PANIBAGONG PUBLIC CONSULTATION KAUGNAY SA CHA-CHA, ISINASAGAW SA PAMPANGA
Isa Umali / Feb. 17
Panibagong “public consultations” ang isasagawa ng Kamara kaugnay sa panukalang Charter Change o Cha-Cha.
Ngayong araw, mayroong konsultasyon na Kingsborough International Convention Cneter sa San Fernando, Pampanga, sa pangunguna ni House Deputy Speaker Aurelio Gonzales at dinaluhan ng iba pang mga kongresista.
Samantala, ayon kay CongW. Rida Robes, may isa pang public consultation sa City Convention Center, Barangay Sapang Palay Proper, sa San Jose del Monte City, sa Bulacan bukas (Feb. 18).
Umaasa ang mga mambabatas na maraming makikibahagi sa konsultasyon, upang marinig ang iba’t ibang posisyon sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Nauna nang sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na para sa kanya ay hindi prayoridad ang Cha-Cha.
Nirerespeto naman ito ni House Committee on Constitutional Amendments chairperson Rufus Rodriguez, ngunit kanyang sinabi na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagdinig at public consultations para sa mga House Bills at Resolutions ukol sa Cha-Cha.