Thursday, May 16, 2024

Coast Guard pinagsusumite ng modernization plan para matalakay na sa pagsisimula ng budget season sa Kamara…



Inatasan ng Kamara ang Philippine Coast Guard na isumite na ang comprehensive strategic modernization plan kaugnay ng pagsisimula ng budget season. 


Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, gagawing basehan ito ng Kamara sa ilalaan na dagdag na pondo sa PCG sa sandaling talakayin na ng Kongreso ang panukalang pambansang budget para sa 2025.


Sabi ni Romualdez, dapat nakadetalye sa plano ang pagpapalakas ng kakayahan sa pagpapatrulya at proteksiyon sa karagatan na sakop ng Pilipinas lalo na sa West Philippine Sea.


Sa isusumiteng modernization plan, gustong makita ng Kamara ang kasalukuyang kalagayan ng assets ng PCG, mga kailangan na i-upgrade na vessels at equipments, training program para sa mga personnel at inisyatibo para sa regional cooperation at maritime law enforcement.


Tiniyak ng House Speaker na committed ang Kamara na suportahan ang pagpapalakas sa PCG.


Giit ni Romualdez,  lamang ito sa proteksiyon ng ating teritoryo kundi magsisilbing “defense posture” laban sa mga magtatangka na manakop sa mga isla na pagmamay-ari ng Pilipinas.




MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Mabilis na nakalusot sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang “universal social pension” para sa lahat ng senior citizens sa Pilipinas.


Bago ang botohan kanina, inisponsor ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang panukala.


Sa House Bill aniya, ang mga benepisyaryong mahihirap na senior citizens ay patuloy na makatatanggap ng P1,000 kada buwan; habang P500 kada buwan naman ang ibibigay sa iba pang miyembro ng senior citizen population.


Ani Quimbo, hanggang ngayon kasi ay hindi pa lahat ng senior citizens ay nabibigyan ng karampatang pensyon. Sa katunayan, mababa sa kalahati ang kasalukuyang sakop ng programa.


Kaya naman sa ilalim ng universal pension, ang lahat ng senior citizens sa Pilipinas --- mahirap man o mayaman, may natatangap nang pensyon o wala pa --- tatanggap na ng pensyon.


Ayon pa kay Quimbo, “matik” o otomatiko na ang pagiging kasapi sa social pension basta nasa edad 60-anyos pataas.


Giit ni Quimbo, panahon nang tumbasan ang mga kontribusyon ng mga senior citizen, kaya dapat isabatas ang panukala.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Sa botong 188 na pabor at walang kumontra…


Tuluyan nang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling ang House Bill 10178 o Overseas Electronic Registration and Voting Act o kilala ring Internet Voting Bill.


Layon ng panukala na mapalawak pa ang opsyon para sa pagpaparehistro at pagboto ng mga Filipino na nasa ibang mga bansa.


Una nang sinabi ni OFW PL Rep. Marissa Magsino, isa sa mga nagsusulong ng panukala --- na ang pagsasabatas dito ay tagumpay para sa overseas voters, lalo na ang Overseas Filipino Workers o OFWs.


Kapag kasi naging ganap na batas na ito, papayagan ang registration, certification at transfer of registration ng overseas voters “by mail o electronic means.”


Kasama rin dito ang opsyon ng electronic voting, maliban pa sa in-person at mail-in



———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Sa botong 188 na pabor at walang kumontra…


Tuluyan nang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling ang House Bill 10178 o Overseas Electronic Registration and Voting Act o kilala ring Internet Voting Bill.


Layon ng panukala na mapalawak pa ang opsyon para sa pagpaparehistro at pagboto ng mga Filipino na nasa ibang mga bansa.


Una nang sinabi ni OFW PL Rep. Marissa Magsino, isa sa mga nagsusulong ng panukala --- na ang pagsasabatas dito ay tagumpay para sa overseas voters, lalo na ang Overseas Filipino Workers o OFWs.


Kapag kasi naging ganap na batas na ito, papayagan ang registration, certification at transfer of registration ng overseas voters “by mail o electronic means.”


Kasama rin dito ang opsyon ng electronic voting, maliban pa sa in-person at mail-in


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Dadalo si dating House Speaker at Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez sa pagdinig ng House Committee on Ethics sa darating na Huwebes (May 16).


Ito ay kaugnay sa ethics complaint na inihain ni Tagum City Mayor Rey Uy laban kay Alvarez.


Kinumpirma rin ni Alvarez na nagsumite na siya ng kanyang reply o tugon sa “notice” na ipinadala ng House Ethics panel.


Tiniyak naman ni Alvarez na handa niyang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.


Si Alvarez ay sinampahan ng reklamo dahil umano’y paglabag sa code of conduct, disorderly behavior, at iba pang batas.


Kabilang sa mga alegasyon sa kanya ay ang “libelous remarks” niya sa mga opisyal ng Davao del Norte; “habitual absenses” o hindi pagpasok sa Kamara; at ang umano’y “seditious statements” niya laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. partikular ang paghimok sa militar at pulisya na bawiin ang suporta sa presidente.

May sapat na panahon pa ang Senado  para ipasa ang panukalang batas na mag-aamiyenda sa Rice Tariffication Law.


Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing na kapag nasertipikahan na ni Pangulong Bongbong Marcos bilang urgent ang RTL amendments ay maaari itong matalakay at mabilis na maaprubahan sa Senado sa susunod na linggo.


Kasabay nito ay nanawagan din si Suansing sa mga senador na basahin at ikonsidera ang mga nakapaloob na probisyon sa bersyon ng Kamara upang mapawi ang kanilang agam-agam.


Tinugunan aniya ng mga kongresista ang "concerns" ng mga mambabatas mula sa Mataas na Kapulungan at kinonsulta ang lahat ng stakeholders para sa layuning iangat ang rice productivity at mapababa ang presyo nito sa merkado.


Umaasa rin si Bataan Representative Geraldine Roman na makikinig si Senate Committee on Agriculture Chairperson Sen. Cynthia Villar lalo't napapanahon na gawing competitive ang mga lokal na magsasaka bago hayaang bumuhos ang rice imports.


Punto ni Roman, maraming magsasaka ang nagpapahayag ng pagtutol sa kasalukuyang batas lalo't kulang pa ang pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF kaya marapat na itong amiyendahan.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Magkakasa ng imbestigasyon ang Kamara ukol sa madugong kampanya laban sa ilegal na droga ng nagdaang administrasyong Duterte.


Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni House Committee on Human Rights Chairperson at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. na layunin ng imbestigasyon na sisimulan sa susunod na linggo na silipin ang umano'y mga insidente ng extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs.


Hindi kasama sa iimbitahan sa pagdinig sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Philippine National Police Chief at ngayo'y Senador Ronald Bato Dela Rosa sa ngalan ng parliamentary courtesy.


Ngunit kinumpirma ni Abante na pahaharapin nila ang mga dating opisyal gaya nina dating Justice Secretary Menardo Guevarra, dating PNP Chief Oscar Albayalde at mga opisyal ng National Capital Region Police Office.


Bibigyan din ng pagkakataon na magsalita ang magulang ng mga biktima ng EJK at war on drugs lalo na ang magulang ng mga menor de edad na napatay.  


Tiniyak ni Abante na gugulong ang imbestigasyon nang patas, objective, sensitibo, may malasakit at respeto.


Ngunit kailangan aniyang mabigyang-diin na ang bawat buhay ay mahalaga dahil protektado ito ng karapatang ipinagkaloob ng Konstitusyon para sa due process.


Marami umanong EJK victims na pinatahimik at tinanggalan ng karapatan kaya responsibilidad ng Kamara na alamin ang katotohanan at makamit ang komprehensibong mga impormasyon hinggil sa drug war.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Rep. Garin kinilala at inendorso ang Food Stamp Program ng PBBM admin


Kinilala at inendorso ni House Deputy Majority Leader Janette Garin nitong Martes ang pagpapatupad ng Food Stamp Program (FSP) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos "Bongbong" Marcos Jr. dahil sinisigurado nito na ang bawat mahihirap na pamilya ay may maihahain sa kanilang lamesa.


"The good thing is nasimulan ang programang ito under the PBBM administration kasi sa napakatagal na na hinaing na magkaroon ng food stamp program ngayon lang ito naipatupad," sinabi ni Garin sa isang press conference sa House of Representatives.


Sinabi rin ng mambabatas na hindi lamang nito maiibsan ang kalagayan ng mga pamilyang Pilipino kundi makakatulong din ito sa mga magsasaka at Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) dahil ang ibibigay na tulong ay maaari lamang gamitin pambili sa mga accredited retailer.


Layon ng programa na bawasan ang pagkagutom na nararanasan ng mga low-income household sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na magagamit sa pagbili ng mga pangangailangan mula sa mga piling merchant. 


Samantala, sinabi ng Iloilo First District Representative na maaaring hindi pa ito sapat sa kasalukuyang panahon ngunit posibleng tumaas ito na magbibigay ng mas malaking tulong sa mga pamilyang Pilipino.


"It might not be enough but its a good start, but then it is not the only program. Later on, pwedeng tumaas 'yang [ipamimigay ng gobyerno]," aniya ni Garin.


"In other words, it is just one component of the whole big buy of public services. Kung titingnan natin, magkakaroon ng oportunidad na pang hanapbuhay, magkakaroon ng mas maraming tulong."


Ganap na ipatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing programa simula ngayong Hulyo, anim na buwan matapos ang matagumpay na pilot implementation nito sa ilang bahagi ng bansa. 


Nauna rito, nilagdaan ni Marcos ang Executive Order No. 44, na nagtatag ng flagship program ng DSWD—Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.


"Ang daming programa [na] pinagsasabay-sabay pero isa lang ang layunin, ang mabigyan ng mas magaang na buhay ang bawat pamilyang Pilipino dahil bawat buhay ay mahalaga at bawat bahay ay dapat may pagkain," sinabi ni Garin. (END)


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Tinanggihan ni Iloilo 1st district Representative at Deputy Majority Leader Janette Garinang plano ng Department of Education o DepEd na magkaroon ng Saturday classes ang mga mag-aaral bilang bahagi ng adjustment period sa pagbabalik ng dating school calendar 2024-2025. 


Ang klase sa susunod na pasukan sa July 29 at magtatapos ng March 31 ng susunod na taon. 


Sinabi ni Garin na ang mungkahi ng DepEd ay magiging dagdag gastusin lamang sa mga guro at magulang, gayundin ay makakaabala sa pagkakaroon ng oras sa pamilya, maging ito man ay alternative learning o online class. 


ngunit sinabi naman ni Bataan Representative Geraldine Roman na ang araw na walang pasok ay nakakatulong din para sa mental health ng guro at mga estudyante nang walang iniisip na may kaugnayan sa pag-aaral. 


Iminungkahi naman ni Garin na sa halip na Saturday classes, mas mabuting bawasan na lamang ang mga pagdiriwang ng local holidays at festivals sa mga lalawigan at lungsod. # 




14May24/Marian/House


Nanawagan ang ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan sa Senado  na maglaan ng panahon na talakayin ang mahahalagang usapin na malapit sa pangangailangan ng publiko. 


Pakiusap ni Rep. Mikaela Suansing ng unang distrito ng Nueva Ecija na pag-usapan na rin ng Senado ang pag-amyenda ng Rice Tarification na inaasahang maaprubahan sa ikalawang pagdinig ng Kamara sa Miyerkules. 


Hangad din ng Kamara na maipatupad ito sakali mang maging batas sa Hulyo, kung inaasahang magkakaroon na ng mabibiling bigas ang publiko sa halagang 30 piso kada kilo. 


Giit ni Suansing-ang sponsor at co-author ng panukalang amended RTL, ang panukala ay makakatugon para mapababa ang presyo ng bigas, gayundin ang pagpapatatag sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. 


Pinuna rin ng ilang mambabatas ang isinasagang pagdinig sa Senado kaugnay sa PDEA leaks, na bukod sa walang makitang malinaw na layunin ay inilalagay pa sa masamang imahe ang bansa, dahil sa pag-uugnay sa punong ehekutibo at ilan pang personalidad sa ilegal na droga. 


Sa pulong balitaan, sinabi nina Representatives Janet Garin ng Iloilo, Geraldine Roman ng Bataan,Jonathan Keith Flores ng Bukidnon, at Rodge Gutierrez ng 1 Rider Partylist, na matapos ang tatlong pagdinig ng Senado ay hindi pa rin malaman ang tunay na intensyon o malilikhang batas sa isinasagawang imbestigasyon lalo’t kaduda rin ang mga naiimbitahang mga saksi. 


Giit pa ng mga kongresista, bukod sa nasasayang na ‘pondo at oras’ ay nakakaladkad din ang integridad ng pamunuan ng Senado.#


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

PANUKALANG MAGNA CARTA OF CHILDREN, APRUBADO NA SA KOMITE


Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Welfare of Children sa Kamara, sa pamumuno ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co, ang House Bill 10159, o ang panukalang Magna Carta of Children (MCC), na pinakakomprehensibong ligal na balangkas para sa mga karapatan ng mga bata, para sa proteksyon at kaunlaran. 


Sa kanyang explanatory note sa panukala, inilarawan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangunahing may-akda, ang MCC bilang komprehensibong children’s human rights law, na naglalayong isulong para sa lahat ng mga bata sa Pilipinas at mga batang Pilipino sa 'recognition, protection, fulfillment and promotion' ng kanilang mga karapatan, lalo na ang mga nabibilang sa mga marginalized sectors ng ating lipunan. 


“The MCC establishes the Philippine government’s commitment to the United Nation’s Convention on the Rights of the Child (UNCRC) after its ratification on 21 August 1990, to take all appropriate measures to respect and ensure the rights of children. 


It embodies the four basic principles of the UNCRC namely : 1) the children’s right to non-discrimination; 2) the best interest of children; 3) their right to life and development; and, 4) their right to participation in all matters that affect them,” ayon kay Speaker. 


Sinabi ni Co na itinatampok sa panukalang MCC ang: 1) Paglikha ng Philippine Commission on Children, 2) pagtatalaga ng isang Ombudsman for Children sa ilalim ng Commission on Human Rights, 3) pagtatag ng mga children’s associations sa antas ng lokal at pambansa, 4) paglikha ng Philippine National Children’s Conference, at 5) pagsali ng mga bata sa pamamahala, kabilang na ang pagsali sa mga lokal na konseho, youth parliaments, at iba pang mga decision-making platforms. 


Itinatakda sa MCC ang kasalukuyang pagsasabatas at inaayos ang mga probisyon alinsunod sa UNCRC, para protektahan ang mga karapatan ng mga bata. 


Ang HB 10159 ay iniakda rin nina Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, Tingog Party-list Rep. Jude Acidre at Co. Aprubado rin sa Komite ang mga sumusunod na panukala, batay sa istilo at mga amyenda: HBs 1950, 4574, 4799, 5459 at 10072, na nagtatalaga ng mga probisyon ng mga infant-friendly facilities sa mga ahensya ng pamahalaan at iba pang mga establisimyento na iniakda nina Reps. Yedda Marie Romualdez, Gus Tambunting, Patrick Michael Vargas, Ernesto Dionisio Jr., at Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, ayon sa pagkakasunod; HB 9403, na nagtatalaga ng mga baby changing facilities sa lahat ng mga palikuran sa mga pampublikong establisimyento at mga tanggapan ng pamahalaan, ni Rep. Lani Mercado-Revilla, at HB 9678, na nagtatalaga ng mga diaper-changing stations sa lahat ng mga pangunahing establisimyento at mga tanggapan ng pamahalaan, ni Rep. Ma. Victoria Co-Pilar.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Hanggang ngayon,  wala pang natatanggap na sagot ang House Ethics Committee mula kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.


Ayon kay AKO BICOL  Representative Jil Bongalon, vice chairman ng komite, magtatapos pa sa Huwebes ang ibinigay nilang sampung araw na deadline para maipaliwanag ni Alvarez ang kanyang panig.


May 7 nang atasan ng House Ethics Committee si Alvarez na sagutin ang reklamo laban sa kanya.


Sabi ni Bongalon, anim na penalties ang tinitignan ng komite na pwedeng kaharapin ni Alvarez.


Ito ay reprimand, censure, suspension ng 60 days, expulsion sa Kamara at iba pang penalty na pwedeng ipataw ng komite.


Nilinaw ni Bongalon, anuman ang desisyon ng komite ay isasangguni sa mga miembro ng Kamara at pagbobotohan sa plenaryo.


Narito ang pahayag ni Congressman Jil Bongalon, vice chairman ng House Ethics Committee…


Timestamp 0:08-0:54


Ang ethics complaint laban kay Alvarez ay nag-ugat nang manawagan sa rally ng mga Duterte supporters sa Tagum City na i-witdraw na ng Armed Forces of the Philippines ang suporta kay Pangulong Bongbong Marcos. Pinakikilos ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Bureau of Internal Revenue o BIR upang makamit ang “target” na koleksyon ng buwis ngayong taon. 


Ayon kay Romualdez, mahalaga na makuha ang revenue targets upang magamit sa pagpapabilis at pagkumpleto ng iba’t ibang programa at proyekto ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. 


Giit pa niya, ang buwis ay “lifeblood” ng gobyerno, at importante para sa pagbangon ng ekonomiya. 


Sinabi ng lider ng Kamara na kanya namang ikinalulugod ang pag-angat ng koleksyon ng BIR, na pumalo sa 17% ngayong 2024. 


Gayunman, sinabi ni Romualdez na kapos pa rin ito mula sa P3.05 trillion target na itinakda ng economic managers, kaya dapat magdoble-kayod pa rin ang BIR. 


Nabatid na nasa P2.516 trillion ang koleksyon ng BIR noong 2023, habang P2.944 trillion ngayong taon. 


Ani Romualdez, binigyan ng Kongreso ang BIR ng “tools” o mga paraan upang epektibong makapangolekta sa taxpayers. 


Isinabatas din aniya ang Ease of Paying Taxes, upang maging “digitalized” ang mga transaksyon ng BIR at mahimok ang publiko na boluntaryong magbayad ng buwis lalo’t ginawa nang simple, mas madali at libre ang proseso.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.