Thursday, November 10, 2022

ITAYO NATIN ANG SAMA-SAMA, MATATAG, MAPAYAPA, AT MAUNLAD NA KOMUNIDAD NG ASEAN

PHNOM PENH, Cambodia – Nanawagan si Speaker Martin G. Romualdez ngayong Huwebes ng isang sama-samang pagsisikap, sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na itayo ang isang matatag, mapayapa, at maunlad na komunidad sa rehiyon.

 

Ipinanawagan ito ni Romualdez sa idinaos na ASEAN Inter-parliamentary Assembly (AIPA) interface sa mga pinuno ng ASEAN sa Sokha Hotel sa Phnom Penh, Cambodia.

 

Kanyang binati sa pagpupulong si chairman Cheam Yeab, na siyang unang vice president ng National Assembly ng Cambodia, mga miyembro ng lehislatura ng host country, at mga delegasyon mula sa ASEAN-member nations.

 

Pinamunuan ni Romualdez ang delegasyon ng Pilipinas sa AIPA, na kinabibilangan ni Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad, chairperson ng House committee on inter-parliamentary relations and diplomacy.

 

“Today, we come together, as we do every year, to consolidate our efforts in building a cohesive, resilient Asean community that is peaceful, secure and stable, but more than that, we come together to foster the closest possible relations with our fellow AIPA parliamentarians,” ani Romualdez.

 

Muling pinagtibay ng pinuno ng Kapulungan ang “Philippines’ strong commitment to supporting AIPA in its initiatives and resolutions to make it an effective pillar of community building in the ASEAN region.”

 

“Our task of preparing the statement of the AIPA President should strengthen our vision of an AIPA that is instrumental in enhancing peace, stability, and security in the region, as well as building a prosperous, inclusive, and people-centered community,” ayon kay Romualdez.

 

Pinasalamatan rin ni Speaker ang National Assembly ng Cambodia “for the warm hospitality and excellent arrangements for this meeting.”

 

“We look forward to a fruitful meeting in a spirit of unity and understanding,” sinabi niya sa mga kapwa niya mambabatas sa rehiyon.

 

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. ang mahalagang papel ng AIPA, at ang pinaigting na kooperasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura, na mga sangay ng pamahalaan, sa pagpapabuti ng mga batas at regulasyon sa mga ASEAN Member States, at ang pagtitiyak ng epektibong implementasyon sa rehiyon ng mga resolusyon at mga desisyon na ipinasa ng ASEAN.

 

Binanggit niya na ngayong taon, ay inisa-isa niya ang mga prayoridad ng kanyang administrasyon sa lehislatura ng Pilipinas, upang matiyak at maging gabay ito sa pagbawi ng bansa mula sa pandemya.


Ilan dito, ayon kay Marcos, ay ang kanyang panawagan para sa paglikha ng Medical Reserve Corps at ang National Disease Prevention Management Authority, kasama na ang paglikha ng Virology Institute of the Philippines, upang makatiyak na ang bansa ay mas handa na harapin ang mga darating pang mga kagipitan sa pampublikong kalusugan.


Sinabi rin ni Pangulong Marcos na layon niyang itaas ang kakayahan at kakayanan ng ng pamahalaan ng Pilipinas sa platapormang digital, upang mapagaan ang mga proseso sa pamahalaan at makapaglingkod ng episyente, at nasa oras pagsisilbi sa mga mamamayan.


“Through the E-Governance Act, I aim to promote the use of the internet, intranet, and other Information and Communications Technology (ICT) platforms to provide opportunities for every Filipino in the education, labor, business, and other sectors,” pagbibigay-diin ni Marcos.

 

Ang mga panukalang ito ay kasama sa mga pinagtibay sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang bahagi ng Common Legislative Agenda (CLA).

 

Bilang Speaker ng Kapulungan, nangako si Romualdez pabibilisin ang pagpasa ng 20 panukala na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address, gayundin ang iba pang mga panukala na kasama sa CLA. #

wantta join us? sure, manure...

ANG TAHIMIK NA PAGSISIKAP NI PBBM AY NAGSISIMULA NANG MARAMDAMAN NANG MALAKIHAN – SPEAKER ROMUALDEZ

Sinabi ngayong Huwebes ni Speaker Martin G. Romualdez na, nagsisimula nang maramdaman ang mga pagsisikap ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na mabaligtad ang ekonomiyang pinabagsak ng pandemya, sa patunay na paglago ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa 7.6 porsyento sa third quarter, ang unang pagbawi ng ekonomiya ng kasalukuyang administrasyon. 


"President Marcos silent hard work on uplifting the economy is beginning to work. The economic expansion in the months of July to September 2022 is proof of that," ani Romualdez. 


"I myself witnessed how the President engaged business stakeholders here and abroad with the purpose of moving forward from ravages caused by the COVID-19 pandemic," ayon pa sa kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte. 


"Truly our mindset is now in the endemic phase in terms of our economic strategy. The House of Representatives will follow through with this emerging policy so we may build on this economic growth. The Chief Executive has indeed shown us the right direction," dagdag pa ng Pangulo ng Partido Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD). 


Iniulat ngayong Huwebes ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7.6 porsyento sa third quarter ng 2022 – ang unang full quarter ng administrasyong Marcos. Naupo lamang si Marcos sa Malacañang noong ika-30 ng Hunyo. 


Pinatotohanan ito ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, na tumutukoy sa mga palatandaan ng mabilis na paglago ng ekonomiya sa ilalim ng administrasyong Marcos. 


"OFW remittance figures also jumped in August, near the end of the quarter. Data from the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) showed cash remittances sent through banks stood at $2.72 billion in August, higher than the $2.60 billion a year earlier. The growth in remittances was the fastest since 4.4 percent in June," ayon kay Salceda. 


"There was also 24.79 percent year-on-year growth in tax collections in September, indicating that economic activity, the base of taxation, was getting stronger," pagbabangit ni Salceda, na isang miyembro ng Lakas-CMD. 


"The September jobs report also showed that the largest year-on-year jobs gainer was manufacturing, at 1.09 million more jobs. Manufacturing jobs growth tends to indicate positive macroeconomic fundamentals. In total, 4 million jobs were created year-on-year by September," ani Salceda. 


"Likewise, 1.5 million freelancers with foreign employers are not being accounted for in full in the national income accounts," dagdag pa niya. #

wantta join us? sure, manure...

PBBM SINAMAHAN NI SPEAKER SA PAKIKIPAGPULONG SA MGA CAMBOIDIAN BUSINESS LEADERS, NA NANGAKONG TUTULONG SA PILIPINAS NA MAKAHIKAYAT NG MGA DAYUHANG MAMUMUHUNAN PHNOM PENH, Cambodia

Sinamahan ngayong Huwebes ni Speaker Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ibang mga opisyal ng Pilipinas at mga negosyanteng Pilipino sa isang pagpupulong sa mga pinuno ng mga negosyante sa Cambodia.

 

“It is an honor to represent the entire House of Representatives in the meeting of President Bongbong Marcos with Cambodian business leaders,” ani Romualdez.

 

Ayon kay Romualdez, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay sumusuporta sa mga programa ng administrasyong Marcos, para makahikayat ng maraming foreign direct investments sa bansa, upang mapasigla ang ekonomiya at mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino.

 

“We would study needed refinements in our laws, regulations, and government policies so as to further attract foreign investments and create more jobs for Filipinos,” ani Romualdez.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga pinuno ng mga negosyanteng Cambodian, na bilang katunayan ng pinakahuling datos sa ekonomiya, ipinakikita na nagabayan ng kanyang adminstrasyon ang ekonomiya ng Pilipinas sa wastong landas, sa kabila ng mga pagsubok dulot ng mga panglabas na pwersa.


“It looks like the route that we have taken is taking the economy in the right direction,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na pagpupulong. 

 

Iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7.6 porsyento sa third quarter ng 2022, na mas mabilis sa 7.5 porsyentong pagpapalawig sa second quarter ng 2022, at ng 7.0 porsyentong antas ng paglago sa third quarter ng 2021.

 

Sa ulat kay Pangulong Marcos, sinabi ng NEDA na ang bansa ay nananatili sa kanyang landas na makamit ng pamahalaan ang paglago sa 6.5 hanggang 7.5 porsyento para sa 2022.

 

Ayon pa kay Romualdez, ang mga Cambodian business leaders ay lubos na interesado sa Pilipinas na nakapagpaunlad bilang isa sa mga pinapaborang destinasyon ng mga dayuhang mamumuhunan, dahil sa pag-unlad ng klima ng kalakalan sa Pilipinas.

 

Ang iba pang mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa pagpupulong ay kinabibilangan nina Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo, at Philippine Ambassador to Cambodia Maria Amelita Aquino.

 

Ang mga kumatawan naman sa mga negosyanteng Pilipino ay kinabibilangan nina Mr. Joey Concepcion, na siya ring chairman ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN BAC), Mr. George Barcelon (ASEAN BAC PH member), Felta Multi-Media Inc. CEO Mylene Abiva, Home Healthlink Innovations, Inc. CEO Shiela Marie Acosta, Esquire Financing CEO Rajan Uttamchandani, at CEO at President ng Philippine Blue Cross Biotech Corporation Benito Techico.

 

Nauna nang ipinahayag ng Malacañang na ang ilan sa mga prayoridad ni Pangulong Marcos sa kanyang byahe sa Cambodia at sa ASEAN Summits ay ang post-pandemic economic recovery at transformation.

 

Ang mga alalahaning ito ay kinabibilangan ng seguridad sa pagkain, seguridad sa enerhiya, digital transformation, ang digital economy, at iba pa. #

40th at 41st ASEAN SUMMITS ROMUALDEZ

Speaker Romualdez, aalamin kung ano pang mga batas ang kinakailangan upang higit na mapatatag ang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at ng mga bansang kasapi ng Asean...



Kabilang sa mga miyembro ng delegasyon ni Pang. Ferdinand "Bongbong " Marcos, Jr., na nagtungo sa Cambodia para dumalo sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits si House Speaker Martin Romualdez.


Ayon kay Speaker Romualdez, isang malaking karangalan aniya na maging kinatawan ng House of Representatives sa ginanap na pakikipagpulong ni Pang. Marcos sa mga Cambodian Business Leaders sa Poolhouse, Hyatt Regency Hotel sa Phnom Penh, Cambodia.


Pahayag ng House Speaker, tinitingnan ng mga negosyante sa Cambodia bilang paboritong destinasyon ng mga mamumuhunan ang Pilipinas dahil sa ating maganda at masiglang investment climate.


Bunsod nito, Aalamin din aniya kung ano pang mga batas at government policies ang kakailanganin upang maipagpatuloy ang mga investment na makukuha ng bansa sa kanilang pagdalo sa 2022 Asean Summit, nang sa gayu'y makalikha pa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

TANgGAL VAT SA KURYENTE

Iniutos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tingnan at pag-aralan ng Kamara ang posibilidad na tanggalan ng Value Added Tax o VAT sa ilang public utilities o serbisyo na binabayaran ng publiko, lalong-lalo na ang kuryente.


Ito ang kinumpirma ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, kasunod na rin ng pagbuhay muli ng Makabayan Bloc ng mga panukalang alisin ang 12% VAT sa “systems loss” ng kuryente, electric at water bills, pati sa toll fees.


Ani Salceda, ang kautusan ng presidente ay ipinarating sa pamamagitan ng intermediaries secretary noong Oktubre. Ito ay tugon na rin sa iba’t ibang isyu sa ekonomiya ng bansa, at para na rin sa “relief” o kaluwagan ng mga consumer.


Pagtitiyak ni Salceda, seryosong pinag-aaralan ng Ways and Means panel ng Kamara ang pag-alis ng VAT sa utilities, habang titingnan ang pagtaas ng “franchise tax” ng utility companies partikular sa tubig.


Punto naman ni Salceda, kailangang maging maingat at iwasan ang anumang “revenue negative action” o masamang epekto sa kita ng pamahalaan.


Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Salceda ukol sa kautusan ni Pang. Marcos, pero sinabi ang kongresista nagsumite na siya ng rekumendasyon sa Office of the President.


Sa oras din na maisalang ang mga Anti-VAT Bills sa Ways and Means committee, ay ilalahad din ang findings ng lupon.

MGA PANUKALANG BATAS NA NAGLALAYONG ISULONG ANG INDUSTRIYA NG NATURAL GAS SA BANSA, ITINALAGA NG KOMITE SA TWG

Lumikha ngayong Huwebes ang Komite ng Enerhiya sa Kapulungan ng mga Kinatawan,  na pinamumunuan ni Rep. Lord Allan Velasco (Lone District, Marinduque) ng isang technical working group (TWG), upang lubos na matalakay ang mga hakbang sa industriya ng natural gas. 


Sa kanyang pambungad na pananalita, sinabi ni Velasco na ang panukalang batas sa industriya ng natural gas ay isang priority measure ng Komite, at ng kasalukuyang pamunuan ng Kapulungan. 


Aniya, sa kanyang State of the Nation Address noong ika-25 ng Hulyo 2022, umapela si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kapulungan na isaalang-alang ito bilang prayoridad na panukala ng kanyang administrasyon. 


Sinabi ni Velasco na itinakda ng Komite ang pagpupulong, umaasa na maipapasa nila ang prayoridad na panukalang batas na ito, na magbibigay ng balangkas para sa pagpapaunlad ng industriya ng natural gas, sa paglipat nito mula sa isang umuusbong na industriya, tungo sa isang matatag na industriya, magsusulong ng isang mapagkumpitensyang natural gas market, at tukuyin ang mga responsibilidad ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sector, sa pagsulong ng pambansang layunin. 


Sinabi pa ni Velasco na noong ika-18 Kongreso, nakabuo ang Komite ng substitute bill sa House Bill 3031, ngunit dahil sa kakulangan ng oras, hindi na naisalang sa plenaryo ang Ulat ng Komite para sa nasabing substitute bill. 


Muling inihain ni Velasco ang nasabing substitute bill ngayong ika-19 na Kongreso bilang HB 29, ang parehong panukalang batas na inihain ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang HB 17. 


Binigyang-diin niya na ang pagpasa ng panukalang batas ay: 1) isusulong ang natural gas bilang isang ligtas, environment-friendly, mahusay, at cost-effective na pinagkukunan ng enerhiya; 2) lumikha ng mga kanais-nais na kondisyon upang magtatag ng industriya ng natural na gas, na nagsisilbi sa lahat ng bahagi ng populasyon ng bansa ng iba't ibang sektor ng ekonomiya; 3) ipakita ito bilang isang mapapakinabangan na makapag ambag sa grid security at ang pagtaas ng lokal na pangangailangan ng gasolina, at 4) upang isaalang-alang ang pag-unlad ng Pilipinas bilang isang liquefied natural gas trading at transshipment hub sa rehiyon ng Asia-Pacific. 


Nagsagawa ang Komite ng paunang talakayan sa walong panukalang batas, pito sa mga ito ay magtataguyod ng pag-unlad ng downstream natural gas industry ng Pilipinas. 


Ito ang HB 17 na pangunahing inakda ni Speaker Romualdez; HB 29 ni Velasco; HB 173 ni Caroline Tanchay (Party-list, SAGIP); HB 4097 ni Eric Go Yap (Lone District, Benguet); HB 4267 ni Gus Tambunting (2nd District, Parañaque City); HB 4615 ni Michael Romero (Party-list, 1-PACMAN); at HB 5811 ni Rep. Gerville Luistro (2nd District, Batangas). 


Samantala, ang HB 3015 ni Rep Joey Sarte Salceda (2nd District, Albay) ay magbibigay ng pambansang patakaran sa enerhiya at balangkas para sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng midstream natural industry sa Pilipinas. Ang Vice Chair ng Komite ng Energy na si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang hinirang na mamuno sa TWG.

MGA PANUKALANG BATAS NA VIP, CDC NA MAGPAPALAKAS NG KAKAYAHAN LABAN SA MGA HINDI INAASAHANG PANGYAYARI SA KALUSUGAN, LUSOT SA KOMITE

Inaprubahan ngayong Huwebes sa magkasanib na pagpupulong ng mga Komite sa Kalusugan na pinamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. at ng Komite sa Agham at Teknolohiya na pinamumunuan ni General Santos City Rep. Loreto Acharon sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ang panukalang “Virology Institute of the Philippines Act” o ang substitute bill sa House Bills 10, 47, 282, 308, 462, 528, 602, 1179, 1262, 1491, 1710, 1721, 1903, 2413, 2456, 2736, 2777, 2904, 2979, 3043, 3118, 3147, 3398, 3407, 3503, 3693, 3723, 4186, 4270, 4450 at 4862. 


Ayon kay Acharon, layon ng panukala na magsilbi bilang isang pangmatagalang solusyon sa pandemya, at iba pang mga paulit-ulit na problema na dulot ng mga virus, sa pamamagitan ng pagbibigay ng lugar para sa mga pag-unlad na pananaliksik hinggil sa mga virus at bakuna.  


Bilang isang kaakibat na ahensya sa ilalim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya, ang panukalang VIP ay magiging pangunahing institusyon ng pananaliksik at pag-unlad sa larangan ng virology, na sumasaklaw sa lahat ng uri ng mga virus at mga sakit na viral sa mga halaman, hayop, at tao. 


Sa isang hiwalay na pagpupulong ngayon araw, pinagtibay din ng Komite sa Kalusugan ang panukalang “Philippines Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act” o ang substitute bill sa HBs 9, 46, 159, 281, 359, 994, 1375, 1715, 2521, 2694, 2730, 2799, 2935, 2977, 3010, 3094, 3117, 3447, 3502, 3530, 3540, 3609, 3666, 4064, 4100, 4147 and 4778. Ipinabatid ni Gato na makakatulong ito na matiyak na mas handa ang bansa laban sa mga kagipitan sa kalusugan ng publiko.  


Binanggit din niya na ito ay bahagi ng prayoridad na adyenda sa lehislasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kapag nilagdaan bilang batas, ang CDC ay gagawin bilang isang kaakibat na ahensya sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), upang tugunan ang mga usapin hinggil sa pag-iwas at pagkontrol sa sakit, kabilang ang pagpapaunlad ng polisiya at pamantayan, pagpapaunlad ng kapasidad at teknikal na tulong, sektoral at lokal na pakikipag-ugnayan, at pagsubaybay. 


Ang mga panukala, kung saan kapwa kasama si Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang punong may-akda, ay naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa noong ika-18 Kongreso.

ANTI-VAT PACKAGE BILL

Binuhay ng Makabayan Bloc sa Kamara ang “Anti-VAT package bills” o mga panukalang tanggalin ang 12% Value Added Tax sa ilang mga serbisyo na binabayaran ng publiko.


Layon anila ng mga ito na matulungan ang ating mga kababayan sa gitna ng nagpapatuloy pa ring epekto ng pandemya ng COVID-19 at walang prenong “inflation” o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.


Kabilang sa inihain ng mga kongresista ng Makabayan ngayong 19th Congress ay ang:


- House Bill 5994 o panukalang tanggalin ang VAT sa “systems loss” sa kuryente


- House Bill 5995 o panukalang alisin ang VAT sa electricity bills


- House Bill 5996 o panukalang tanggalin ang VAT sa toll fees


- House Bill 5997 o panukalang alisin ang VAT sa water bills o singil sa serbisyo ng tubig


Ayon kay ACT Teachers PL Rep. France Castro, naniniwala sila sa Makabayan na ang mga nabanggit na panukala ay konkretong hakbang para mapagaan ang kalagayan ng mga Pilipinong mamimili at magpapababa sa kanilang mga bayarin.


Halimbawa ni Castro, kapag tinanggal ang 12% VAT sa kuryente sa P2,000 electric bill ng isang kostumer, aabot sa P240 ang matitipid.


Nauna nang inihain ng Bayanmuna Partylist ang mga nasabing Anti-VAT bills, pero bigong maging ganap na batas.


Pero giit ng Makabayan Bloc, kailangang aksyunan ng liderato ng Kamara ang mga House Bill na ito at ideklarang “urgent” ng Palasyo, dahil sa matinding hirap na dinaranas ng mga Pilipino.

MARINA EXTENSION OFFICE

Panukalang batas sa paglikha ng Marina extension office lusot na sa  House Committee on Transportation.



--- 


Inaprubahan ng House Committe on Transportation ang panukalang batas na lilikha ng MARINA extension offices. 


Sa isinagawang deliberasyon ng House Panel.. pasado sa Committe na magkaroon ng karagdagang Maritime industry  Authority o Marina offices sa Region II, III at MIMAROPA. 


Layon ng panukala na ilapIt sa mga tao partikular sa mga Filipino seafarers ang serbisyo ng ahensya. 


Ayon kay House Deputy Majority leader at MARINO Partylist Rep. Sandro Gonzales..marami sa mga pinoy seafarers ang nahihirapan sa pagproceso ng kanilang mga dokumento  kaya naisipan niya na tulungan ang mga ito na  makatipid sa transportasyon at oras. 


Mahalaga  anya na maramdaman nila ang tulong ng pamahalaan. 


Ilan sa mga tinukoy na lugar na dapat magkaroon ng field office ng ahensya ay ang  Ilagan City sa Isabela, Balanga City,  Bataan, at Puerto Princesa City, sa   Palawan.

BAYAD UTANG NG NPC

Sa kaniyang privilege speech, nanawagan si House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza sa mga kasamahang mambabatas, na ipatupad ang kanilang oversight power, upang siyasatin ang paggamit sa pondo ng National Power Corporation (NPC) para sa Small Power Utility Group (SPUG).


Ito’y bunsod na rin ng hindi pa rin nababayarang utang ng NPC sa mga SPUG na posible aniyang magresulta sa power crisis.


Kung hindi aniya maisasa-ayos ng NPC ang nasa P1 billion unpaid obligations nito sa fuel suppliers para mapatakbo ang SPUGs ay mawawalan ng kuryente ang Missionary Electrification areas na sineserbisyuhan nito sa 34 na probinsya.


“These ‘missionary areas’ under the responsibility of SPUG gencos can be found in 34 

Provinces. If the power plants servicing these areas are not provided with a 

steady, reliable supply of diesel fuel, then approximately 900,000 Filipino households may be 

plunged into total darkness by July,” babala ni Daza.


Una nang inapela ng NPC ang anila’y tapyas sa kanilang hinihinging pondo sa susunod na taon.


Pero ayon Department og Budget and Management hindi binawasan ang Corporate Operating Budget ng NPC bagkus ay nadagdagan pa.


Bunsod nito nais malaman ni Daza ang detalyadong breakdown ng kinakailangang pondo ng NPC para sa mga SPUG genco at tiyakin na ito ay magagamit ng tama.


“This representation believes that to move forward, we must request the NPC for a detailed breakdown of their SPUG genco funding requirements and transactions. This representation believes that as the People’s House, it is our imperative to urgently look into this matter, and ascertain that the budget allocated to the sound operation of SPUGs, and power plants and barges nationwide are appropriate and well utilized. I encourage my fellow representatives to exercise our Constitutional powers of oversight so that we may, through investigation or remedial legislation, shed the necessary light on this issue.” ani Daza.

DEPLOYMENT NG MHA LOCAL POLICE

Mga Alkade ng lungsod.. dapat nang magdeploy ng local police sa mga venues gaya ng Basketball events upang matiyak ang seguridad at crowd control ayon sa Manila Solon. 


---- 


Nanawagan si Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa mga alkalde ng lungsod na  atasan ang kanilang local police na magdeploy ng PNP personnel sa mga events place gaya ng mga basketball events. 


Ginawa ni Chua ang pahayag matapos ang nangyaring pagwawala at pananakit ni JRU basketball player John  Amores sa  NCAA game kamakailan. 


Ayon sa mambabatas importante na may pulis sa mga kaganapan na ganito upang matiyak ang crowd control at asistihan ang mga private security personnel sa lugar. 


Samantala.. naniniwala naman ang mambabatas na dapat ay  inaresto agad  ng kapulisan si Amores dahil umano maituturing na isang krimen ang kanyang nagawa. 


Anya dapat ay magsagawa agad ng imbestigasyon ang San Juan City PNP dahil hindi lamang isa ang sinaktan nitong player ng College of St. Benilde. 

MAMBABATAS, NANAWAGAN NG IMBESTIGASYON UPANG MATIYAK ANG SUPLAY NG KURYENTE

Sa kaniyang privilege speech ngayong Miyerkules, nanawagan si House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Ruiz Daza sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na gampanan ang kanilang kapangyarihan sa oversight, upang siyasatin ang mga rekisitos sa pondo ng National Power Corporation's (NPC) Small Power Utility Group (SPUG). 


Hinimok niya ang mga kapwa mambabatas na tiyakin na ang kanilang pondo ay nagagasta ng wasto. 


Iginiit ni Daza na ang kakulangan sa enerhiya ay nagdudulot sa mga mag-aaral, mga kawani, ang mga oportunidad sa ekonomiya, at ang modernong kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino ay naisasantabi. 


“It is with these matters that we must truly exercise unity, and ensure that the lights stay on in every Filipino household,” aniya.

MGA PANUKALANG NAGTATATAG NG MGA PROGRAMA SA RESETTLEMENT AT PAGDEDEKLARA NG NAT’L HIJAB DAY, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA

Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ngayong Miyerkules sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ang House Bill 5, na naglalayong magtatag ng on-site, in-city, near-city, o off-city ng programang resettlement ng lokal na pamahalaan para sa mga informal settlers alinsunod sa people’s plan. 


Ang panukala ay pangunahing iniakda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasama sina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, na naglalayong paunlarin ang mga informal settlements sa pagiging lugar ng kahirapan, social exclusion, hindi ligtas na pabahay, at kulang sa kaunlaran, tungo sa isang komunidad na may pinaunlad na pisikal na pamumuhay at magandang kalidad ng buhay. 


Gayundin, inaprubahan ng mga mambabatas sa ikalawang pagbasa ang HB 5693, na nagdedeklara ng ika-1 ng Pebrero ng bawat taon bilang National Hijab Day. 


Sa ilalim ng panukala, ang mga institusyong pamahalaan, pribadong sektor, at mga paaralan ay hihimukin na gunitain ang okasyon sa pamamaraang magsusulong ng pag-unawa at kamalayan sa pagitan ng kanilang mga kawani at mga mag-aaral hinggil sa relihiyon ng mga Muslim at tradisyong kultural ng pagsusuot ng hijab. 


Ang hybrid na sesyon sa plenaryo ay pinangunahan nina Deputy Speakers Isidro Ungab, Aurelio Gonzales, at Kristine Singson-Meehan.

MGA MAG-AARAL SA HIGH SCHOOL NA MAY KAKULANGAN SA PAGKAIN, ISASAMA SA NATIONAL FEEDING PROGRAM, AYON SA ISANG SUBSTITUTE BILL

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Basic Education at Culture ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang paggawa ng substitute bill, para sa mga panukalang naglalayong palawakin ang National Feeding Program, para isama ang mga mag-aaral na kulang sa nutrisyon na nasa high school. Ito ay ang House Bill 2243 na inihain ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, HB 4468 ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr., at HB 1137 ni Isabela Rep. Faustino 'Inno' Dy V. Layon ng mga panukala nina Quimbo at Dionisio na palawigin ang National Feeding Programa para sa mga batang kulang sa nutrisyon, sa mga paaralang sekondarya at aamyendahan ang Republic Act 11037, o ang Masustansyang Pagkain Para Sa Batang Pilipino Act. 


Samantala, ang panukalang batas ni Dy ay ipag-uutos ang pagbili mula sa mga maliliit na prodyuser, sa pagpapatupad ng National Feeding Program, na nagsususog din para sa layuning ito ng RA 11037. 


Sinabi ni Quimbo na ang NFP ay kasalukuyang sumasaklaw sa mga batang 12 taong gulang pababa, o hanggang Grade 6 na mga mag-aaral lamang. Samantala, inaprubahan ng Komite ang pagsasama-sama ng HB 3388, na inihain ni Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, kasama ang naunang naipasa na Substitute Bill sa Public Schools of the Future in Technology Act. 


Inaprubahan din ng Komite ang mga lokal na panukalang batas, tulad ng: 1) HB 974, na nagtatatag sa Baguio City High School for the Arts, na inihain ni Baguio City Rep. Mark Go, at 2) HB 4516, na naghihiwalay sa Lapuyan National High School–Karpok Extension sa Barangay Karpok, Munisipalidad ng Lapuyan, Lalawigan ng Zamboanga del Sur mula sa Lapuyan National High School, ginawa ito bilang malayang pambansang mataas na paaralan, ni Zamboanga del Sur Rep. Jeyzel Victoria Yu.

VAT SA DIGITAL TRANSACTIONS

Panukalang patawan ng VAT ang digital transactions at subscriptions sa mga online streaming services, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara...


Binuksan sa regular session ng kamara ang usapin kaugnay sa House Bill No. 4122 o ang Act Imposing Value-Added Tax on Digital Transactions in the Philippines. 

Ayon kay San Jose Del Monte City Bulacan Lone District Rep. Rida Robes, natalakay dito ang ilan sa kanyang mga proposed amendment kaugnay sa isunusulong na House Bill No. 4122 na agad naman aniyang inaprubahan ng mababang kapulungan kongreso.

Pumasa sa 2nd reading ang panukalang patawan ng value-added tax (VAT) ang digital transactions kabilang na ang subscriptions sa mga online streaming services sa pamamagitan ng voice voting sa plenary session ng kamara.

Layon ng panukala na mangolekta ng VAT mula sa mga non-resident digital service providers (DSP) at mga local digital service provider, na kinabibilangan ng mga content creator na tumatanggap ng mahigit sa tatlong milyong pisong kita kada taon.

Nakasaad din sa panukala sakaling maisabatas, maaring pumalo sa P12B ang annual additional income ng gobyerno.

Gayunman una nang nagpahayag ng pagkabahala hinggil dito ang ilang mambabatas dahil sa kailangang taasan ang vat na sinisingil sa mga kumpanyang kabilang sa non-resident digital service providers, na kalaunay babawiin rin nila sa kanilang mga consumer sa pamamagitan ng pagtataas ng singil sa kanilang ibinibigay na serbisyo.

PANUKALA NA NAGSUSULONG NG MGA KAPAKANAN NG MGA PILIPINONG MANGGAGAWA, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA

Ipinasa ngayong Miyerkules sa ikalawang pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Bill 227, na naglalayong magpatupad ng mga polisiya para sa proteksyon at kapakanan ng mga caregivers sa bansa sa pagganap ng kanilang propesyon. 


Kapag naisabatas, gagawing rekisitos ang pagkakaroon ng kontrata sa trabaho, sa pagitan ng caregiver at ng employer bago makapagsimula ng trabaho. Isasaad sa kontrata ang mga kundisyon tulad ng sweldo, tungkulin at responsibilidad, panahon ng employment, kabilang na ang mga kadahilanan sa pagtatapos ng isang kontrata. Ang HB 924, o ang panukalang “Barangay Skilled Workers Registry Act”, ay pasado rin ngayon sa ikalawang pagbasa. 


Sa pamamagitan ng panukala, ang bawat barangay ay imamandato na lumikha at isapubliko ang pagrerehistro, na magsisilbing database para sa lahat ng skilled workers, na boluntaryong magpaparehistro at nagnanais na isapubliko ang kanilang serbisyo sa kanilang lokalidad. Ang rehistrasyon ay libre at walang bayad. 


Samantala, ipinasa ng mga mambabatas sa ikalawang pagbasa ang HB 1509, na nagdedeklara sa Lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan bilang human resource capital. Layon nitong isulong ang paglago ng ekonomiya ng lungsod, at ang kabutihan ng kanilang mamamayan. 


Sa ilalim ng panukala, aatasan ang Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, kasama ang Department of Trade and Industry, sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod, na magbalangkas ng mga polisiya at magpatupad ng mga programa para sa pagpapalakas ng human resources ng lungsod. 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Isidro Ungab, Aurelio Gonzales, at Kristine Singson-Meehan ang hybrid na sesyon sa plenaryo.