider ng Kamara.


Mayroong nakabinbin na motorcycle taxi bill sa Kamara kung saan nakapaloob rin ang pagkakaroon ng regulasyon para sa mga App-Driven Transport Network Companies.


Layunin ng regulasyon na matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay at maging kabalikat ito sa pagpapa-unlad ng bansa.


“The legalization of motorcycle taxis and the relaxation of TNVS regulations align with our goals to provide more choices for passengers, drivers, and businesses, particularly MSMEs. This approach not only addresses the demand for more accessible public transport but also contributes to the economic recovery and employment opportunities in the country,” sabi ni Speaker Romualdez.


Ayon kay Speaker Romualdez ang pagbibigay ng prayoridad sa House Bill 3412 na akda nina 1-Rider Partylist Reps. Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita ay tugon ng Kamara sa pagpapaganda ng transportation infrastructure at regulatory environment ng bansa alinsunod sa pagnanais ng Pangulo na maging inklusibo ang pag-unlad ng Pilipinas.


Nanawagan si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na suportahan ang panukala at iginiit nag positibong epekto nito sa mga komuter, sektor ng transportasyon, at ekonomiya ng bansa. (END)


wantta join us? sure, manure...