PAMAMAHALA NG NCMF SA MGA HAJJ PILGRIM, INIREKOMENDANG IPASA NA SA PRIBADONG SEKTOR
Iminungkahi ni Deputy Minority Leader Mujiv Hataman sa pamahalaan na ipahawak na lamang sa pribadong sektor ang pamamahala sa hajj pilgrims o yung mga Pilipinong Muslim na nagsasagawa ng taunang pilgrimage sa holy city ng Mecca sa Saudi Arabia
Sinabi ni Hataman ito au dahil sa taon taon na lamang, daan daan kung hindi man libo-libong Pilipinong Muslim ang stranded o dumadaan sa matinding paghihirap sa kanilang pagganap ng Hajj dahil sa hindi maayos na serbisyo ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF
Kaya baka panahon na aniyang ikonsiderang pahawakan na lang ito sa pribadong sektor
Iginiit ni Hataman na ang nasabing pilgrimage ay isa sa mga sagradong haligi ng pananampalatayang Islam na pinag-iipunan ng mga kababayan nating Muslim dahil napakapalad nila pag nagawa nila ito nang minsan sa kanilang buhay.
Ngunit sa kabila ng isa sanang makabuluhang karanasan, hirap ang dinaranas ng mga ito
Gaya na lamang aniya ng walang matuluyan, walang makain at walang tulong na natatanggap na naranasan napakaraming na-stranded na Pilipino Muslim pilgrims sa mga paliparan sa Maynila at sa Saudi mismo
Nabatid na isinusulong ni Hataman ang
House Bill No. 9096 o “The NCMF Reform Act of 2023 upang amyendahan ang Republic Act No. 9997 para maalis ang pamamahala ng NCMF at ipasa sa pribadong sektor ang administrasyon