Wednesday, June 05, 2024

RICE TARIFF CUT AND KADIWA DIRECT SALES TO CUT RICE PRICES SUBSTANTIALLY

Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez on Wednesday lauded the decision of President Ferdinand “Bongbong” R. 

Marcos Jr. to cut the tariff for imported rice from 35 percent to just 15 percent.


The Speaker said that the import levy reduction and the direct sale of imported rice by the government through its Kadiwa centers should bring down the retail price of rice substantially, especially for consumers.


He added that the effort to reduce rice prices is consistent with the Marcos administration’s goal of making the staple available and affordable.


He said rice farmers should not worry about the assistance they receive from government, which are funded from the Rice Competitiveness Enhancement Fund set up under Republic Act No. 11203, or the Rice Tariffication Law.


He added that official data showed that as of last month, the fund had accumulated P16 billion import tariff collections.

——


This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

KAMARA AT SENADO, NAG-UUGNAYAN PARA TIYAKING MAIPASA NA ANG PRIORITY BILLS BAGO MAGTAPOS ANG 19TH COONGRESS

Ipinahayag ni House Speaker Martin G. Romualdez na nagsimula nang mag-ugnayan ang Kamara de Representantes at ang Senado para tukuyin ang mga mahahalagang panukala na maaari pang ihabol sa ikatlo at huling regular session ng 19th Congress.


Ayon kay Speaker Romualdez. nakausap na nito ang bagong upong Senate President na si Sen. Francis Escudero noong Lunes sa Malacañang ng lagdaan ng Pangulo ang bagong batas na nagtataas sa teaching supply allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.


Dagdag pa ng lider ng Kamara na  sinabi House Majority Leader Jose Manuel Dalipe at ang Senate counterpart nito na si Sen. Francis Tolentino ay nag-uugnayan na rin.


Batid ni Escudero, ayon pa kay Romualdez, na maraming panukala ang naaprubahan na ng Kamara at nakabinbin sa Senado kasama rito ang mga priority measure na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA at mga napagkasunduan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


SInabi ng lider ng Kamara na may mga koordinasyon, partikula na rito sa mga bicameral conference committees kung papaano i-reconcile ang mga differing versions.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO

RELASYON NG PILIPINAS AT CHINA, LALONG MASISIRA DAHIL SA GINAGAWANG PAMBU-BULLY NITO SA ATIN

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na lalong masisira ang relasyon ng Pilipinas at China dahil sa ginagawa nitong harassment at pambu-bully. 


Kabilang na rito ang pangungumpiska ng pagkain at iba pang suplay na dapat sana'y dadalhin sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.


Sinabi ni Romualdez na hindi maka-papayag ang gobyernong tratuhin ng China ang bansa sa pamamagitan ng agresibong mga hakbang kaya susuportahan ng mga awtoridad ang polisiya ni Pangulong Bongbong Marcos.


Ibinahagi nito na nabanggit ng pangulo sa katatapos na Shangri-La Dialogue sa Singapore ang usapin ng defense at security at nanindigang hindi isusuko ang alin mang teritoryo.


Ipinunto rin ng House Speaker na kung tutuusin ay hindi dapat isyu sa West Philippine Sea ang naglalarawan sa relasyon ng Pilipinas at China.


Pero dahil sa ginagawa ng naval at sea assets at militia forces ng Chinese government ay lalo umanong lumalala ang tensyon at ang relasyon.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.