Monday, July 10, 2023

REP. ARNIE TEVES, JR., HINDI IMBITADO SA SONA NI PBBM SA DARATING NA JULY 24

Ipinahayag kahapon ni House Secretary General Reginald Velasco na nananatiling epektibo pa ang 60-araw na suspensyon laban kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr.


Sinabi ni Secretary General Velasco na hindi imbitado si Teves sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.


“As you know, sabi ni Velasco, he has been suspended for another 60 days at dahil suspendido pa ito na mag-i-expire sa July 30 batay sa House Rules, wala pa siyang entitlement bilang isang regular member, kaya hindi na siya padadalhan ng imbitasyon.


Nauna nang sinabi ni Teves na umaasa siya na papayagang siyang dumalo sa SONA kahit na sa pamamagitan ng online platform.


Patuloy ang isinasagawang paghahanda ng Kamara de Representantes para sa paparating na SONA.


Ayon kay Velasco ngayong linggo sisimulan ang pagpapadala ng mga imbitasyon para sa mga pisikal na dadalo sa SONA. wantta join us? sure, manure...

BAGONG BATAS, MAGBABAHAGI NG KASAPATAN SA BIGAS AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ

Umaasa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang Republic Act (RA) No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act, ay lubos na makapagbabahagi na makamtan ng bansa ang kasapatan sa bigas.


(“I have a strong feeling that the new law would pave the way for our farmers to produce more rice, which is our basic staple, and other crops that they grow in between rice planting,” ayon kay Speaker.)


Inaalis ng RA No. 11953 ang "all principal loans, unpaid amortization and interests” ng mahigit anim na raang libong (610,054) benepisaryo sa repormang agraryo mula sa panahon ni dating Pangulong Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyan.


Ang hindi nabayarang pagkakautang ay tinatayang aabot sa halagang P58 bilyon.


Inililibre sa batas mula sa estate tax ang lahat ng lupaing sakahan na ipinamahagi sa ilalim ng repormang agraryo ng pamahalaan nang unang administrasyong Marcos.


Batay sa batas, sasagutin ng pamahalaan ang P206.2 milyong pagkakautang ng mga benepisaryo ng repormang agraryo, sa mga may-ari ng mga lupang kanilang sinasaka, sa ilalim ng voluntary land transfer-direct payment scheme na programa ng repormang agraryo.


Sinabi ni Romualdez na marami sa mahigit na 610,000 benepisaryo ng bagong batas na nagsasaka ng may 1.1 milyong ektarya ng sakahan ay mga magsasaka ng palay.






“Now that our farmers will soon be free of debt, I hope that they will be able to increase their produce to at least 100 50-kilo bags per hectare, from the present 60 to 70 cavans. But of course, the government will have to help along the way,” aniya.


Ayon sa kanya, ang pagtatanggal ng mga pagkakautang ng mga benepisaryo ng repormang agraryo ay unang hakbang lamang sa pagtulong sa kanila upang makamit ang pagiging mas produktibo, maiayos ang kanilang kabuhayan at makamtan ang kasapatan sa bigas ng bansa.


“The next step is aiding them to those objectives by providing them with or giving them access to credit, technology, equipment, inputs, and other vital support services. Let us leave them to fend for themselves,” dagdag niya.


Tinukoy niya na ang magsasaka na binura ang kanyang pagkakautang sa repormang agraryo subalit hindi tumutulong na makahiram ng puhunan para sa kanilang produksyon at iba pang pangangailangan ay nangungutang sa mga iligal na nagpapautang kaya’t maaari na namang muli silang mabaon sa pagkakautang.


“So it is important that we are there, our concerned agencies are there on the ground, to assist them,” giit niya.


Nanawagan si Speaker sa mga kinauukulang mga ahensya, lalo na ang Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture at National Irrigation Authority, na tiyakin sa mga magsasaka na kanilang matatanggap ang sapat na suporta na kinakailangan nila.


“Irrigation is as important as credit and farm inputs in increasing the farmers’ produce. Without irrigation, our rice farming sector will not be able to improve from 60-70 cavans per hectare,” aniya.


Hinimok rin niya ang mga naturang ahensya na indibiduwal na i-monitor ang mga benepisaryo ng repormang agraryo na sakop ng bagong batas at iba pang mga magsasaka.


“Since they have the exact number, which is 610,054 tilling 1.173 million hectares, I am assuming that these agencies know them. So let us check on them every now and then to ask them what assistance they need, how are they doing,” aniya.


Nanawagan ang pinuno ng Kapulungan sa lahat ng kinauukulan na ipatupad ng maayos ang implementasyon ng RA 11953 para sa ganap na tagumpay.


“This is President Ferdinand R. Marcos Jr.’s version of his father’s Tenant Emancipation Law, Presidential Decree No. 27, one of the first issuances of President Marcos Sr. which liberated farmers from the stranglehold of landowners. Fifty-one years later, we are trying to free them from debt and other things that hobble them. Let us try out best to succeed,” ani Speaker Romualdez. wantta join us? sure, manure...