Friday, March 01, 2024

2 MARCH 2024 SCRIPT

2 MARCH 2024 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Ilocano - naimbag na bigat

Hiligaynon - maayo nga aga

Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaoan - mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER SI FRANCEL MARGARETH PADILLA AT ANG KANYANG DEPUTY GROUP COMMANDER NA SI MAJ MARK ANTHONY G CARDINOZA  / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ૮Ꮛ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ

wantta join us? sure, manure...

rye Mga Pinoy di na kailangang magtrabaho abroad kapag mga dayuhang mamumuhunan pumasok sa pagluwag ng Konstitusyon


Hindi na umano kakailanganin pang mangibang bansa ng mga Pilipino para makapagtrabaho kung ang mga dayuhang mamumuhunan na ang papasok sa Pilipinas sa pagluwag ng limitasyong nakasaad sa 1987 Constitution.


Ito ang sinabi ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Orion Dumdum na isa sa mga resource person na inimbitahan sa pagtalakay ng Resolution of Both Houses No. 7 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.


Pero kung si Dumdum ang tatanungin, sa halip na lagyan ng “unless otherwise provided by law” ang mga piling probisyon ay makabubuti kung tuluyan na lamang tatanggalin ang mga ito.


Ayon kay Dumdum kinakailangan na buksan ang ekonomiya ng bansa lalo’t itinuturing ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ang Pilipinas bilang ikatlo sa pinakamahigpit na ekonomiya sa buong mundo.


“The effect of reducing foreign equity restrictions is the strongest, denoting its relatively greater importance as a statutory barrier for investors,” ito ang inihayag ni Dumdum, na mula sa bahagi ng ulat ng OECD.


“Yan ang reality…Joint foreign chambers have repeatedly said they want [these restrictive economic provisions in the Constitution] out. These restrictions are discouraging for their countries. These restrictions have to go…Electricity nasa restriction din 'yan, transmission side…We should have more advanced technology, more efficient distribution. [The restrictive economic provisions in the Constitution] is the root cause bakit expensive ang electricity. Delete all anti-foreign restriction caused by these,” dagdag pa ng dating OFW.


Sumasang-ayon din si Dumdum, kinatawan ng Correct (Constitutional Reform & Rectification for Economic Competitiveness & Transformation) Movement, kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na RBH 7 ay dapat na kilalanin bilang “The First Amendment to the 1987 Constitution” sa halip na ang orihinal nitong titulo na nagtatakda ng mga pagbabago sa probisyon sa public utilities, education at advertising.


“The first sentence: All prohibitions and limitations for Foreign Investments in the 1987 Constitution are hereby lifted and repealed. Next sentence: Congress shall enact legislation to regulate foreign investments in the Philippines,” ayon pa kay Rodriguez. 


“Economic liberalization will mean more foreign investments, and OFWs will come home,” dagdag pa ni Dumdum.


“[Foreign investors] are welcome in other countries. In the Philippines, they are not welcome…The lack of FDIs [foreign direct investments] creates joblessness and other pressing social issues. [The lifting of these restrictions will] bring the jobs to the Philippines,” dagdag pa ng dating OFW. (END)

wantta join us? sure, manure...

COMELEC HANDA SA PLEBESITO, MAGKASABAY O HIWALAY MAN SA 2025 MIDTERM POLLS 


Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia ngayong Huwebes sa publiko na handa ang Comelec na mangasiwa sa plebesito para sa Charter change ng ekonomiya, magkasabay man o hiwalay sa 2025 midterm elections. 


Inihayag ito ni Garcia sa kanyang pagbisita sa Kamara, kung saan ay idinaraos ang Register Anywhere Program (RAP) ng Comelec. 


May isa pang RAP na itinakda sa ika-21 ng Marso sa Kamara, mula ala una hanggang alas kwatro ng hapon. 


“Kami po naman kung anong ipag-uutos talaga. Yun ang katotohanan. Kung anong sabihin ng Kongreso at mapagkasunduan ng Senate at House na dapat isabay (ang plebiscite at midterm elections ay) handang handa po ang Comelec. Yun po, walang gastos na dagdag yun. Sapagkat pahahabain lang ng konti yung balota. Kaya lang ang sabi din po natin magandang mapag-aralan din sapagkat maganda rin na doon lang naka-focus itong mga kababayan natin sa issue ng pagbabago sa Saligang Batas. 


Saligang Batas kasi yan eh di naman ordinaryong batas din yan. Therefore, nandun din ang legal issue na huwag isabay. Basta kami handang handa po ang inyong Komisyon whether separate siya o isabay, handa po kaming isagawa ang plebisito,” ayon kay Garcia. 


Hindi siya nagbigay ng komento hinggil sa Charter change para sa ekonomiya na isinusulong ng Kamara na Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 at RBH No. 6 ng Senado, at sinabing ang usapin ay kanyang ipinapaubaya sa diskresyon at karunungan ng Kongreso, lalo na sa mga mambabatas na siyang may mandato at kapangyarihan na maayendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng constituent assembly. 


“Maari pong meron akong personal opinion pero hindi po ako makapagbibigay dahil pulitikal po masyado yan and it is best left to the discretion and wisdom of our Congress lalung-lalo na sila naman po ang pinagkalooban sa ilalim ng Saligang Batas natin ng kapangyarihan ng pagbabago kasama na rin ang Constitutional Convention at kasama na rin po ang People’s Initiative,” ani Garcia. 


Pinasalamatan niya ang Kamara sa suporta sa RAP, na naglaan pa ng malaking lugar para sa rehistrasyon, sa Belmonte Hall. 


“Kaya minarapat naming sa Congress dalhin talaga ang Register Anywhere and late registration, alam natin napakadami ng mga kababayan natin na nandito lalong lalo na staff ng mga congressmen and so excited kami na nakita naming ang laki pala ng ini-allot mismo ng House na space para dito sa ating registration,” aniya. 


Hanggang ika-28 ng Pebrero ay umabot na sa 750,000 ang nakapagparehistro sa RAP simula noong ika-12 ng Pebrero, ayon kay Garcia. 


“Nakakatuwa po, napakainit ng pagtanggap ng mga kababayan natin dito sa registration na ginagawa natin, at sabi nga nung unang araw, ang inyong lingkod pumunta sa PAG-ASA Island at sa mga susunod na araw pupuntahan natin ang Camp Garapanan, Camp Abubakar, yun ang mga areas natin na talaga naman di mo halos napupuntahan pero ito po ipapakita natin na kahit saang parte ng Pilipinas pwede kang magpa rehistro dahil isang Pilipino, isang boto, isang registration,”ayon sa kanya. 


Ipinahayag rin niya na ang mga nagtatrabaho sa palibot ng Batasan Complex tulad ng Department of Social Welfare and Development, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan ay maaaring magparehistro sa Kamara. 


“Sinasabi po mismo ng House leadership, pwede silang magpa-rehistro dito, pwede nilang samantalahin dito, walang pila, maaliwalas, malamig at siyempre po mabilis ang proseso,” ani Garcia. 


Si Garcia ay sinamahan sa Kamara ni Comelec director for the National Capital Region Jubil Surmieda para sa pagmomonitor ng RAP. 


Nanggaling sila sa tanggapan ng Meralco dahil nais nilang makapagparehistro ang buong Meralco organization. 


Mula sa Kamara ay tumuloy sila sa Social Security System, at matapos nito ay sa Department of Foreign Affairs. 


Ibinahagi rin ni Garcia na nagsagawa ng RAP ang Comelec sa mga lugar kung saan nag-iipon ipon ang El Shaddai, Jesus is Lord, Ang Dating Daan, at Iglesia ni Cristo. 


“Sa susunod na linggo, puntahan po natin ung iba pang denominations katulad ng Baptist, Latter Day Saints, at Protestant, at kasama na rin ang ating pong mga kapatid na Muslim,” dagdag pa niya.

wantta join us? sure, manure...

MGA MAMBABATAS, KUNTENTO SA PROSESO NG DELIBERASYON NG RBH 7


Nagpahayag ang mga mambabatas ngayong Martes sa isang pulong balitaan, na kuntento sila sa proseso ng Kamara sa pagpupulong bilang committee of the whole sa deliberasyon ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na nagpapanukala ng mga amyenda sa mga Articles XII, XIV at XVI ng 1987 Konstitusyon. 


Ayon kay PBA Party-list Rep. Margarita "Atty. Migs" Nograles, tinatanggap nila ang lahat ng mga mungkahi mula sa mga inanyayahang resource persons, maging ito ay kontra o suporta sa mga amyenda sa Konstitusyon. 


"We of course welcome the stand of those who are against it because we have to consider different things. Kung one-sided lang puro lang for support, siyempre we will not be able to balance kung ano 'yong side and ano 'yong stance ng mga against this," aniya. 


Sang-ayon rin si Minority member at 1-RIDER Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez sa maayos na pakikitungo ng liderato na ibinibigay sa kanilang mga kapwa miyembro sa deliberasyon ng RBH 7. 


"I would say at least consistent po 'yong House when they promised an exhaustive and informative deliberation of this RBH 7. So I can express nothing else but joy perhaps and it's a very welcoming development where we're headed, how we are conducting (discussions over) RBH 7," aniya. Hinimok rin ni Gutierrez ang kanilang mga counterparts sa Senado na kumpletuhin ang kanilang mga deliberasyon bago ideklara ang sine die adjournment, at binanggit ang mga ulat sa balita na nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin ang plebisito kasabay ng 2025 midterm elections. 


Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang gagawing plebisito sa susunod na taon ay isang malinaw na palatandaan na ang Charter change ay prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Marcos. 


Sinuportahan niya ang panawagan ni Gutierrez sa Senado na madaliin ang mga diskusyon sa RBH 6 na inihain sa Senado sa parehong paksa, upang maiwasan na mapolitika ang diskusyon sa panahon ng pangangampanya sa darating na midterm elections sa susunod na taon. 


“If we want to pass that and then (hold a referendum) simultaneously doon sa holding of the election, this will open up to several political interpretation and this might be used as a political campaign at masisira po yung pinaka-intention ng administration," ani Adiong. 


Bukod sa iba’t ibang opinyon at oposisyon sa economic charter revisions, nakikita rin ng mga mambabatas ang mga potensyal na hamon sa konstitusyon na maaaring lumabas sa panahon ng diskusyon sa RBH. 


Nagpahayag si Gutierrez ng kanyang pasasalamat sa mga mungkahi na ibinigay ng mga resource persons, at sinabing ang pagtalakay sa mahalagang lehislasyon ay madalas na nagdadala ng matinding pagsubok. 


Naninindigan ang mga mambabatas na uusad tungo sa kaunlaran ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez: Buwanang limit sa grocery discount ng seniors, PWD itataas sa P500 sa Marso


Simula sa Marso ay itataas na sa P500 ang buwanang limit sa diskwento na nakukuha ng senior citizens at persons with disabilities (PWD) sa pagbili ng grocery at iba pang prime commodities katulad ng bigas, itlog, tinapay, at iba pa, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Nakipagpulong Martes ng gabi ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamumuno ni Usec. Carolina Sanchez kay Speaker Romualdez

upang ipaalam na sumusuporta sila sa suhestiyon ng lider ng Kongreso na itaas ang limit sa diskuwento ng seniors at PWDs.


“I am delighted to welcome the imminent implementation of increased discounts for our senior citizens and PWDs,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Nauna rito, hiniling ni Speaker Romualdez ang pagtataas sa 5 porsyentong diskwento na nakukuha ng mga seniors at PWDs na limitado lamang sa P65 kada linggo.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang anunsyo kaugnay ng pagtataas ng discount limit sa P125 kada linggo o P500 kada buwan ay sumunod sa ginawang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong batas kung saan ang mga Pilipino na magdiriwang ng kanilang ika-80, 85, 90, at 95 kaarawan ay makatatanggap ng tig-P10,000.


“This initiative to provide additional discounts for senior citizens and PWDs demonstrates the commitment of President Marcos to promoting inclusivity and social justice,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na nakikipag-ugnayan ang liderato ng Kamara kay Pangulong Marcos upang matupad ang pagnanais nito na magkaroon ng malasakit at pantay na lipunan.


“We’re working so that the usual P65 per week discount for senior citizens and PWDs may be increased to P125,” sabi ni Sanchez.


Bagamat nasa proseso pa ng konsultasyon, sinabi ni Sanchez na inaasahan na maipatutupad ang pagtataas sa buwanang discount limit sa Marso.


“It’s a joint issuance between the DA (Department of Agriculture), DTI and the DOE (Department of Energy),” paliwanag ni Sanchez.


Nilinaw naman ni Sanchez na ang kasama lamang sa binibigyan ng diskwento ay ang mga pangunahing bilihin at prime commodities gaya ng bigas, mais, tinapay, karne, isda, manok, itlog, mantika, asukal, gulay, prutas, sibuyas, bawang, at fresh o processed milk, maliban sa mga medical grade milk.


Kasali rin ang mga manufactured goods gaya ng processed meat, sardinas, at corned beef pero hindi kasali ang mga premium brands.


Ang mga senior citizens at PWDs ay bibigyan din ng diskwento sa pagbili ng pangunahing construction supplies gaya ng semento, hollow blocks, electrical supplies kasama ang bombilya.


Ang mga premium items kasama ang mga non-essential food gaya ng cake at pastries ay hindi kasali sa bibigyan ng diskwento, ayon kay Sanchez.


Kapag naipalabas na umano ang inter-agency circular, sinabi ni Sanchez na ilalathala ng DTI ang listahan ng mga item na kasali sa ibibigay na diskwento.


“I commend the efforts of the DTI and other concerned agencies for their diligence and commitment to advancing this crucial initiative. Their dedication to ensuring the timely implementation of these increased discounts is truly commendable and reflects our shared vision of a more inclusive and caring nation,” sabi ni Speaker Romualdez. (END)

wantta join us? sure, manure...