Friday, February 02, 2024

3 February 2024 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 ïŁż


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Ilocano - naimbag na bigat

Hiligaynon - maayo nga aga

Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaoan - mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING BAGONG MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER SI FRANCEL MARGARETH PADILLA  / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


đ†á‹á’á‹áà«źá‹ ᎷᎧᏒᎎᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ

wantta join us? sure, manure...

Photo release:

DOTR-PNR COMPLETES NSCR SITE OFFICE  PROJECT


The  Department of Transportation (DOTr) inaugurated recently the Site Office of the North South Commuter Railway (NSCR) project in Santa Rosa, Laguna. With the completion, permanent works will start on  the 12.8 kilometers railway viaduct with elevated stations in San Pedro, Pacita, Binan and Santa Rosa, Laguna. Construction of this portion of NSCR is being undertaken by  Hyundai Engineering and Construction and Dong-Ah Geological Engineering Joint Venture (HDJV). Commemorating the inauguration was  a Tree Planting Ceremony in the Site Office. Photo shows DOTr Undersecretary for Rail Jeremy Regino (2nd from Right)  who represented Secretary Jaime J. Bautista. Also in photo  (L TO R) DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, Regino,  Yang Joon Yoon,  President & CEO of Hyundai Engineering and Sta. Rosa Councilor Roy Gonzales.


wantta join us? sure, manure...

rye Lakas-CMD lumagda sa manifesto para pagtibayin suporta kay Speaker Romualdez sa gitna ng pag-atake kaugnay ng People’s Initiative 


Muling ipinakita ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang kanilang pagkaka-isa at paninindigan ng protektahan ang katotohanan at lumagda ang mga ito sa isang manifesto para ihayag ang kanilang patuloy na suporta kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na inatake kaugnay ng people's initiative.


Ang naturang manifesto ay binuo at nilagdaan ng mga miyembro upang itaguyod ang prinsipyo ng demokrasya.


"We, the members of the Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) in the House of Representatives, stand united in our resolve to defend the integrity of our esteemed Speaker, the Honorable Martin Romualdez, against the unfounded criticisms levied upon him in the context of the People’s Initiative to amend the 1987 Constitution," saad sa dokumento.


"We express our unwavering support for Speaker Martin Romualdez, recognizing his leadership and commitment to the principles of democracy and good governance. The allegations against him, centered around the People’s Initiative, are baseless and do not reflect the true nature of his service to the nation," dagdag pa rito. 


Ang Lakas-CMD ang pinakamalaking political party sa Mababang Kapulungan na binubuo ng mahigit 300 mambabatas. Ang partido ay mayroong 94 na miyembro sa Kamara de Representantes sa kasalukuyan.


Pinagsama-sama ni Speaker Romualdez ang mga kongresista mula sa iba’t ibang partido sa Kamara upang maging matulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. na mapabuti ang kalagayan ng bansa.


Tinukoy sa manifesto ang malaking napagtagumpayan ng Kamara sa ilalim ni Speaker Romualdez, sa pamamagitan ng mga pinagtibay na panukalang batas para mapalago ang ekonomiya, makalikha ng mapapasukang trabaho at mapagbuti ang pamumuhay ng mga Pilipino.


"With him at the helm, the House has adopted a more activist role in nation-building, exemplified by our intensified oversight function, combating economic disparities and supporting the government's efforts against drug trafficking and other societal challenges," saad sa manifesto.


"The House's efficiency in passing priority measures, including those outlined by the LEDAC and in the President's SONA, showcases our responsiveness and dedication to fulfilling the aspirations of the Filipino people," pagpapatuloy dito.


Iniulat kamakailan ni Speaker Romualdez, na masasabing pangunahing kaalyado ni Pangulong Marcos sa lehislatura, na natapos na ng Kamara ang 100 porsyentong ng mga panukala na hiniling ipasa ng Malacañang. Natapos ito ng Kamara ilang buwang mas maaga kaysa itinakdang iskedyul. 


Binigyang-diin ng Lakas-CMD stalwarts sa manifesto ang kanilang intensyon na iangat ang estado ng ekonomiya ng bansa na sa pamamagitan ng pagsusulong ng kinakailangang at matagal nang hinahangad na pagsasaayos sa Saligang Batas.


"Our support for the democratic processes, including those that allow for constitutional amendments, is unwavering. We believe in the power of the Constitution as a living document, one that must evolve with the changing needs of our nation," sabi nila. 


Dagdag pa ng mga mambabatas, sila ay kaisa sa kolektibong hangarin ng pambansang pagprogreso at kasaganaan at ang hangaring ito ay higit pa sa ugnayang politikal bagkus ay mula sa pagnanais na makitang umunlad ang Pilipinas.


"We advocate for unity among all branches of government and call for constructive dialogue over divisive politics. The focus should be on collaboration and understanding to achieve the best outcomes for our country," dagdag pa rito.


"We uphold the highest standards of transparency and accountability in all our actions. The criticisms against our Speaker do not align with these values and are a disservice to the principles of fair and just governance," tinukoy sa manifesto


"In conclusion, we reiterate our support for Speaker Martin Romualdez and emphasize our role as advocates of democratic governance. We call upon all sectors to engage in respectful and productive dialogue and to work together for the betterment of our nation," sabi pa sa manifesto. (END)

wantta join us? sure, manure...

rye Mga kongresista sa Davao nagpasalamat sa Bagong Pilipinas sa mabilis na pagtulong sa mga biktima ng baha



Nagpasalamat ang mga kongresista mula sa Davao Region sa tulong na ipinaabot nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Davao region.


Ang pinakahuling tulong na ipinarating ng mga ito sa mga biktima ay ang 51,000 food packs at pag-endorse sa P150 milyong cash assistance.


Ayon sa mga kongresista ang pagtulong sa mga biktima ay nagbibigay ng konteksto sa kung ano ang Bagong Pilipinas campaign ng administrasyong Marcos, na nakatuon sa isang all-inclusive plan para sa economic at social transformation ng mga Pilipino at mailapit ang gobyerno sa mga mamamayan.


Ang pasasalamat kina Marcos at Romualdez ay ipinaabot nina Davao Oriental Reps. Nelson Dayanghirang at Cheeno Almario, Davao del Norte Rep. Aldu Dujali, Davao de Oro Rep. Maricar Zamora, at PBA Partylist Rep. Migs Nograles. Sila ay nakatanggap ng tig-P20 milyong halaga ng cash assistance.


Si Davao del Norte Vice Gov. Oyo Uy ay nilaanan naman ng P10 milyon halaga ng ayuda na ipamimigay nito sa mga apektadong residente.


Ang pondo ay galing sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Inasikaso rin ni Speaker Romualdez, at Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ang pamimigay ng mga food pack.


“We are very grateful for the aid and food packs sent through the tireless efforts of our President and Speaker Romualdez. These will provide our constituents lifelines, especially those affected by the floods in Davao Oriental. This big gesture echoes loudly in our hearts," sabi ni Zamora.


“Ito ang tunay na Bagong Pilipinas: mabilis na aksyon, tunay na serbisyo,” sabi naman ni Dayanghirang.


Sinabi naman ni Almario na nagpapasalamat ang kanyang mga constituent sa ipinarating na tulong ng gobyerno na inendorso ni Speaker Romualdez.


"Deepest gratitude to President Marcos Jr. and Speaker Romualdez for their compassionate support during this challenging time in Davao region. The gesture speaks volumes, providing not only essentials but also a sense of solidarity that uplifts spirits,” sabi ni Almario.


“Damang-dama namin na andito ang ating pamahalaan at laging handang tumulong sa mga mamamayan. Ito ang tunay na diwa ng Bagong Pilipinas,” dagdag pa nito.


Kinilala rin nina Dujali, Zamora at Nograles ang tulong ng Pangulo at Speaker Romualdez, na humingi rin ng 30,000 food pack mula sa DSWD.


“In times of crisis, actions speak louder than words. Thank you for recognizing the urgency and making a real difference in the lives of those affected by the floods,” sabi ni Dujali.


"These are the actions that matter, not the political noise. Your quick response with cash aid and food is a true understanding of the needs of the people,” dagdag pa ni Zamora.


"Not just talk but meaningful action. President Marcos Jr. and Speaker Romualdez, your support is making a real impact on the ground in Davao City. Thank you for recognizing the urgency and delivering genuine help,” saad naman ni Nograles.


Nagpasalamat naman si Vice Gov. Uy sa suporta ng administrasyon.


"In times of crisis, true leaders shine, and we are grateful to President Marcos Jr. and Speaker Romualdez for their immediate help. The cash aid and food packs are invaluable to the people of Davao del Norte, proving that solidarity can bring real relief,” sabi ni Uy.


“Your assistance is a significant relief, providing hope and comfort to those grappling with the aftermath of the floods,” dagdag pa nito. (END)

wantta join us? sure, manure...

DAGDAG BENEPISYO PARA SA MGA PUBLIC HEALTH WORKER, PASADO NA SA KAMARA

Aprubado sa Kamara de Representantes ang panukala na magpapalawak sa benepisyong natatanggap ng mga public health worker.


Ipinasa ng committee on Health kamakailan lamang ang HB09127 na inihain ni KABAYAN partylist Rep Ron Salo at ikinagagalak naman ng mga miyembro mula sa health sector.


Sinabi ni Salo na ramdam nila ang kanilang malaking tungkulin at ang halaga ng public health workers sa ating bansa lalo na noong kasagsagan ng pandemyang nagtatrabaho ang mga ito sa mga pampublikong ospital, ‘health centers’ at ‘rural health units’ o RHU, kaya naman sinusulong nilang dagdagan ang mga benepisyong nakasaad sa Republic Act No. 7305 o Magna Carta of Public Health Workers na mahigit tatlong dekada na mula nu’ng naisabatas. ”


Kabilang sa mga inihain na dagdag benepisyo para sa ‘public health workers’ ay ang pagbibigay ng 25% hazard allowance sa lahat na hindi alintana sa kanilang natatanggap na sweldo. Kasama dito ang pagtaas ng ‘allowance’ sa P500.00 mula sa dating P300.00 na ibinibigay. Dadagdagan din ang kanilang ‘laundry allowance’ sa P1,000 kada buwan mula sa P125.





“Importante po na mabigyan natin ng karampatang pagpapahalaga ang mga kababayan nating ‘public health workers’ na walang sawang naglilingkod para sa kapwa Pilipino. Hakbang ang panukalang batas na ito patungo sa pagpapabuti ng ‘health services’ sa bansa at sa pagtugon sa mga problema na kinahaharap ng ating ‘public health system’ katulad ng ‘burnout’ o labis na pagkapagod, kakulangan ng ‘health workers’ at iba pa.


Nakakuha ng suporta mula sa pribado at pampublikong sektor ang panukalang batas kabilang ang ‘Department of Health’ (DOH), ‘National DOH Employees Association’ (NADEA), ‘Department of Labor and Employment’ (DOLE), ‘Civil Service Commission’ (CSC), ‘Professional Regulation Commission’ (PRC), ‘Public Services Labor Independent Confederation’ (PSLINK),  ‘Philippine Medical Association’ (PMA), ‘Philippine Hospital Association’ (PHA), ‘Philippine Association of Medical Technologists, Inc.’ (PAMET), ‘Philippine Dental Association’ (PDA), ‘Medical Action Group (MAG), at ang ‘Alliance of Health Workers’ (AHW).


“Nagpapasalamat ako sa ating mga katuwang sa panukalang batas na ito, lalo na sa ‘National DOH Employees Association (NADEA)’ para sa kanilang pagsisikap na maisulong ito. Asahan po ninyo na ang KABAYAN Partylist ay mananatiling boses ninyo, sampu ng iba pang ‘public health workers’, sa Kongreso.”


Bilang ‘Chairperson’ ng ‘Committee on Overseas Filipino Workers’, naisip ni Salo na ang dagdag benepisyo para sa ‘public health workers’ ay maaaring sagot sa ‘brain drain’ o ang paglisan ng mga ‘health workers’ mula sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa na nagiging sanhi sa kakulangan ng mga ‘medical professionals’ sa bansa.


“Ang karagdagang benepisyo para sa mga ‘public health workers’ ay puhunan para sa isang matibay na ‘public health system’. Alagaan po natin ang kapakanan ng ating mga kababayan na patuloy na nag-aalaga sa ating kapwa at bansa”, pahayag ni Salo.


wantta join us? sure, manure...