Thursday, February 22, 2024

PENSION NG GOV’T AT RETIRED MILITARY PERSONNEL TULOY – SUAREZ


Tuloy at walang mababawas sa pension ng retired government workers at military personnel, ayon kay House Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez (2D Quezon).


“Walang dapat ikabahala ang mga retiradong government at military pensioners at kanilang mga kaanak. Intact at sapat po ang pondo para sa kanilang pensyon,” aniya.


Paliwanag ng mambabatas mula sa Quezon, may sapat na “allowance” o pa-sobra ang pondo para sa retired government workers kaya hindi ito kakapusin.


Ginawa ni Suarez ang pahayag sa gitna ng alegasyon ni Senator Imee Marcos na tinapyasan umano ng Kongreso ang pondo para sa mga retired government personnel.


Nilinaw ni Suarez na ang 2024 budget ay pinagtibay ng buong Senado at Kongreso. “Lahat ng probisyong nakapaloob sa budget ay dumadaan sa masusing pagsusuri. Wala naman pong maaring maganap na realignment o paggalaw ng budget na hindi pinapagtibay ng dalawang kapulungan,” diin niya.


(END)

wantta join us? sure, manure...

MADALAS NA PULONG BALITAAN, DINEPENSAHAN NG MGA MAMBABATAS


Ikinatuwiran ng mga mambabatas sa pangunguna ni Deputy Speaker at Isabela Rep. Antonio "Tonypet" Albano ngayong Lunes, ang kahalagahan ng araw araw na pulong balitaan sa Kapulungan ng mga Kinatawan, dahil ito anila ang nagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga plano, at mga nagawa ng Kapulungan para sa kapakanan at benepisyo ng sambayanang Pilipino. 


Ayon kay Albano, ang madalas na mga press conference ay iplinano sa pagsisimula pa lamang ng ika-19 na Kongreso, para ipabatid sa mamamayan ang mga ginagawa ng Kongreso, kabilang ang mga tagumpay sa lehislasyon, at iba pang mga responsibilidad. 


"These daily press conferences are therefore warranted and no one has the right to question and ask us to stop these. In fact, anyone who criticizes these daily press conferences that we do should stop interfering with our important work of making known the legislative accomplishments and agenda of the House of the people," ani Albano. 


Sinabi ni Cagayan Rep. Ramon Nolasco Jr. na ang mga tagumpay ng Kapulungan ay 94.7 hanggang 100 porsyento, na lahat ng 17 prayoridad na panukala na binanggit   sa 2023 State of the Nation Address (SONA) ay aprubado na sa ikatlong pagbasa. 


"So as you can see, the House is actually six months in advance to the next SONA of our President when it comes to the 17 priority measure bills that the President has told Congress to approve," ani Albano. 


Ang natitira pang prayoridad na mga panukala na aaksyunan ng Kapulungan ay ang Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill at ang National Defense Act. 


Idinagdag ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing na inaprubahan rin ng Kapulungan ang 472 lokal na panukala. "As congressmen, I think what sets us apart is we have particular constituencies that we take care of. That's why we would also like to highlight the hundreds and hundreds of local bills that we have passed on third reading," aniya. 


Hinimok rin ni Albano ang publiko at ang media na makinig at dapat na ganap na mabatid at maipabatid  ang mga mahahalagang impormasyon na ibinabahagi ng mga mambabatas sa araw araw na press conferences. 


Nanawagan siya sa iba pang institusyon na magdaos ng kanilang sariling press briefings para sa kaalaman ng mga mamamayan, hinggil sa kanilang mga tungkulin, responsibilidad at tagumpay sa kanilang mga nagawa. 


Dumalo rin si Deputy Speaker David "Jay-Jay" Suarez sa press conference ngayong umaga.


wantta join us? sure, manure...

Marian

Naniniwala si Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na sa paghahain ng Resolution of Both Houses No. 7 sa Mababang Kapulungan para sa pag-amyenda ng economic provision ay maisasantabi na ang pangamba ng mga Senador sa usaping maisingit ang political amendments sa Konstitusyon.


Ang paghahain ng resolusyon ay sa pangunguna ni Senior Deputy Aurelio Gonzales, House Minority Leader Manuel Jose Dalip at Deputy Speaker David Suarez.


Sa isinagawang press conference, sinabi ng mga mambabatas na ang RBH no. 7 ay walang ipinagkaiba sa RBH n. 6 version ng Senado ni Senate President Juan Miguel Zubiri.


Ang resolusyon ay inaasahang tatalakayin ng Kamara bilang Committee of the Whole upang mas malawak na matalakay ang pag-amyenda sa economic provisions ng Salitang Batas ayon pa kay Barbers -isa sa co-author ng RBH no. 7.


wantta join us? sure, manure...

Cong. Janette L. Garin

Reference: John Paul S. Roy

09454920962

February 19, 2024


Garin: Mas maraming foreign investors ang kailangan para maging posible ang P350 wage hike 


Ipinunto ni House Deputy Majority Leader Janette Garin na kakailanganin ang dagdag na P350 sa minimum na sahod para matugunan ang mga pangangailangan ng mga manggagawa, at sinabing ang pagbubukas ng bansa para sa mas maraming mamumuhunan ang kailangan para maging prosible ang nasabing taas-sahod.


“Ang tanong dun solusyon ba na magtaas lamang ng sweldo or ang solusyon ay gawing investor friendly ang Pilipinas. Buksan natin ang ating bansa sa mga foreign investor [para maging posible ang pagtaas ng sweldo ng mga minimum wage earner],” sinabi ni Garin ngayong Lunes.


Hindi pa rin sapat ang P100 na taas-sahod na ipinapanukala ng Senado para sa isang minimum wage earner at makakasama rin ito sa sektor ng negosyo, pangunahin na ang micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs), kung saan binanggit halos 95 hanggang 98 porsiyento ng ang mga negosyo ay MSMEs, sinabi ng mambabatas.


Gayunpaman, binanggit ni Garin ang pangangailangang balansehin ang kalagayan ng parehong mga employer at empleyado dahil psoibleng magkakaroon ng workforce reduction dahil hindi mapanatili ng mga kumpanya ang mga gastusin sa pagtaas ng suweldo para sa kanilang mga empleyado.


“Gagawa ka ng magandang batas pero ang dagok naman nun—ilan naman ang mawawalan ng trabaho, ilan naman ang mga kumpanyang magsasara [dahil hindi kakayanin ang pa-sweldo sa mga empleyado]… Karamihan kasi ng mga negosyante sa Pilipinas ay maliliit, iilan lang dyan ang nasa malalaking kumpanya,” aniya ng mambabatas.


Noong 2023, sinabi ng Philippine Statistics Authority na 1,080,810 ang mga Negosyo sa bansa; sa mga ito, 99.58 percent ay MSMEs. Gayundin, nasa MSMEs ang 63 porsiyento ng labor force sa bansa.


Una rito, iginiit ng mambabatas sa Iloilo na pinag-aaralan na ng mga miyembro ng House of Representatives ang panukalang batas upang matiyak kung ito ay posible.


“Kung pamumulitika lang ang iisipin ng Kongreso, dapat sana pinasa na kaagad yan at sinabi, oh bahala na ang taumbayan. Pero hindi po ganun ang Kongreso. Tinitignan natin, doable ba ito o hindi ba doable,” aniya ni Garin.


Samantala, sinabi ng vice chairperson ng Committee on Appropriations na kakailanganin ang Charter Change para mapalakas ang ekonomiya ng bansa at ito ang magigingt paraan upang mapataas ang suweldo ng labor force.


“Bakit ayaw nating buksan ang ekonomiya ng Pilipinas at papasukin natin ang foreign investors… Papasok sila, papasok ang malalaking kumpanya, tataas ang sweldo [ng mga tao]. Iikot, gaganda, tataas and ekonomiya ng Pilipinas,” ayon kay Garin. (END)

wantta join us? sure, manure...

Isa 

Hindi mamadaliin at sa halip ay dadaan sa puspusang deliberasyon ang Resolution of Both Houses o RBH no. 7, na nagsusulong ng economic Charter Change o Cha-Cha. 


Ito ang tiniyak ng mga lider ng Kamara, kasunod ng paghahain ng RBH no. 7. 


Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, sa ngayon ay hindi pa nila masabi ang “timeline” para sa RBH no. 7, pero sigurado aniya na magdo-doble-kayod sila upang maipasa ito. 


Kung kailangan aniya ay palalawigin ang “working hours” ng Kamara. 


Sinabi naman ni House Deputy Speaker Tonypet Albano, hindi ipa-fast-track o ire-railroad ang naturang resolusyon. 


Magdaraos aniya sila ng serye ng mga pagdinig, kung saan iimbitahan ang mga eksperto, economic managers, business chambers, at kahit ang mga umaangal sa isinusulong na pag-amyenda sa ilang economic provisions ng Saligang Batas. 


Dagdag ni Albano, ima-marathon nila ang RBH no. 7 alang-alang sa bansa. 


Ang RBH no. 7 ay katulad ng RBH no. 6, na inihain at tinatalakay ngayon sa Senado, para sa isinusulong na economic Cha-Cha. 


Ayon kay Dalipe, wala nang pagkakaiba sa dalawang RBH para wala nang duda, iniisip o pangamba ang kanilang counterpart sa Senado.

wantta join us? sure, manure...

rye Nilinaw ni House Economic Affairs Committee Vice Chair at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing na hindi ibig sabihin ay isang daang porsyentong pahihintulutan ang mga dayuhan na mag may-ari ng kompanya sa Pilipinas sa ilalim ng isinusulong na economic charter amendment


Sa pulong balitaan, pnawi ni Suansing ang pangamba ng ilan na sa oras na luwagan ang restrictive economic provisiong ng ating Saligang Batas ay madehado ang mga Pilipino sa pagbaha ng mga banyagang negosyante.


Paliwanag ng mambabatas, ito ang kagandahan ng isinusulong ng econmic charter change kung saan aalisin ang restriction sa Konstitusyon sa pamamagitan ng paglalagay ng mga katagang ‘unless otherwise provided by law’


Sa paraang ito maaaring baguhin ang restistrictionsa sa pamamagitan ng lehislasyon kapag dumating ang panahon na kailangain na ito.


Kaya ang hatian sa  foreign ownership restriction ay maaaring baguhin sa loob ng tatlo o ilang taon depende sa pangangailangan.


Punto naman ni Deputy Majority Leader Ramon Nolasco Jr., kaya mahalga na mapagusapan at mapagdebatehan ang usapin ng charter amendment upang makahanap ng pinaka-akmang hatian.


##

wantta join us? sure, manure...

Anne Ibinahagi ni Nueva Ecija Rep. Mika Suansing ang tatlong pangunahing dahilan para sa pangangailangang amyendahan ang mga probisyong pang-ekonomiya sa 1987 Constitution.


Sa pulong balitaan inihayag ni Suansing na kailangang gawing mas maliksi ang ekonomiya ng bansa upang mas mahusay na mapakinabangan ang mga oportunidad sa ekonomiya at umangkop sa dynamic global landscape.


Sinabi ng Kongresista ang Pilipinas ngayon ay nasa pang anim na pwesto sa ASEAN partikular sa Foreign Direct Investment Inflows, batay sa datos ng World Bank at UN Conference of Trade and Development.   


Dagdag pa ni Suansing ang restriction sa foreign ownership ay maaring hadlang para makilahok ang Pilipinas sa highly beneficial trade agreements.


Aniya, kailangan din capital infusion at ang mabilis na paglipat ng kaalaman at capacity building para maging globally competitive ang bansa.


Sinabi ni Suansing panahon na para amyendahan ang restrictive economic provisions ng sa gayon magbubukas na ng mas maraming oportunidad bansa. 


Samantala, umapela naman si Deputy Speaker at Isabela Rep. Tonypet Albano sa mga senador na simulan na ang debate para sa pag amyenda sa Konstitusyon ng sa gayon bumuti na ang kalagayan ng mga Pilipino.


Giit ni Albano kailangan ng amyendahan ang konstitusyon para tugunan ang kahirapan, hustisya at i-update ang mga batas.

wantta join us? sure, manure...

FEB 19

-Hajji-



Sinang-ayunan ni House Deputy Speaker Tonypet Albano ang pahayag ni dating Senador Panfilo Lacson na hindi kasama sa trabaho ng mga mambabatas ang pamamahagi ng ayuda.


Sa press conference sa Kamara, sinabi ni Albano na walang direktang partisipasyon ang mga kongresista sa distribusyon ng cash assistance gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at TUPAD program.


Bawal aniya ang mga mambabatas na mamigay ng ayuda dahil gampanin ito ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development at naroon lamang sila para magmasid.


Bahagi umano ng oversight function ng mga kongresista na tiyaking naibibigay nang tama at sa nararapat na benepisiyaryo ang pondong inilaan para sa isang programa.


Giit ni Albano, hindi naman masama sakaling makita ang presensya ng mga senador o congressman sa pamamahagi ng tulong partikular ang Ayuda para sa Kapos ang Kita o AKAP program dahil sila ang lumikha nito upang ipatupad ng DSWD.


Samantala, tungkol naman sa sinasabing pagsingit ng AKAP sa 2024 National Budget, nanindigan si Albano na binasa nila nang mabuti ang bicameral conference committee report bago ratipikahan.


Punto nito, kung may problema ang ilang senador na hindi nila ito nakita sa budget, dapat ay naayos na bago pa ito lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.


wantta join us? sure, manure...

Hajji Ibinida ni Majority Leader Mannix Dalipe ang performance ng Kamara sa pagpasa ng mga batas na bahagi ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC at priority bills sa nagdaang State of the Nation Address.


Sa isang statement, inihambing ni Dalipe ang 94.7 hanggang 100 percent na performance ng Kamara na malayo sa umano'y nakadidismayang 14.28 hanggang 45 percent ng Senado.


Ipapasa aniya ng Mababang Kapulungan ang nalalabing tatlong panukala na kinabibilangan ng proposed amendments sa Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill at National Defense Act.


Ipinunto ni Dalipe na sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin Romualdez ay ginampanan nila ang tungkulin sa pagsuporta sa legislative, prosperity at economic development agenda ng administrasyong Marcos.


Di tulad ng mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan ay nagkaroon umano ng "sense of urgency" ang mga kongresista kaya natalakay at naaprubahan ang lahat ng priority bills ni Pangulong Bongbong Marcos samantalang halos lahat na sa LEDAC measures.


Lumalabas din umano na ang legislative performance ng Senado partikular ang approval rate ay wala pa sa kalahati ng pinakamababang passage level ng Kamara.


Limampu't apat na LEDAC priority measures ang naipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa kung saan labing-isa ang naisabatas kasama na ang New Agrarian Emancipation Act at Maharlika Investment Fund.


Ilan naman sa labimpitong SONA priority bills na naaprubahan ang LGU Income Classification, at Ease of Paying Taxes Act.

wantta join us? sure, manure...

isa INAASAHANG BUBUTI ANG SITWASYON SA LAHAT NG TERMINAL NG NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT O NAIA. 


ITO ANG SINABI NI HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS CHAIRMAN AT ALBAY REP. JOEY SALCEDA, KASUNOD NG PAGKAKAPILI SA SAN MIGUEL CORPORATION O S-M-C PARA SA REHABILITATION PROJECT AT PRIVATIZATION NG NAIA. 


AYON KAY SALCEDA, ANG NATURANG P170 BILLION DEAL AY MAITUTURING NANG PINAKA-MALAKING PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP PROJECT SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS. 


KAYA NAMAN ANI SALCEDA, INAABANGAN NA ANG PAGKAKAROON NG AGARANG “ENHANCEMENTS” SA NAIA, KASAMA ANG PAGLALAGAY NG WALKALATORS SA TERMINAL 3, INTERCONNECTION NG TERMINALS 1, 2 AT 3; AT MAS MAAYOS NA LOUNGE FACILITIES PARA SA OVERSEAS FILIPINO WORKERS O OFWs. 


KAUGNAY NITO AY PINURI NI SALCEDA SINA TRANSPORTATION SECRETARY JAIME BAUTISTA AT FINANCE SECRETARY RALPH RECTO SA PAGKAKA-SELYO NG KASUNDUAN PARA SA OPERASYON AT PRIVATIZATION NG NAIA. 


DAGDAG NG KONGRESISTA, NAKITA NIYA NA “QUICK, EASY AND FAIR ANG NAGING BIDDING PARA RITO.


wantta join us? sure, manure...