Wednesday, October 25, 2023

Iligal na aksyon ng China sa WPS kinondena ng Lakas-CMD


KINONDENA ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga iligal na aksyon ng China sa West Philippine Sea.


Ayon sa Lakas-CMD, ang pinakamalaking partido sa Kamara de Representantes sa kasalukuyan na mayroong 73 kasaping kongresista, malinaw na nilalabag ng China ang mga international law sa mga ginagawa nitong pangha-harass sa mga sasakyang pangdagat ng Pilipinas sa WPS.


“We, the members of the Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), condemn in the strongest possible terms the illegal and blatant actions of the China Coast Guard and the Chinese maritime militia last October 22, 2023 in the waters near the vicinity of the Ayungin Shoal,” sabi ng pahayag ng Lakas-CMD.


Sa naturang insidente, nabangga ng sasakyang pangdagat ng China ang isang bangka na kinontra ng Philippine Navy para magdala ng suplay sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre. Nabangga rin ng barko ng Chinese maritime militia ang MRRV Cabra ng Philippine Coast Guard (PCG).


“Said actions seriously endangered the lives and safety of Filipinos on board said vessels. The illegal and dangerous maneuvers of the Chinese vessels clearly violated the international conventions on the prevention of collisions at seas,” ayon pa sa pahayag.


Ayon sa Lakas-CMD nangyari ang insidente sa loob ng 200 nautical miles Exclusive Economic  Zone batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). 


“China's continuing intrusion and aggressive stance constitutes a stark affront to our nation's sovereign rights over our waters and pose a direct threat to Filipino lives. Actions that undermine regional and global peace and cooperation are incompatible with the principles of a free and harmonious international community,” ayon pa sa pahayag ng partido.


“We remain steadfast in our commitment to a rules-based international order and wholeheartedly support and endorse the July 2016 arbitral award which unequivocally recognizes Philippine sovereign rights in the West Philippine Sea,” saad pa nito. 


Nanawagan ang Lakas-CMD sa Chinese government na itigil ang kanilang agresibong aksyon sa WPS na kanilang inaangking kahit na malinaw na ito ay Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.


“Finally, we the members of the Lakas-CMD, express our full and unqualified support to President Ferdinand R. Marcos, Jr. as the chief architect of the nation's foreign policy and as commander-in-chief of the Armed Forces in his handling of this important national concern,” dagdag pa ng Lakas-CMD. wantta join us? sure, manure...

Naniniwala si dating Health Secretary at ngayo'y Iloilo First District Representative Janette Garin na magsisilbing oportunidad ang isinampang kaso ng Ombudsman laban sa kanya upang matuldukan na ang isyu ng Dengvaxia.


Ayon kay Garin, malinis ang kanilang konsensya kaya handa itong harapin ang isyu na matagal nang ipinupukol at kumpiyansang mapasisinungalingan ang mga alegasyon sa tulong ng "hard science".


Giit nito, walang nangyaring realignment ng pondo dahil malinaw sa Special Allotment Release Order mula sa Department of Budget and Management na gagamitin ito sa dengue vaccines para sa Central Luzon, CALABARZON at Metro Manila.


Paliwanag ni Garin, patuloy na tinatangkilik sa buong mundo ang bakuna at nakalista sa World Health Organization Essential Medicines na nangangahulugang binibigyan ng mandato ang lahat ng bansa na gamitin ito para sa mamamayan.


Nagtitiwala umano ang kongresista sa prinsipyo ng hustisya at due process na itinataguyod ng legal system sa bansa kaya mapatutunayan aniyang inosente siya at lalabas din ang katotohanan.


Ipinunto pa ni Garin na maraming panganib ang dulot ng pagsusulong vaccine development na nararanasan ng mga doktor at vaccinologists at bahagi ito ng kanilang tawag ng tungkulin na magsalba ng buhay.


Kasong graft at technical malversation ang kakaharapin ni Garin at ilan pang dating health officials para sa school-based dengue vaccination program sa ilalim ng administrasyong Aquino noong 2016. wantta join us? sure, manure...

Nanawagan si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na hindi dapat mabahiran ng pulitika ang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka.


Ayon kay Lee, may iba't ibang subsidiya at tulong ang pamahalaan para sa magsasaka at sa agriculture sector ngunit hindi nagagamit dahil sa dami ng requirements.


Nakalulungkot din aniya na may mga sitwasyon kung saan naiipit ang assistance para sa farmers' groups dahil lamang hindi nila kasundo ang opisyal.


Giit ng kongresista, mahalagang makuha ng mga magsasaka ang suporta sa tamang panahon at hindi kung kailan tapos na ang harvest season.


Dagdag pa nito, dapat gawin nang simple, mabilis at maluwag ang requirements dahil kapag may suporta sa mga magsasaka ay mas magiging produktibo, tataas ang output at magiging stable ang suplay ng pagkain.


Ginawa ni Lee ang pahayag sa kanyang solidarity message sa Cebu para sa 1st National Credit Surety Fund Cooperative Congress. wantta join us? sure, manure...

Hindi rin pinalampas ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang post sa X o twitter ni Ambassador Teddy Locsin Jr.  na dapat patayin ang mga batang Palestino dahil sa kanilang paglaki ay maari sila maloko o mapaniwala para pumanig sa paghahasik ng karahasan ng grupong Hamas laban sa Israel.


Giit ni Adiong, walang puwang sa ating lipunan at sa mga mataas na opisina ng gobyerno ang mga “dangerous, bigoted, at islamophobic” na pahayag ni Locsin.


Paliwanag ni Adiong, kailanman ay hindi dapat nagsasalita ang kahit na sinong Pilipino, lalo na ang mataas na opisyal ng pamahalaan, ng anumang paglapastangan sa mga inosenteng bata ng kahit na anong bansa.


Bagama't binura na ni Locsin ang kanyang social media post ay ipinaalala ni Adiong na bilang ambassador na kumakatawan sa mga mga Pilipino ay dapat maging maingat si Locsin sa pagbibitiw ng salita at dapat nitong palaging isulong ang ating hangad na kapayapaan at pagiging makatao.


Apela ni Adiong kay Locsin at sa lahat, trautuhin natin ng may pagrespeto at dignidad ang lahat ng tao para ganito rin ang maging pagtrato sa mga ating mga Pilipino at sa ating bansa.


Umaasa naman si Adiong na walang nakinig o naniwala sa naturang hindi kanais nais na pahayag ni Locsin.

######wantta join us? sure, manure...

Upgrade sa Cybercrime center mangangailangan ng P3 billion pesos…



Mangangailangan ng tatlong bilyong pisong dagdag na pondo ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC para ma-upgrade ang operasyon at mga pasilidad nito.


Ito ang ipinanukala ni Congressman Luis Campos Jr. vice chairman ng House Committee on Appropriations sa harap ng sunod-sunod na security attacks sa ilang website ng gobyerno.


Ayon kay Campos, dapat bigyan ang CICC ng “highly advanced fusion hub” at round the clock security operations center para sa threat detection, response and prevention.


Ang CICC ay inter-agency body na binuo sa ilalim ng Crime Prevention Act of 2012 para malabanan ang criminal activities na ang target ay paggamit ng computer, computer network o network device.


Nakapailalim ito sa cybercrime fighting divisions ng Department of Information and Communications Technology, National Bureau of Investigation, Philippine National Police at Department of Justice.


Sa data ng Frost and Sullivan, isang business consulting firm na nakabase sa Texas, tinatayang 3.5 billion dollars o nasa P200 billion pesos ang nawawala sa ekonomiya dahil sa cybercrime.


Sa 2024 National Expenditure Program, umaabot lamang sa P320.8 million pesos ang budget ng CICC. wantta join us? sure, manure...

Davao solon pinuri desisyon ng Kamara na ilipat confidential funds



Pinuri ng isang kongresista mula sa Davao region ang Kamara de Representantes sa naging desisyon nito na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency sa mga ahensya na ang mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa.


Ayon kay Davao del Sur Lone District Rep. John Tracy Cagas tama ang naging desisyon ng Kamara na ilipat ang P1.23 bilyong halaga ng confidential fund sa mga security agencies lalo at mayroong tensyon sa West Philippine Sea.


“The House of Representatives made the right decision to allocate these funds to our security agencies. This strategic move sends a clear message that we stand ready to defend our territorial integrity and safeguard the well-being of our citizens amidst the growing challenges in the West Philippine Sea,” ani Cagas.


Ginawa ni Cagas ang pahayag matapos tangakin ng mga Chinese vessels na harangin ang mga bangka na magdadala ng suplay sa mga sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.


Sa agresibong hakbang ng mga sasakyang pangdagat ng China ay nabangga nito ang isang barko ng Philippine Coast Guard at isang bangka na mayroong dalang suplay.


Iginiit ni Cagas ang kahalagahan na maging handa ang bansa sa gitna ng tensyon sa WPS dahil sa ginagawang pagkamkam ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.


"We cannot afford to be complacent when it comes to safeguarding our sovereignty and territorial waters. The House's reallocation of funds to our security agencies is a strong move to fortify our position,” sabi pa ng mambabatas. (END) wantta join us? sure, manure...

Inilunsad kamakailan ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang  kaniyang ‘adopt a farmer program’


 


Sa ilalim nito, ang katuwang na negosyante ay direktang binibili sa mga magsasaka ang palay sa halagang P21--mas mataas sa P19 na buying price ng NFA at ibinibenta naman sa mga mamimili sa halagang P35 kada kilo o mas mura ng P17 kaysa sa presyo sa mga pamilihan.


 


Kasama ring nakabenepisyo ang mga maliliit na miller dahil sa kanilang pinagiling ang palay


 


Layon aniya ng programa na sagipin ang mga magsasaka ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng pagsupil sa hoarders at smugglers na siya aniyang pangunahing dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.


 


"Para maging matagumpay ang programang ito, kailangan nating tipunin ang mga makabayang negosyante ng ating bansa at himukin silang mamuhunan sa simulaing ito kahit walang kita. Sapagkat ito lang ang paraan na makakatulong tayo sa ating mga magsasaka, sa ating mga kababayan at pati na din sa ating pamahalaan", ani Marcoleta.


 


Unang duminig sa panawagan ni Marcoleta ang mga negosyante mula sa Pampanga Chamber of Commerce.


 


Inumpisahan ni Marcoleta ang programa sa Capas, Tarlac nitong weekend at sunod na dinala sa, Bacolor, Pampanga nitong Martes kung saan umabot ng 57.8 na kaban ng denoradong bigas ang naibenta.


 


#wantta join us? sure, manure...