NALALABING LEDAC PRIORITY MEASURES, TINIYAK NA MAIPAPASA SA PAGBALIK-SESYON NG KONGRESO SA ENERO
Pinahayag ni House Speaker Martin Romualdez na aaksiyunan ng Kamara ang mga nalalabing priority measures na isinusulong sa LEDAC o Legislative-Executive Development Advisory Council.
Sinabi ni Speaker Romualdez na may nalalabing labing-dalawang Common Legislative Agenda na kailangang aksiyunan ng Kongreso.
Ilan sa mga ito ay ang amyenda sa EPIRA law, E-Governance Act, paglikha ng Department of Water Resources at iba pa.
Muling iginiit ni Romualdez na committed ang Kamara na suportahan ang legislative agenda ng Marcos administration.
Sa katunayan anya, napagtibay na ng Kamara ang 19 na legislative measures at ang iba ay nasa “advance stages of consideration.”
Nauna rito, bago mag-Christmas break ang sesyon ng Kongreso, napagtibay ng Kamara ang 2023 General Appropriations Bill at ang Maharlika Investment Fund.