Tuesday, October 24, 2023

Kamara binalaan ang mga miembro at empleyado nito laban sa paggamit ng artificial intelligence o AI generators..


… 


Pinayuhan ng Kamara ang mga miembro at empleyado nito na itigil ang paggamit ng artificial intelligence o AI image generator applications dahil sa posibleng security risks.


Ito ang nakasaad sa memorandum na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco dalawalang linggo matapos mabiktima ng hacking ang website ng Kamara na congressdotgovdotph


Sa AI image generator applications, nirerequire ang pagsusumite ng litrato para makalikha ng imahe na gagaya sa itsura at galaw ng aktuwal na tao.


Ayon kay Velasco, ang naturang application ay posibleng mapanganib dahil pwedeng gamitin sa paglikha ng fake profiles, identity theft at iba pang malicious cyber activities.


Matatandaan, October 15 nang ma-hack ang website ng House of Representatives.


Sinundan ito ng hacking sa website ng Defense Department noong October 20 kaya ipinagbawal din sa kanilang mga empleyado ang paggamit ng AI image generator applications. wantta join us? sure, manure...

Isang memorandum ang inilabas ng House Secretary General na nagbababala sa miyembro at empleyado ng House of Representatives kaugnay sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) Image Generator applications.


Ipinunto ng House Secretary General na posibleng may banta sa seguridad at privacy ang paggamit ng naturang mga application.


Ang mga gumagamit ng AI application ay pinagsusumite ng litrato upang lumikha ng imahe na katulad ng itsura at galaw ng totoong tao.


Kaya naman mas lantad umano ito sa identity theft.


“This application poses privacy and security risks for anyone due to the possible creation of fake profiles, identity theft, and other malicious cyber activities,” sabi ng memorandum.


Hinikayat din ang mga House members at employees na maging maingat sa pag-download ng mga kahalintulad na application o sa pagbabahagi ng impormasyon online.


#wantta join us? sure, manure...

Nais ni Las Piñas Rep. Camille Villar  na magkaroon ng dental units sa 2,597 rural health unit sa buong Pilipinas 


Ito ang nakasaad sa nakabinbing House bill 9343 ng mambabatas  upang mahikayat ang publiko na ipakonsulta sa mga dentista ang kanilang mga ngipin o gums 


Ayon kay Villar ang dental health problems kasi ay may epekto rin sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino  maging sa imahe ng isang tao at tiwala nito sa kanyang sarili


Bukod pa rito  tuwing nakararanas aniya ng  dental disease  ang isang indibidwal madalas na hindi ito nakapapasok sa paaralan o trabaho 


Pinunto rin ng kongresista ang datos mula sa Department of Health o DOH na nagpapakita na  maraming mga bata at matatanda ang may dental health problems gaya ng pagkabulok ng ngipin at gum disease


Maituturing din ani Villar na silent epidemic ang naturang sakit gayong batay sa 2018 National Survey on Oral Health 72% ng mga Pilipino ang may dental caries o yung may cavity sa ngipin at  43% naman ang may gum disease


Oras na maisabatas ang panukala , bubuuin ang naturang unit ng mga pampublikong  dentista at barangay health workers  na siyang magsisilbing dental aide .


Magiging bahagi na rin ito ng  Primary Health Care Approach ng gobyerno sa ilalim ng DOH na popondohan sa ilalim ng taunang pambansang budget wantta join us? sure, manure...

Panukalang bawasan ang buwis na ipinapataw sa taya at panalo sa lotto, tatalakayin na plenaryo ng Kamara…




Isinumite na ng House Committee on Ways and Means sa plenaryo ang report nito sa panukala na bawasan ang buwis na ipinapataw sa taya at panalo sa lotto.


Ayon kay Congressman Joey Salceda, chairman ng komite, sa ilalim ng House Bill 9277, ang final tax rate para sa Philippine Charity Sweepstakes Office at panalo sa lotto ay papatawan ng 10 pecent mula sa kasalukuyang 20 percent.


Mananatili namang exempted sa buwis ang mga panalo sa lotto na hindi lalagpas sa P10,000.


Babawasan din ang documentary stamp tax sa tiket ng PCSO lotto at taya sa karera ng kabayo at gagawing 10 percent mula sa 20 percent.


Sa ilalim ng panukala, ang 1 percent stock transaction tax ay ibababa sa 6 over 10 mula sa kasalukuyang 1 over 10.


Nasa bill din na ibaba ang dividends tax rate para sa non-resident aliens mula 25 percent ay gagawin na lamang 10 percent.


Kapag naisabatas, aamyendahan ng House bill 9277 ang National Internal Revenue Code of 1997 na dati ng inamyendahan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE law. wantta join us? sure, manure...

DATING KAWANI NG LTFRB, PINATAWAN NG CONTEMPT NG KOMITE NG TRANSPORTASYON NG KAPULUNGAN

 

Pinatawan ng contempt ng Komite ng Transportasyon ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, si G. Jeffrey Tumbado sa motu proprio nitong pagdinig ngayong Lunes, sa umano'y anomalya at iregularidad sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). 


Ipinag-utos siyang ikulong ng 10 araw sa loob ng Kapulungan. 


Nagmosyon si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na i-contempt si Mr. Tumbado dahil sa kawalan ng respeto nito sa pagdinig ng Komite, na nakahadlang sa kanila upang matiyak kung totoong may mga iregularidad sa LTFRB. 


“We cannot rely on the answers of this witness or this resource person Mr. Chair, there were several questions asked, and I was here and was earnestly listening to the answers. I hoped we were able to get something from him but we failed to do that," ani Rep. Marcoleta. 


May ilang linggo na ang nakalilipas, ng naglabas ng mga alegasyon ng mga anomalya at iregularidad si G. Tumbado, dating kawani ng LTFRB, kabilang ang panunuhol, "routes for sale," at ang pagbibigay ng pagkiling sa mga papeles ng prangkisa at mga espesyal na permit. 


Gayunman, hindi siya nakapagprisinta ng ebidensya at patunayan ang kanyang mga alegasyon, lalo na laban kay suspendidong LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III habang nasa pagdinig, na ikinainis ng ilang mambabatas. 


Humingi ng paumanhin si G. Tumbado kina Atty. Guadiz at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa pagsangkot sa kanila sa umano'y katiwalian sa loob ng LTFRB. 


Aniya, ang mga nauna niyang alegasyon laban kay Atty. Guadiz ay dahil sa sama ng loob, hindi pagkakaunawaan at kawalan ng kakayahan na gumawa ng tamang desisyon.  


Gayunpaman, naninindigan siya na nananatili ang korapsyon at iregularidad sa LTFRB. Iginiit naman ni G. Tumbado ang kanyang karapatan laban sa self-incrimination sa pagtatanong ni Rep. Acop, at lantarang umamin na ang kanyang mga sagot ay maaaring direktang magsangkot sa kanya sa mga alegasyon niya laban sa LTFRB. 


"You are equally guilty kung meron mang guilty sa LTFRB. Nandoon ka na e, kasama ka, sumama lang ang loob mo," pagtatapos ni Rep. Acop. Ipinagtapat pa ni G. Tumbado na "spliced" ang mga ebidensya na iniharap niya na nagpapakita ng pag-uusap nila ni Atty. Guadiz. 


Sa kabilang banda, ipinahayag ni Atty. Guadiz na tinitingnan din niya ang paghahain ng mga posibleng kaso laban kay G. Tumbado dahil sa kanyang mga alegasyon. 


Nagdaos ng pribadong pulong ang Komite upang malayang maihayag ni G. Tumbado ang pagkakakilanlan ng mga indibiduwal na posibleng sangkot sa katiwalian sa loob ng LTFRB. wantta join us? sure, manure...

Tuloy-tuloy na bloodless war on drugs in PBBM magreresulta sa maraming pagkumpiska, pag-aresto



Walang pag-aalinlangan ang isang matataas na opisyal ng Kamara de Representantes na ang anti-drug operations ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay mas magiging matagumpay sa pinaigting na operasyon ng mga otoridad subalit mas konti ang inaasahang mamamatay.


“The 52 percent significant drop in the number of fatalities, as reported by PDEA (Philippine Drug Enforcement Authority) is really a welcome development. For several years, we have been the subject of human rights abuses in this part of the world,” ani Antipolo City 2nd District Rep. Romeo M. Acop, vice chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.


Inatasan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kongresista mula sa Antipolo, na isang retiradong police general, na tulungan si Barbers at Sta. Rosa City Lone District (Laguna) Rep. Dan Fernandez, ang chairperson ng House Committee on Public Order and Safety, sa pagtalakay sa mga isyu na mayroong kinalaman sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.


“We need to craft legislation that would further improve the Philippine National Police’s as well as their other counterparts’ abilities to address effectively – with zero casualty in mind – in going after the drug lords, with the hope of reducing, if not totally eradicating, this menace,” dagdag pa ni Acop, na vice chairperson din ng komite ni Fernandez.


Si Acop ang chairman ng House Committee on Transportation.


Nauna rito ay iniulat ng PDEA na bumaba ng 52 porsyento ang bilang ng mga namatay sa anti-illegal drugs operations. Bumaba ang bilang ng mga nasawi sa 19 mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 2023 mula sa 40 mula 2020 hanggang 2021.


Mayorya ng miyembro ng Kamara ang nagpahayag ng pagsuporta sa “bloodless anti-drug campaign” ng administrasyon kung saan umabot na sa P30 bilyon ang nasabit na ipinagbabawal na gamot mula ng magsimula ang termino ni Pang. Marcos.


“This amount can most definitely finance the elections and victory of drug lords in our political arena,” sabi ni Barbers.


“It’s a bloodless war. It shows that we can slay the dragon that is the drug menace without lives' being lost. Violence, if it can be avoided by our law enforcers in the pursuit of suspects, can result to less anger, resentment, desire for vengeance from our people and will likewise negate attention and condemnation from international watchdog groups,” dagdag pa nito. 


Ang kabuuang halaga at bilang ng nasamsam ng pamahalaan ay mula sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at Philippine National Police’s Drug Enforcement Group.


Kasama sa 4.4 tonelada ng ipinagbabawal na gamot na nakumpiska ang 200 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat, Pampanga noong Agosto; 560 kilo sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga noong Setyembre, at 323 kilo na naharang sa Manila International Container Port sa Maynila noong Oktobre 4.


Kasama rin sa mga nasamsam na iligal na droga ang halos tatlong toneladang pinatuyong dahon ng marijuana.


Pinapurihan ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. (Pampanga) ang mga ahensya ng gobyerno sa kanilang matagumpay na mga operasyon. Siya ay kabilang sa mga kongresista na sumaksi sa pagsira ng PDEA sa mga ipinagbabawal na gamot noong nakaraang linggo sa Cavite.


Itinulak ni Gonzales ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara matapos itong magpahayag ng pagkabahala dahil sa kanyang distrito umano idinaraan ang ipinagbabawal na gamot.


“Our inquiry is in consonance with the bloodless anti-drug campaign of President Marcos which has so far netted a whopping 4.4 tons of shabu worth P30 billion since the Chief Executive started his six-year term on July 1 last year (2022),” aniya.


Suportado rin ni House Deputy Majority Leader Janette Garin, kinatawan ng Iloilo ang bloodless war on drugs ng gobyerno.


Sinabi ni Garin na sa nakaraang 16 na buwan ng pamumuno ni Pan. Marcos,  4.4 tonelada ng shabu na may street value na hindi baba sa P30 bilyon ang nakumpiska.


“That's 4,400 kilos of illegal drugs no longer on our streets. This means P30 billion is no longer feeding the coffers of drug peddlers, traffickers, and kingpins. Instead, this money is put to other uses, possibly in more productive endeavors like feeding families and attending to other family needs,” ani Garin na isang doktor at dating Health Secretary.


#wantta join us? sure, manure...