DAGDAG NA DISKUWENTO PARA SA MGA PWD AT SENIOR CITIZEN SA BASIC COMMODITIES, ISINUSULONG NI REP. CORVERA SA KAMARA
Karagdagang diskuwento para mga Persons with Disbility o PWDs sa kanilang bagbili ng mga basic commodity, na nakapaloob sa HB08627 at ganun ding diskuwento para mga Senior Citizen na nakapaloob naman sa HB08628 ay ang mga pagsasabatas na isinusulong ngayon ni Agusan del Rep. Dale B. Corvera sa Kamara.
Ayon kay Congressman Corvera, sa kasalukuyang imiiral na batas, ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang the Department of Agriculture (DA) ay kapwa binigyan ng kapangyarihang maggawad ng espesyal na diskuwento para sa mga PWD at Senior Citizens sa pagbili nila ng mga batayang pangangailangan at sa pagdetermina ng tamang discount rates.
Sinabi ni Corvera na ipinairal ng DTI at DA kamakailan lamang ang Joint Administrative Orders o JAO na nagtakda ng hanggang sa 5 porsiyentong diskuwento lamang.
Sa kanyang mga nabanggit na panukala, imamando na ang takdang discount rate at aalisin sa JAO ang diskresyon ng dalawang mga ahensiya na magkaiba ang kanilang mga punto de bista sa paggawad ng mga discount.
Gayunpaman, ipinanukala sa mga bill na taasan na ang discount rate mula sa kasalukuyang limang porsiyento lamang na maging 8.5% dahil tumaas na ang mga presyo ng pagkain na tinataya sa 70% magmula noong 2008 - ang taong umpisa ng pagpatupad ng naunang nabanggit na discount, bagama’t ang 8.5% discount na ipinanukala ay maituturing na konserbatibong pagtataya lamang.
The measures provide the automatic periodic review of the discount rate every three years to avoid being overwhelmed by inflation and for Congress to have a comprehensive basis for adjusting the discount rate when necessary.