Tuesday, July 18, 2023

MAGANDANG PERFORMANCE NG PAGCOR KAYSA SA KONTROBERSIYAL NA BAGONG LOGO NITO ANG MAS MATIMBANG KAY REP. SALCEDA

Mas mahalaga para kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda ang magandang performance ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kaysa sa kontrobersyal na bagong logo nito.


Sinabi ni Salceda na hindi siya eksperto pagdating sa creatives kaya wala siyang nakikitang problema basta’t matiyak na above board at compliant ang procurement process para sa bagong logo.


Para sa kanya, kahanga-hanga ang performance ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco.


Pangumahing pinuri ni Salceda ang 50.59% na pagtaas sa income ng PAGCOR sa unang quarter ng kasalukuyang taon.


Bunsod nito ay tiwala si Salceda na makakamit ng PAGCOR ang target nitong Gross Gaming Revenue na 224.8 billion pesos ngayong 2023.


Binanggit din ni Salceda ang pakikipagnegosasyon ni Tengco para mapataas ang parte ng gobyerno sa kita mula sa slot machine terminals.


Ikinatuwa din ni Salceda na tinatrabaho rin ni Tengco ang paglilinis sa assets at financials ng PAGCOR para sa posibleng pagsasapribado nito.

####wantta join us? sure, manure...