IMBESTIGASYONG UTOS NI PBBM SA DOJ AT NBI HINGGIL SA SMUGGLING NG MGA AGRICULTURAL PRODUCT, IKINATUTUWA SA KAMARA
Ikinatutuwa ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang utos ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr sa Dept of Justice DOJ at Natioal Bureau of Investigation NBI na imbestigahan ang hoarding, smuggling at price fixing ng sibiuyas at iba pang mga agricultural product sa bansa.
Sinabi ni Barzaga na ipinapakita lamang nito ang pagiging seryoso ng Chief executive sa pagprotekta sa kapakanan ng publiko lalo na ang mamimili at mga magsasaka.
Positibo rin ang pagtanggap ni Barzaga sa hakbang ng Pangulo dahil sa kinikilala nito ang naging papel ng Kamara sa paglalantad ng mga nasa likod ng pinakamalaking onion cartel.
Sa isang statement tinukoy ni PBBM na batay sa resulta ng imbestigasyon ng House Committee on Agriculture ay may matibay na ebidensyang magpapatunay na mayroon ngang onion cartel na nasa likod ng pagsipa ng presyo ng sibuyas noong nakaraang taon ng hanggang P700.