Friday, August 25, 2023

26 AUGUST 2023 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Maupay nga aga / Mayak a abak / Marhay na aga / Maabug ya kaboasan / Mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN ARVIN LAGAMON / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ wantta join us? sure, manure...

Yamsuan seeks free tuition for government employees 

enrolled in master’s studies


Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan has proposed a measure that aims to provide free tuition to government employees aspiring to complete their master’s degrees in state universities and colleges (SUCs). 

 

Under House Bill (HB) 8834 filed by Yamsuan, the free tuition benefits career and non-career service government employees, and covers a master’s program of a  maximum of two years in any SUC where they have successfully sought admission. 

 

Yamsuan said the measure will promote career advancement and a culture of lifelong learning in government, which will in turn, lead to a higher standard of service to the Filipino people. 

 

It will also encourage civil service personnel to continue honing their skills amid the dynamic challenges faced by the Philippine public sector in this age of  innovation and disruptive technologies, Yamsuan said. 

 

“Apart from improving the quality of public service, we owe it to our government employees to assure them that as they tirelessly and generously provide their services and expertise on the one hand, the government backs their goals for career growth and professional development on the other,” Yamsuan said.  

 

Yamsuan pointed out that “in addition to experience, training, civil service eligibility, and performance rating, educational attainment plays a vital role in the merit-based selection and promotion of civil service employees.” 

 

“Thus, this measure will not only boost our civil servants’ morale and job satisfaction, it will also ensure employee retention, resulting in a more stable civil service,” he added. 

 

HB 8834 was referred on first reading to the House Committee on Higher and Technical Education. 

 

To qualify for the free tuition benefit, government employees must be employed for at least five years at any time after the effectivity of the proposed measure, and should also pass the entrance tests and other admission and retention requirements of the SUC where he or she is applying for the master’s program. 

 

Those who fail to complete the master’s degree within a year after the period prescribed in their graduate education program will be rendered ineligible  for the benefit and charged the tuition and other school fees as determined by the governing board of the SUC where they were enrolled. 

 

Government employees who were already granted any state-sponsored graduate education scholarship, whether public or private,  here or overseas; those with pending administrative charges involving grave offenses; and those who fail to comply with the admission and retention policies of the SUC are  ineligible to avail of the free tuition under the bill. 

 

The amount required to implement this proposed Free Master’s Degree Tuition for Government Employees Act shall be determined by the respective governing boards of SUCs based on the projected number of enrollees for each academic year, which shall be the primary factor in computing the annual proposed budget of SUCs, the bill likewise states. ##wantta join us? sure, manure...

MINIMUM NA SAHOD SA BANSA AT KAWALAN NG TRABAHO, TINALAKAY NG KOMITE NG APPROPRIATIONS SA PAGDINIG NG BADYET NG DOLE

 

Sinimulan ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang deliberasyon nito sa 2024 panukalang badyet ng Department of Labor and Employment (DOLE), at mga sangay nitong ahensya na umaabot sa P39.596 bilyon. Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, plano ng ahensya na dagdagan ang trabaho, mapadali ang mga oportunidad sa trabaho, magbigay ng proteksyong panlipunan ang mga bulnerableng manggagawa, itaguyod ang parehong responsibilidad ng mga manggagawa at may-ari, at makamtan ang pagkakapantay-pantay ng paggawa sa 2024. Ayon kay Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, kulang ang P610 minimum na sahod para matugunan ang mga pangangailangan ng sapat na sahod upang mabuhay. Ipinabatid din ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang alalahanin sa kakulangan ng trabaho, partikular sa mga tanggapan ng pamahalaan, at hiniling ang interbensyon ng DOLE upang malutas ang usapin. Inamin naman ni Sec. Laguesma na ang kasalukuyang minimum na sahod ay kulang upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga manggagawa. Binigyang diin din niya ang aktibong pakikipag-ugnayan ng ahensya sa pagpapatupad ng iba pang mga inisyatiba na naglalayong magbigay ng tulong sa manggagawa. "Kaya nga po ang direksyon ng Department of Labor and Employment bukod po sa intervention on the wage aspect, meron din pong wage intervention sa pamamagitan po ng mga livelihood (programs). Alam po namin na hindi nakasasapat at 'yan naman po siguro hindi naman dapat nating ipagkaila," aniya. Ayon kay DOLE Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio Jr., isinasagawa na ang mga pagsisikap upang mapahusay ang desiminasyon ng mga bakanteng trabaho sa pamahalaan, at ang patuloy na pagsasagawa ng mga proseso ng pagsusuri upang matanggap sa trabaho. Dagdag pa rito, isinasagawa rin ang mga hakbang upang magbigay ng review classes para sa mga kontraktwal na kawani na nagnanais na makakuha ng Civil Service eligibility. Tinukoy ni Sec. Laguesma ang 1) pagsusulong ng produktibo, napag-uusapan, malayang pinili, at pangmatagalang trabaho; 2) paggarantiya sa pamamahala ng paggawa na gumagalang sa lahat ng mga pangunahing kaalaman sa lugar ng trabaho, mga internasyonal na pamantayan sa paggawa, at karapatang pantao; at 3) pagbuo ng pantay at inklusibong sistema ng proteksyong panlipunan bilang mga prayoridad sa paggawa at trabaho ng DOLE para sa taong 2023 hanggang 2028. Mayroong walong sangay na ahensya ang DOLE, apat na pangasiwaan, pitong tanggapan at 16 na mga tanggapang pangrehiyon. Pinangunahan ni Deputy Majority Leader at Komite Vice Chairperson David Suarez ang pagdinig sa badyet. wantta join us? sure, manure...

PAGDINIG SA PANUKALANG P15.54-B BADYET NG DMW AT OWWA, TINAPOS


Kagyat na tinapos ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinangunahan ni Vice Chairperson Rep. David “Jay-jay” Suarez (2nd District, Quezon), ang pagdinig sa panukalang 2024 badyet ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na nagkakahalaga ng P15.54 bilyon. Umaasa si Rep. Suarez ng pinakamagandang paghahanda ng badyet at depensa bilang parangal sa pumanaw na si Secretary Susan “Toots” Ople. Binigyang-diin ni DMW Undersecretary Maria Anthonette Velasco-Allones na ang prayoridad ng DMW ayon sa mga pangarap ni Secretary Ople ay gawing mas ligtas na tahanan ang ahensya para sa mga OFWs at kanilang mga pamilya. Binanggit ni Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson Rep. Ron Salo (Party-list, KABAYAN) kung papaano ang mga overseas Filipino workers (OFWs) noong 2022 ay nakapagbahagi ng aabot sa P1.8 trilyon sa ekonomiya ng Pilipinas. Subalit sinabi niya na ang inilaang badyet sa DMW at OWWA para sa kanilang serbisyo sa mga OFWs ay 0.26 porsyento lamang ng National Expenditure Program (NEP). Habang kinukumpara niya na ang badyet ay mas mababa sa alokasyon ng ahensya ngayong 2023, ipinahayag ni Rep. Salon na umaasa siya na maaamyendahan ng mga mambabatas ang badyet na kahit papaano ay maging kaparehas rin ang badyet para sa 2024. Kinilala ni Rep. Arlene Brosas (Party-list, GABRIELA) ang paglilingkod-bayan at adbokasya ng pumanaw na si Sec. Ople, upang matulungan ang mga migranteng manggagawa. Sinabi ni Rep. Brosas na susuriin ng Minoridad ang panukalang badyet ng DMW para sa 2024 pagdating nito sa deliberasyon sa plenaryo. wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG P7.9-B BADYET NG DTI PARA SA TAONG 2024, SINURI NG MGA MAMBABATAS

 

Sinuri ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang P7.9 bilyong panukalang 2024 badyet ng Department of Trade and Industry (DTI), gayundin ang mga programa at proyekto ng ahensya, lalo na ang proteksyon ng mamimili, pag-unlad ng industriya, at promosyon ng pamumuhunan. Pinangunahan ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang mga opisyal ng DTI sa paghahain ng kanilang panukalang badyet, mga nagawa at mga prayoridad na direksiyon ng kanilang ahensya para sa susunod na taon sa pagdinig na pinangunahan ng Vice Chair ng Komite na si Pangasinan Rep. Christopher de Venecia. Sa pamamagitan ng uri ng alokasyon, 50 porsiyento ng P7.9 bilyong panukalang badyet ng DTI o P3.9 bilyon ang ilalaan para sa maintenance and other operating expenses, 38 porsiyento o P3 bilyon para sa personnel services, at 12 porsiyento o P963 milyon para sa capital outlay. Ang Office of the Secretary (OSEC) ng DTI ay mabibigyan ng P5.3 bilyong alokasyon, habang ang mga sangay na ahensya ng DTI ay makakakuha ng P2.3 bilyon. Ang badyet ng DTI ngayong taon ay P6.5 bilyon. Iniulat ni Sec. Pascual na ang mga pagbisita sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay nakapagbigay sa DTI ng mga positibong pamumuhunan na tinatayang nasa 25 bilyong dolyar noong 2022, at 46 bilyong dolyar ngayong 2023. Itinampok din ni Sec. Pascual ang mga prayoridad ng 2024 panukalang badyet ng DTI, tulad ng 1) pagpapalakas ng kapangyarihan bumili ang mga Pilipino; 2) tiyakin ang maayos na mga pangunahing kaalaman sa makroekonomiko at mapabuti ang kahusayan ng burukrasya; 3) mabawasan ang kahinaan ng loob at maibsan ang hindi magandang epekto ng pandemya na dulot COVID 19; 4) pananaliksik at pag-unlad at pagbabago; 5) pag-unlad ng micro, small at medium enterprises; 6) tiyakin ang seguridad sa pagkain; at 7) itaguyod ang mga pamumuhunan, tiyakin ang seguridad sa enerhiya at dagdagan ang ang trabaho (medium-term). Pinuri ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang DTI, at ipinunto kung paanong umabot sa US46 bilyon ang mga pagluwas, kalakal at serbisyo sa unang semestre lamang ng 2023 kumpara sa US 96 bilyon sa buong taon ng 2022. Binanggit din niya kung paano umabot sa P779 bilyon ang aprubadong pamumuhunan sa unang semestre ng 2023 kumpara sa P870 bilyon sa buong 2022. Ipinunto din ni Rep. Rodriguez ang pagtaas ng mga pagluwas at pamumuhunan sa ilalim ng DTI Exports and Investments Development Program sa piskal na taong 2022-2023. Hinimok ni GABRIELA Rep. Arlene Brosas ang DTI na tiyakin ang pagpapatupad sa polisiyang nagbabawal sa pagtataas ng presyo sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Aniya, may mga ulat na umabot na nasa P46 hanggang P55 kada kilo ang presyo ng bigas sa mga lugar na tinamaan ng bagyo kamakailan. Bilang tugon, sinabi ni DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo na matagal nang binabantayan ng Department of Agriculture ang presyo ng pagkain sa mga lugar na ito, habang tumutulong ang mga rehiyonal at panlalawigang mga tanggapan ng DTI sa pagsusumikap ng DA sa pagbabantay. wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG P13.36-B BADYET NG COA PARA SA 2024, SUPORTADO NG MGA MAMBABATAS  

 

Sinuri ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy S. Co ang P13.360 bilyong panukalang badyet para sa Piskal na Taong 2024 ng Commission on Audit (COA).  Inilahad ni COA Assistant Commissioner for Finance Nilda Plaras ang panukalang badyet ng COA, sa ilalim ng national expenditure program ng gobyerno para sa taong 2024, na bumaba ng P42.494 milyon mula sa alokasyon ng COA para sa FY 2023. Sa halagang ito, P12.543 bilyon ang ilalaan sa mga personnel services, P781.971 milyon sa maintenance and other operating expenses (MOOE), at P841.132 milyon sa capital outlays. Bilang pagkilala sa papel ng COA sa pagtiyak ng wastong paggamit ng pampublikong pondo, hinangad ni KABATAAN Rep. Raoul Manuel na dagdagan ang alokasyon ng badyet ng COA, “Yung role niyo po ay sobrang mahalaga para matiyak ang maayos na paggamit ng pera ng bayan," aniya.  Ipinahayag ni Rep. Manuel ang buong suporta ng KABATAAN Party-list para sa pagtaas ng badyet ng COA. "We would really support na mataasan ang budget ng COA, given na maraming mga dapat talagang i-audit pa na mga items sa ating national budget." Sumang-ayon si Deputy Speaker Isidro Ungab at iminungkahi ang pagtatatag ng isang national accounting office — isang ideya na umani ng suporta mula sa namumunong opisyal at Senior Vice Chair ng Komite, Rep. Stella Quimbo ng Marikina City. Kinilala ni Rep. Quimbo ang COA bilang “a custodian of our nation's financial health through its vigilant oversight. we can secure our economic future, fortify our institution and ensure that our resources are utilized for the betterment of all Filipinos." Nagpahayag ng kasiyahan ACT TEACHERS Rep. France Castro sa mga kontribusyon ng COA sa bansa, at sinabing, "Nakikita ko talaga ang performance ng COA. Naglalabas kayo ng performance audit; iyong observation na nakakatulong sa Congress...Tinitingnan nyo kung paano nagagamit [ang funds] ng wasto." Iminungkahi ni Muntinlupa City Rep. Jaime Fresnedi sa COA na magkaroon din ito ng komprehensibong pag-audit sa mga barangay, dahil sa dumaraming bilang ng mga ito, at sa Sangguniang Kabataan (SK), na namamahala din ng malaking badyet at nangangasiwa ng sarili nitong pondo. wantta join us? sure, manure...

P34.486-B BADYET NG DOJ PARA SA TAONG 2024, SINURI NG KOMITE SA KAPULUNGAN; PLANO NG DOJ KUNG PAPAANO TUGUNAN ANG MGA MAHINANG KASO, INILAHAD

 

Sinuri ngayong Miyerkules ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang P34.486-bilyong panukalang badyet ng Department of Justice (DOJ), para sa taong 2024, gayundin ang mga nagawa, mga programa at mga proyekto ng ahensya. Pinangunahan ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga opisyal ng DOJ sa paglalahad at pagdepensa ng kanilang P34.486-bilyon panukalang badyet para sa piskal na taong 2024, na mas mataas sa kanilang 2023 badyet na P28.607-bilyon. Sa nasabing halaga, 66.30 porsiyento, o P22.864-bilyon ang ilalaan sa personnel services, 18.28 porsiyento o P6.3-bilyon sa capital outlay, at 15.4 porsiyento o P5.319-bilyon sa maintenance and other operating expenses. Nakita ni Rep. Quimbo ang iminungkahing 21 porsiyentong pagtaas sa badyet ng DOJ na kumakatawan sa “our nation’s renewed and strengthened commitment to ensuring that every Filipino experiences the benefits of a robust justice system,” at idinagdag pa niya na, “It is our hope and expectation that with increased resources, the DOJ will be better equipped to deliver timely and efficient services, furthering our goals of peace, justice and security.” Binigyang-diin ni Komite Vice Chair AKO BICOL Rep. Raul Angelo "Jil" Bongalon, habang binabahagi ang mensahe ni Chairman Co, ang kumplikadong papel na ginagampanan ng DOJ sa pangangalaga sa integridad ng mga digital spaces sa panahon ng walang kapantay na pagsulong ng teknolohiya, kung saan ang mga hangganan ng pagbabago ay itinulak na walang kapantay. Hinimok ni Rep. Co ang DOJ na mamuhunan sa patuloy na pag-unlad ng mga manggagawa nito, na tinitiyak na nagtataglay sila ng kadalubhasaan na kinakailangan upang harapin ang mga umuusbong na pagbabanta. Bilang tugon sa tanong ni 1-RIDER Rep. Bonifacio Bosita tungkol sa mababang bilang ng pagpapakulong ng mga kasong isinampa ng pulisya, sinabi ni Sec. Remulla na sinasanay ng DOJ ang mga pulis at mga piskal sa tamang pag-aayos ng kaso. Dagdag pa dito, “Kinausap na namin ang Chief PNP, mula kay Chief (Rodolfo) Azurin hanggang kay Chief (Benjamin) Acorda, na sana mawala na itong quota system sa mga police,” aniya. Inatasan na rin ni Sec. Remulla ang Public Attorneys Office (PAO) na pag-aralan ang mga mahihinang kaso at ang posibleng pagbawi sa mga nito. ”We will try to talk to the fiscals, (para sa) pag-wiwithdraw ng mga kasong mahihina. Sayang po ang oras, sayang po ung mga nakakulong na hindi dapat nakakulong,” aniya. Pinangunahan ni Komite Vice Chair Rep. Ruel Gonzaga ang pagdinig. wantta join us? sure, manure...

IMBESTIGASYON SA UMANOY PAG-IIMBAK AT MANIPULASYON SA PRESYO NG SIBUYAS – IPINAGPATULOY NG KOMITE; MAY-ARI NG TIAN LONG KINUSAHAN NG CONTEMPT 


Muling ipinagpatuloy ngayong Miyerkules ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang motu propriong imbestigasyon sa hinihinalang pag-iimbak at pagmamanipula sa halaga ng mga produktong agrikultura ng mga negosyante. Ayon kay Committee Chairperson at Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, layon ng Komite na masusing talakayin ang lahat na mga pag-aalala ng publiko at pribadong sektor hinggil sa usapin. Ibinahagi niya na sa ngayon, ipinapakita sa pagsisiyasat na: 1) may malinaw na paglabag sa mandatory accreditation ng mga warehouse para sa mga produktong agrikultura; 2) hindi na kailangan ang pagpapalabas ng Sanitary and Phyto sanitary Import Clearance (SPSIC); at 3) patuloy na aabot sa P140 hanggang P160 kada kilo ang presyo ng sibuyas hanggang Disyembre 2023. Inatasan ng mga mambabatas ang mga may ari ng cold storage na magsumite ng impormasyon sa mga inilalabas sa kanilang mga pasilidad, na ayon kay SAGIP Party list Rep. Rodante Marcoleta ay makatutulong sa pagtukoy sa mga mangangalakal na nag-iimbak. Kinasuhan ng contempt ng Komite ang may ari ng Tian Long Corporation na si Eric Pabilona, dahil sa kanyang pagsuway sa subpoena na humarap siya sa mga miyembro ng Kapulungan. Napag alaman na shareholder si Pabilona ng Phil Vieva Corporation na itinayo ni Lilia Cruz, na pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng sibuyas. Inatasan ni Rep. Enverga ang secretariat ng Komite na ipaalam sa mga Tanggapan ng Speaker at Sergeant at Arms ng Kapulungan na maglalabas ng kautusan para sa pag aresto kay Pabilona at 30 araw na pagkabilanggo. Nakatakdang anyayahan ng Komite ang Bureau of Customs (BOC) sa susunod na pagdinig, upang patunayan ang mga ulat mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) hinggil sa iligal na pagpupuslit ng mga produktong agrikultura. wantta join us? sure, manure...

Presensiya ng mga PAO lawyers sa mga pagdinig ng kaso kinuwestiyon ni Rep. Garin



Kinuwestiyon ni Iloilo Representative at Appropriations Vice Chairperson Rep. Janet Garin ang presensiya ng sangkaterbang abogado mula sa Public Attorne'ys Office (PAO) sa mga pagdinig ng kaso. 

Ginawa ni Garin ang pahayag sa budget deliberation ng Department of Justice (DOJ) para sa kanilang 2024 proposed budget. 

Napansin kasi ni Garin sa mga isinagawang pagdinig na maraming mga PAO lawyers ang dumadalo.

Ito ay may kaugnayan sa mga kasong inihain ng PAO sa ilang mga doktor, scientist at mga experto.

Ayon sa mambabatas na dating kalihim ng Department of Health (DOH) tila sayang ang binabayad ng gobyerno sa mga PAO lawyers na dumadalo sa mga pagdinig na wala namang ginawa dahil ang may hawak na ng kaso ay ang prosecutors.

Dagdag pa ni Garin, mas maraming mga kababayan natin ang nangangailangan ng tulong ng PAO.

Inihayag ni Garin, ingay at distorbo ang idinudulot ng mga PAO lawyers sa pagdinig.

Paglilinaw naman ni PAO Chief Atty. Persida Acosta, na hindi totoo na maraming PAO lawyers ang dumalo sa pagdinig bagkus apat lamang ang mga ito.

Dagdag pa nito na posible mga expectators ang maingay o yung mga pamilya na namatayan.

Hindi rin aniya sila nagdi-deploy ng maraming abogado sa mga pagdinig.

Humingi naman ng paumanin si Acosta kay Garin hinggil sa kaniyang naging obserbasyon.

Hirit din ni Garin na kinasuhan ng PAO ang ilang mga opisyal ng DOH hinggil sa Covid-19 vaccination sa panahon ng Duterte administration.

Sa panig naman ni Justice Secretary Boying Remulla, kaniyang ipinunto ang mandato ng PAO na tulungan ang mga kababayan nating mahihirap. wantta join us? sure, manure...

Pinatawan ng “contempt” ng House Committee on Agriculture and Food ang may-ari ng isang cold storage facility dahil sa kabiguang dumalo sa mga hearing kaugnay sa isyu ng overpricing at manipulasyon ng presyo ng sibuyas. 


Sa unang bahagi ng pagdinig --- binanggit ni Cavite Rep. Elipidio Barzaga na may subpoena na laban kay Eric Pabilona ng Tian Long Corporation; at sinasabing shareholder ng Phil Vieva Corporation, na pinangungunahan ng binansagang “Sibuyas Queen” na si Lilia Cruz. 


Pero hindi nagpapakita si Pabilona sa hearings ng Agri panel, at wala ring dokumentong isinusumite sa komite. 


Dahil dito, inirekumenda ni Barzaga na pagpaliwanagin si Pabilona kung bakit siya hindi dapat i-contempt. 


Kinalauna’y kinuwestyon na rin ni SAGIP PL Rep. Rodante Marcoleta ang hindi pagdalo ni Pabilona sa pagdinig ng Agri committee. 


Ani Marcoleta, “open defiance” o malinaw na pagsuway ang ginagawa ng Pabilona, at tila pag-iwas sa paglalabas ng katotohanan. 


Bunsod nito ay nagkaroon ng botohan --- at sa resultang 20 na pabor, pinatawan ng contempt at pinaaaresto si Pabilona. Sa oras na siya ay makita, idedetine siya sa Batasan Pambansa sa loob ng 30-araw. 


Ayon kay Marcoleta, hindi sila makagawa ng committee report dahil walang kooperasyon ang ilang cold storage facilities. At kung patuloy na hindi makikipagtulungan ang iba, marami pa umano silang maipapakulong. wantta join us? sure, manure...

PANUKALA NA ISINASAMA ANG KINATAWAN NG MGA BARANGAY HEALTH WORKERS SA MGA LOKAL NA HEALTH BOARDS, APRUBADO NG KAPULUNGAN


Aprubado ngayong Martes sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang isang panukala na magpapalakas sa mga lokal na health boards ng bawat lalawigan, lungsod at / o munisipiyo, sa pamamagitan ng pagsama ng mga halal na pangulo ng Provincial Federation of Barangay Health Workers bilang miyembro.


Ang House Bill (HB) No. 7447 ay inihain ni Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark M. Enverga, chairman ng Komite ng Agrikultura at Pagkain, ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa malakas na botong 238. 


“The proposed law seeks to amend Section 102 (a) (1) (2) (3) and (b) (1) of Republic Act No. 7160, as amended, otherwise known as the Local Government Code of 1991,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan. “With this bill, we aim to strengthen local health boards by ensuring the representation of barangay health workers whom we continue to recognize as essential front liners in health promotion and advocacy.”


“Without the tireless dedication and selfless service of our barangay health workers, the government’s fight against many diseases, and the pandemic for instance, will not be successful,” Enverga for his part said. “Hence, it is just appropriate that they become part of local health boards that serve as an advisory committee to the sanggunian concerned on health matters such as budget for public health purposes.”


Isinasaad rin sa HB 7447 na karagdagang tungkulin ng mga lokal na health boards na magmungkahi ng mga insentibo o mga benepisyo para sa mga barangay health workers, at mga rekomendasyon sa iba pang mga usapin na nangangailangan ng gastos ng mga lokal na pondo sa usapin ng kalusugan. wantta join us? sure, manure...

BADYET NG DA PARA SA FY 2024, SINURI NG KOMITE NG APPRO; KASAPATAN NG BIGbAS IKINABAHALA NG MGA MAMBABATAS

 

Sinimulan ngayong Martes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang pagsusuri sa P167.5 bilyong panukalang badyet ng Department of Agriculture (DA) para sa Piskal ng Taong 2024. Mas malaki ng 6.15 porsiyento ang panukalang 2024 badyet ng DA kumpara sa 2023 badyet, na katumbas ng P9.7 B na pagtaas. Maaga pa lamang ay humingi na ng paglilinaw si Albay Rep. Edcel Lagman hinggil sa suplay ng bigas sa bansa. Iniulat ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na, "Iyong pong August (rice supply) natin is for 39 days. Iyong ating September is I think about 40 to 45 days. So medyo manipis po iyon that's why we wanted sana for the importation to beef up until September 15 man lang to reach around 45 to 50 days that will provide us greater security in terms of rice supply." Ipinunto naman ni Komite ng Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na ang buffer stock para sa mga susunod na buwan ay mas mababa sa pinakamataas na antas, at nagpahayag ng kaniyang pagsang-ayon sa panukalang mag-angkat, “Ang pwede nating gawin is we protect ourselves by giving government some limited role in procurement. And yun nga, ang magiging papel nila is to import so that they are able to set price." Hinimok din ni TGP Representative Jose Teves Jr. ang DA na tingnan ang kalagayan ng bumababang sektor ng abaka. Ang iba pang mga tampok na katangian ng 2024 panukalang badyet ng DA ay kinabibilangan ng: 1) P2.22 bilyon para sa implementasyon ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program; 2) P9.55 bilyon para sa suporta sa pataba sa pamamagitan ng voucher ng diskwento at Interventions Monitoring Card (IMC) sa ilalim ng National Rice Program; 3) P374-milyon para sa pagtatayo ng pasiidad ng imbakan ng sibuyas; 4) P492.70-milyon para sa pagpapatupad ng KADIWA Program; 5) P2.75 bilyon para sa Agricultural Credit Program sa ilalim ng ACPC, at iba pa. Pinangunahan ni Komite Vice Chairperson at Isabela Rep. Antonio Albano ang deliberasyon. wantta join us? sure, manure...