200k trabaho bubuksan para sa mga Pinoy sa Saudi patunay sa magandang hangarin ni PBBM -- Speaker Romualdez
Patunay sa pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kapakanan at kabuhayan ng mga Pilipino ang mga ginawa nito upang mabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa Saudi Arabia ang may 200,000 manggagawang Pilipino.
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos na malagdaan ang apat na kasunduan sa pagitan ng mga kompanya na nakabase sa Pilipinas at Saudi na magbibigay ng oportunidad sa daan-libong manggagawa para makapag-trabaho at punan ang demand sa Saudi salig sa Saudi Vision 2030.
“The successful visit of President Marcos to Saudi is a solid testament to the dedication of his administration in ensuring the well-being and improving the lot of Filipino workers, through enhancement of the long-standing friendship and diplomatic ties between the two nations,” sabi ni Speaker Romualdez
“This visit reaffirms the commitment of our government to support and protect the rights and welfare of our overseas Filipino workers (OFWs), who have played a pivotal role in enhancing the lives of their families and the entire nation,” dagdag pa nito.
Sabi pa ni Romualdez, na lider ng 300 mambabatas ng Kamara de Representantes, sinabi ni Pang. Marcos Jr. sa Filipino community sa Saudi Arabia na nagkaroon ng high-level discussion ang pamahalaan kasama ang mga opisyal ng Saudi patungkol sa seguridad sa trabaho at pagsiguro sa kaligtasan at pagkakaroon ng maayos na working condition ng ating mga OFW sa KSA.
“At ‘yan po ang naging bahagi sa ating pagpunta rito ay para kausapin ulit ang ating mga kaibigan dito sa Saudi Arabia. At hindi lamang sa Saudi Arabia, kung hindi dito sa Middle East upang tiyakin na ang kalagayan naman ng ating mga mamamayan, ng ating mga Pilipino ay nasa mabuti. At kung may problema man ay pinag-usapan natin at kaya po nating ayusin,” sabi ng Pang. Marcos Jr.
Sa apat na kasunduan, ang pinakamalaki sa naturang kasunduan ay ang US $3.765 bilyon sa pagitan ng Al-Jeer Human Resources Company (ARCO) at Association of Philippine Licensed Agencies for the Kingdom of Saudi Arabia para sa human resource services.
Inaasahang magreresulta ito sa 200,000 na trabaho para punan ang pangangailangan sa KSA salig sa kanilang Vision 2030.
Nilagdaan din ang kasunduan sa pagitan ng Al Rushaid Petroleum Investment Company & Samsung Engineering NEC Co. Ltd., at ang Filipino firm na EEI Corporation na nagkakahalaga ng US $120 milyon para sa pagtatayo ng isang 500-person training facility sa Tanza, Cavite, Philippines.
Layon nito na linangin ang kasanayan ng mga Pilipino sa masonry, carpentry, electrical, welding, equipment management, warehousing, steel fabrication, at iba pang kakayanan sa konstruksyon kung saan sasanayin ang paunang 2,000 indibidwal sa 2024 at kabuuang 15,000 sa susunod na limang taon.
Dalawang kasunduan din ang nilagdaan sa pagitan ng Maharah Human Resources Company ng Saudi at kumpanyang Staffhouse International Resources Corporation sa Pilipinas at E-GMP International Corporation, na kapwa nagkakahalaga ng US $191 milyon.
Kapwa magbubukas naman ito ng trabaho sa may 10,000 Pilipinong manggagawa kada taon hanggang 2030. (END) wantta join us? sure, manure...
MAHIGIT 200 LIBONG TRABAHO SA SAUDI PARA SA MGA PINOY, BUBUKSAN AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ
MAHIGIT NA 200,000 OPORTUNIDAD SA TRABAHO BINUKSAN SA SAUDI, ISANG MATIBAY NA KATIBAYAN NG PANGAKO NI PBBM NA MAISULONG ANG KAPAKANAN AT IANGAT ANG KABUHAYAN NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO – SPEAKER ROMUALDEZ
Sinabi ngayong araw ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tinatayang 220,000 oportunidad sa trabaho ang bubuksan ng Saudi Arabia matapos na bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na isang matibay na katibayan ng pangako ng administrasyon na maisulong ang kapakanan at iangat ang kabuhayan ng mga manggagawang Pilipino.
Binanggit ni Romualdez ang apat na makasaysayang kasunduan sa pagitan ng Saudi at mga Pilipinong kompanya na nilagdaan sa pagbisita ni Pangulong Marcos, Jr. na nagbukas ng mga oportunidad sa trabaho sa daan-daang libo nating manggagawa, upang mapunan ang lumalagong pangangailangan ng mga trabahador sa kaharian, alinsunod sa Saudi Vision 2030.
Kinabibilangan ng Saudi Vision 2030, at iba pa, ang non-oil diversification sa kanilang ekonomiya, kaunlaran sa imprastraktura, pagsusulong ng digitalisasyon, at paglikha ng mga kompetisyon sa negosyo.
“The successful visit of President Marcos to Saudi is a solid testament to the dedication of his administration in ensuring the well-being and improving the lot of Filipino workers, through enhancement of the long-standing friendship and diplomatic ties between the two nations,” ayon kay Speaker Romualdez.
“This visit reaffirms the commitment of our government to support and protect the rights and welfare of our overseas Filipino workers (OFWs), who have played a pivotal role in enhancing the lives of their families and the entire nation,” dagdag niya.
Binanggit ni Romualdez, pinuno ng mahigit na 300-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa kanyang mensahe sa komunidad ng mga Pilipino sa Saudi Arabia, na binigyang-diin ni Pangulong Marcos, Jr. na ang kanyang pakikipagpulong sa mga matataas na opisyal ng Saudi ay kinabibilangan ng mga usapin sa mas maayos na seguridad sa trabaho, at mas maayos na kondisyon sa pagtatrabaho ng mga OFWs sa kaharian.
“At ‘yan po ang naging bahagi sa ating pagpunta rito ay para kausapin ulit ang ating mga kaibigan dito sa Saudi Arabia. At hindi lamang sa Saudi Arabia, kung hindi dito sa Middle East upang tiyakin na ang kalagayan naman ng ating mga mamamayan, ng ating mga Pilipino ay nasa mabuti. At kung may problema man ay pinag-usapan natin at kaya po nating ayusin,” ani Pangulong Marcos, Jr.
Nangunguna sa apat na kasunduan ay ang US $3.765-bilyon na kasunduan sa pagitan ng Al-Jeer Human Resources Company (ARCO) at ng Association of Philippine Licensed Agencies for the Kingdom of Saudi Arabia, upang makipagkasundo sa pamamagitan ng pamuhunan na magbibigay ng trabaho sa mga manggagawang Pilipino sa kaharian.
Inaasahan na ang kasunduan ay makakalikha ng mahigit na 200,000 trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng merkado, alinsunod sa Vision 2030 ng kaharian.
Nilagdaan rin sa naturang okasyon ang kasunduan sa pagitan ng Al Rushaid Petroleum Investment Company & Samsung Engineering NEC Co. Ltd., at sa kabilang dako ay ang Filipino firm EEI Corporation na nagkakahalaga ng US $120-milyon para sa pagtatatag ng 500-katao na pasilidad sa pagsasanay na nasa Tanza, Cavite.
Layunin din na palakasin ang kahusayan ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang labor skills sa pagmamason, pagkakarpentero, kasanayan sa kureyente, pagwewelding, pamamahala ng mga kagamitan, pangangasiwa ng mga bodega, steel fabrication, at iba pang mga may-kaugnayang kasanayan sa konstruksyon, at layon nitong sanayin ang may 2,000 Pilipino simula sa 2024, at mahigit sa 15,000 sa susunod na limang taon.
Nilagdaan rin ang dalawang hiwalay na kasunduan sa pagitan ng Maharah Human Resources Company of Saudi at mga kompanyang Pilipino na Staffhouse International Resources Corporation at E-GMP International Corporation, na bawat isa ay tinatayang nagkakahalaga ng US $191-milyon.
Ang parehong kasunduan ay naglalayong ipadala ang may 10,000 manggagawang Pilipino kada sa taon sa kaharian hanggang 2030. #