Friday, December 16, 2022

2nd READING NG MAHARLIKA

wantta join us? sure, manure...


Isa Umali / Dec. 15



Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 6608 o ang panukalang Maharlika Investment Fund o MIF.


Sa viva voce na botohan, nanaig ang mga pabor sa panukala.


Kabilang sa pangunahing may akda ng House Bill ay sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos at iba pa.


Aabot sa 275 ang co-authors ng panukalang ito.


Ayon sa kanila, ang Maharlika Investment Fund ay bagong bubuuing pondo ng Pilipinas para maipon ang pera (surplus money at investible funds) at iba pang yaman na maaaring gawing kapital sa mga negosyo sa loob at labas ng bansa.


Paniniwala ng mga author, malaki ang maitutulong ng MIF sa ekonomiya at iba’t ibang proyekto ng gobyerno para sa mga Pilipino.


Naisipan din ng mga mambabatas nag MIF dahil hangga’t maaari ay ayaw umano nil ana magpasa ng batas na magpapataw ng bago o dagdag na buwis na magiging pabigat sa mga Pinoy.


Kabilang sa mga “funding sources” ng MIF ay ang Development Bank of the Philippines (P25 billion), Landbank of the Philippines (P50 billion), at ang Bangko Sentral ng Pilipinas (100% dividends).


Nauna nang inilaglag bilang source ng MIF ang GSIS at ang SSS matapos ang mga panawagan ng publiko.


Mayroon ding “penal provisions” sa panukala para papanagutin o parusahan ang sinumang director, trustee o officer ng Maharlika Investment Corporation na mapapatuyang nang-abuso sa pamamahala --- ito ay kulong na higit 1-taon hanggang limang taon, at danyos na P50,000 hanggang P2 million.

PAGGAMIT NG MEDIA AT CYBER SECURITY, TINALAKAY SA HULING ARAW NG EXECUTIVE COURSE SA LEHISLASYON

Bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng media bilang mapagkukunan ng mga impormasyon sa publiko, ay tinalakay ng mga dalubhasa ang paksang media engagement sa mga kalahok na mambabatas sa ika-19 na Kongreso, sa isinasagawang Executive Course on Legislation. 


Ang mga bagong halal na mambabatas na dumalo sa tatlong araw na oryentasyon ay tinuruan din hinggil sa paksa ng cyber security. 


Sa kanyang paksang tinalakay na may titulong: “Engaging with Media: Traditional and Social”, sinabi ni Dr. Rachel Khan, Professor of Journalism at Associate Dean of the College of Mass Communication, University of the Philippines – Diliman, sa mga mambabatas ng Kapulungan na wala silang magagawa kungdi gamitin ang mga tradisyunal na media, na kasalukuyang naghahatid ng mga balita mula sa press corps ng Kapulungan. 


Tinalakay niya ang paksa kung saan ay magagamit ng mga mambabatas ang media tulad ng: 1) daily coverage; 2) press releases; 3) press conferences; 4) Interviews – itinakda o inambus; at 5) off the record conversation versus on the record conversation. 


Tinalakay din ni Khan ang mahahalagang parametro para makakuha ng interes. Ito ay ang wastong oras at tiyempo; kahalagahan (para kanino); pagka prominente; kung saan malapit (para kanino); natatangi; at kahihinatnan. 


Binanggit rin niya ang ilang bagay na dapat isipin kapag kinakapanayam. Sinabi niya na ang mambabatas ay dapat na gumawa ng plano bago ang panayam, para sa kasabihang maaaring matandaan, at tiyakin ng mambabatas na matatanong sa kanya ang nais na maitanong sa kanya, tumutok sa kung ano ang tinatanong ng mga taga-ulat at kung ano ang nais na sabihin ng mambabatas, at huwag na sasagot ang mambabatas ng sagot na “no comment”, at iba pa. 


Iginiit niya rin ang kahalagahan ng pagmomonitor ng media upang malaman kung papaano inilalarawan ng media ang imahe ng mambabatas sa social media. 


“It’s always good to know what people are talking about you,” ani Khan. 


Sinabi niya na bilang mga mambabatas, ay dapat lamang na parati silang laman ng apat na malalaking media platforms – Facebook, Twitter, Instagram and You Tube. 


Sinabi niya na ang You Tube channel ay espesyal na ginagamit sa ni-rekord na privilege speeches at ang pagiging presensya sa mga pagdinig ng Komite, at sinabing hindi kinakailangang may mataas na kalidad na produksyon ang gagamiting video. 


Samantala, tinalakay naman ni House Information and Communications Technology (ICT) Service Director Julius Gorospe ang paksa hinggil sa Basic Cyber Security at Online Hygiene. 


Tinalakay niya ang cyber security, data privacy, digital signatures at mga serbisyong alay ng ICT sa mga mababatas.



Terencio M. Grana

PNB Acct No. 1101 1000 3472


wantta join us? sure, manure...

IMBESTIGASYON HINGGIL SA PAGSASAGAWA NG 2022 HAJJ, TINAPOS NA NG KOMITE

Tinapos na ngayong Miyerkules ng Komite ng Muslim Affairs sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo ang imbestigasyon nito batay sa dalawang panukala tungkol sa pagsasagawa ng 2022 Hajj sa Mecca, Kingdom of Saudi Arabia. 


Ang House Resolution 7 na iniakda nina Lanao del Sur Reps. Yasser Alonto Balindong at Zia Alonto Adiong ay nanawagan para sa isang pagsisiyasat, sa administrasyon, pagbabalangkas ng mga polisiya, at koordinasyon sa mga kaugnay na ahensya ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa pagsasagawa ng 2022 Hajj sa Mecca, Kingdom of Saudi Arabia (KSA), na nagdulot ng paghihirap sa mga debotong Muslim Filipino. 


Katulad nito, ang HR 22 ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ay naghahangad ng pagsisiyasat sa diumano'y kabiguan ng NCMF na makuha ang mga visa para makapaglakbay ang mga debotong Pilipinong Muslim sa taunang Hajj, na may layunin na magsagawa ng mga kinakailangang reporma upang matiyak ang isang mas mahusay na karanasan sa paglalakbay sa banal na lugar. 


Kabilang sa mga isyung tinalakay ay ang mga kanseladong biyahe mula Maynila patungong KSA at naantalang paglalabas ng visa, na naging sanhi upang ang daan-daang deboto ay na-stranded, gayundin ang bagong sistema ng pagbabayad ng mga bayarin na may kinalaman sa Hajj sa pamamagitan ng ELM portal na pinagtibay ng KSA, at iba pa. Habang nasa pagdinig, tinanong si NCMF Secretary Guiling Mamondiong kung bakit niya pinili ang pamamaraan ng pagbabayad ng hulugan para sa mga tagabigay ng serbisyo. Aniya, nais niyang matiyak na protektado ang mga deboto sakaling may mga paglabag sa mga kontrata sa mga tagabigay ng serbisyo. 


Sa kanyang pangwakas na pahayag, sinabi ni Dimaporo na naunawaan niya ang kahirapan ng NCMF dahil ito ang unang Hajj pagkatapos ng pandemya at ang mga bagong repormang pinasimulan ng KSA. 


“So there needs to be a little bit of learning process. On the other hand also, we have identified quite frankly, I don’t know if we’ll call it negligence or mismanagement on the part of the NCMF,” aniya. 


Sinabi ni Dimaporo na aatasan niya ang committee secretariat na bumalangkas ng Ulat ng Komite na may mga rekomendasyon. 


Sinabi niya na ang mga kasapi ng Komite ay magpapasya sa panahon ng pahinga ng sesyon o bago ang pagpapatuloy ng sesyon upang magpasya kung itutuloy o hindi ang karagdagang pagsisiyasat o partikular na tumutok sa paghahanda para sa Hajj 2023.


wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG MAGNA CARTA ON RELIGIOUS FREEDOM, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA

Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6492, o ang panukalang “Magna Carta on Religious Freedom Act”. 


Layon ng panukala na protektahan at isulong ang karapatan ng mga tao na pumili ng kanilang relihiyon, ipahayag ang kanilang paniniwala, umaksyon alinsunod sa kanilang konsensya, ipalaganap ang kanilang ispirituwal na paniniwala at ipahayag ang kanilang mga karapatan laban sa diskrimimasyon, at iba pa. 


Ang mga karapatang ito ay tatanggihan, isasailalim sa regulasyon, pabibigatin o pipigilan kung ito ay magreresulta sa karahasan, at hangga’t maaari ay protektahan ang kaligtasan ng publiko, pampublikong kaayusan, kalusugan, pag-aari, at mabuting kaugalian. 


Kasama sa mga ipinagbabawal na pagkilos na nakasaad sa ilalim ng HB 6492 ay: 1) pagbabantang pigilin ang isang tao na palitan ang kanyang relihiyon o paglipat sa isa pang grupo ng relihiyon; 2) paninirang-puri, panggugulo, pagpapahiya, o pananakit ng damdamin ng isang tao sa kanyang paniniwalang ispirituwal; 3) paghadlang sa daloy at akses sa mga impormasyong pang relihiyon; at 4) pagpigil sa pagtatrabaho dahil lamang sa usapin ng relihiyon. 


Ang mga lumalabag sa unang pagkakataon ay maaaring pagmultahin ng P100,000 hanggang P500,000, at pagkabilanggo mula anim na taon at isang araw hanggang walong taon. Ang mga susunod pang paglabag ay mapaparusahan ng multang P500,000 hanggang P2 milyon, at pagkabilanggo mula walo hanggang sampung taon. 


Imamandato sa Kalihim ng Katarungan ang pagtatatag ng toll-free number para sa napapanahon at wastong pagtugon sa mga katanungan sa karapatan para sa kalayaan sa relihiyon. 


Samantala, pinagtibay ng Kapulungan ang: 1) House Resolution 643, na binabati si Leyte Rep. Richard Gomez sa kanyang pagwawagi ng medalyang pilak sa 4th Fédération Internationale de Tir aux Armes Sportives de Chasse (FITASC) Asian Sporting Championship at pumang-apat sa 5th FITASC Asian Compact Sporting Champion Senior Division; 2) HR 647, na binabati at pinupuri si Ms. Hidilyn Diaz sa kanyang pagwawagi ng tatlong medalyang ginto sa 55-Kilogram Women’s Weightlifting Event sa idinaos na 2022 World Weightlifting Championships; at 3) HR 648, na nagpapahayag ng lubos na pakikiramay ng Kapulungan sa pamilya ng namayapang si Batangas Vice Governor Richard “Ricky” Recto, kapatid ni Deputy Speaker Ralph Recto. 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Roberto Puno at Isidro Ungab ang hybrid na sesyon sa plenaryo.


wantta join us? sure, manure...

PAUNANG PAGDINIG SA MGA PANUKALA NA NAGMUMUNGKAHI NG REPORMANG KONSTITUSYONAL, IDINAOS SA KAPULUNGAN

Idinaos ngayong Miyerkules ng Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City), ang kanilang organizational meeting at inaprubahan ang kanilang Internal Rules of Procedure. 


Matapos nito ay tinalakay ni Committee Secretary Aline Ruth Vidal-Villaluz sa mga mambabatas, ang ulat sa mga inisyatiba ng Kapulungan hinggil sa mga repormang konstitusyonal, simula nang niratipikahan ang Saligang Batas noong 1987. 


Ang mga inisyatiba sa repormang konstitusyonal ay dumaan sa pitong administrasyon at 11 Kongreso mula ika-8 Kongreso hanggang ika-18 Kongreso. 


Ilan sa mga suliraning tinukoy sa nakalipas na panahon ng mga dalubhasa at nagsusulong ng pangangailangan sa repormang konstitusyonal ay: 1) depekto sa istraktura at hindi maaasahang pamamahala; 2) mahigpit na mga polisiya sa ekonomiya; at 3) ang pangungulelat ng Pilipinas sa mga bansa ng ASEAN. 


Sinimulan ng Komite ang paunang deliberasyon sa walong panukala na nagmumungkahi na magpatawag ng isang constitutional convention, upang amyendahan ang 1987 Philippine Constitution, gayundin ang mga partikular na panukalang amyenda sa Konstitusyon. 


Ito ay ang mga: House Bill 4926, HB 4421, Resolution of Both Houses (RBH) 1, RBH 2, RBH 3, RBH 4 at 5, at House Joint Resolution 12 na iniakda nina Rep. Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte, Rep. Jorge ‘Patrol’ Bustos, Deputy Speaker Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., Reps. Lord Allan Jay Velasco, Lorenz Defensor, Gus Tambunting, at Rufus Rodriguez, ayon sa pagkakasunod. 


Tiniyak ni Rodriguez na hindi mamadaliin ng Komite ang pagpapasya sa panukala. 


“We are not going to rush these (measures). These are very important resolutions filed on the fundamental law, the basic law of the land,” aniya. 


Idinagdag ni Rodriguez na ang mga mambabatas ay magsasagawa ng mga pagdinig at konsultasyon sa mga panukala, hindi lamang sa Kapulungan kungdi sa mga rehiyon sa buong kapuluan. 


“We will conduct hearings not only here. We will go to Manila. We are going to the provinces so that we will be able to hear the people in the different regions of our country. 


We assure that we are going to have everyone who wish to participate be invited to speak on any of these eight measures that we have already received,” ayon kay Rodriguez.


wantta join us? sure, manure...

MGA SUBSTITUTE BILL HINGGIL SA ARAL PROGRAM AT PAGSUSPINDE SA IMPLEMENTASYON SA PAGGAMIT NG MOTHER TONGUE, APRUBADO NG KOMITE

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Basic Education at Culture ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang dalawang mahalagang substitute bill, ito ay: 1) pagtatatag ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program at paglalaan ng pondo para dito, at 2) pagsuspinde sa pagpapatupad ng paggamit ng mother tongue bilang medium of instructions para sa kindergarten hanggang Grade 3. 


Ang mga House Bills 3721, 3847, at 4240, na inihain nina Rep. Rex Gatchalian, Roman Romulo, at Gus Tambunting, ayon sa pagkakasunod, ay pinag-isa sa wala pang numero na substitute bill. 


Ang ARAL Program ay naglalayong mapalapit ang agwat sa tagumpay, sa pagitan ng kasalukuyan at maaaring maging antas ng kakayahan sa pag-aaral ng mga estudyante, at upang matiyak na ang mga mag-aaral ay makabisado ang mga pangunahing kasanayan sa pagbabasa, agham, at matematika. 


Ang ARAL Program ay magsisilbing pambansang programang pang-akademikong interbensyon upang tugunan ang mga usapin ng pagkawala ng pagkatuto, at mga pakikibaka sa akademiko ng mga mag-aaral sa basic education. 


Sasaklawin nito ang mga sumusunod na mag-aaral: a) ang mga bumagsak sa mga eksaminasyon at pagsusulit ayon sa pagtatasa at pagsusuri ng mga guro, b) ang mga may markang nasa at bahagyang mas mataas sa minimum na antas ng mastery na kinakailangan sa pagkamit ng Most Essential Learning Competencies (MELCs), at c) ang mga nakabalik o babalik sa paaralan pagkatapos ng bakasyon. 


Ang programa ay kukuha ng mga tutor mula sa alinman sa mga sumusunod: 1) mga estudyante na nasa teacher educational institution, 2) government internship program ng DOLE, 3) mga estudyante sa higher and technical-vocational educational institutions na kumukuha ng National Training Services sa ilalim ng National Service Training Program, 4) mga boluntaryo mula sa mga NGO o mga organisasyon ng civil society, at 5) mga indibidwal na boluntaryo. 


Samantala, ang wala pang numero na substitute bill sa HBs 2188, kasama ang HB 3925, na inihain nina Romulo at Rep. Mark Go, ayon sa pagkakasunod-sunod, ay naglalayong tugunan ang malinaw na kakulangan ng mga learning materials sa mother tongue language sa mga paaralan, at tiyakin na masunod ang mandato ng konstitusyon na makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon na magagamit ng lahat ng mag-aaral sa pangunahing edukasyon. 


Isususpinde nito ang implementasyon ng mother tongue o unang wika bilang paraan ng pagtuturo mula kindergarten hanggang Grade 3, hanggang sa oras na mapatunayan ng Department of Education (DepEd) sa Kongreso na natapos na nito ang mga aklat, kagamitan sa pagtuturo, at mga suplay upang mabisang ipatupad ang paggamit ng katutubong wika, o unang wika sa mga mag-aaral sa kindergarten hanggang Grade 3.


wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG BATAS NA LILIKHA SA PHILIPPINE VIROLOGY SCIENCE AND TECHNOLOGY INSTITUTE, MULING INIHAIN NG BAGITONG MAMBABATAS

Bago pa man magbalik sesyon ang Kapulungan sa ika-25 ng Hulyo, marami nang mga pangunahing panukalang batas ang naihain ng mga bagitong mambabatas, na naglalayong isulong ang mga kapakanan ng sambayanang Pilipino. 


Sa mga unang araw ng linggo, muling inihain ni Quezon Rep. Keith Micah Tan, anak ni dating mambabatas ng Quezon, at ngayon ay Gobernador Angelina Tan, ang ilang panakulang lehislasyon na magrereporma sa usapin ng kalusugan, na nasa ikatlong pagbasa na sa ika-18 Kongreso. 


Ang isa rito ay ang House Bill 282, o ang inihaing panukala na HB 9559 noong nakaraang Kongreso, na naglalayong itatag ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP). 


Pagtutuunan ng panukalang VIP ang mga pangunahing kaunlaran tulad ng: 1) pagsasaliksik ng mga bagong virus gamit ang mga makabagong pamamaraan tulad ng molecular biology at biotechnology; 2) pagpapaunlad ng diagnostics, mga bakuna, at therapeutics; 3) pandaigdigang kooperasyon at network ng mga database sa virus infections; 4) mga operasyon ng virus gene bank, virus genome laboratory, at virus reference laboratory para sa pag-iwas sa mga sakit at pag-aaral sa epidemiology; at 5) operasyon ng virus high containment laboratory, para sa mga pag-aaral sa mga labis na nakakahawang viruses. 


Sa isang panayam, sinabi ni Tan na labis na kinakailangan ng Pilipinas ang pagpapalakas ng pagsasaliksik at kaunlaran upang labanan ang lahat ng uri ng viruses na nagdadala ng sakit sa mga tao, hayop, at mga halaman. 


Binanggit niya na bukod sa pandemyang sanhi ng COVID-19, ay muli na namang tinamaan ng African Swine Fever ang bansa, na nakaapekto ng labis sa mga nag-aalaga ng baboy. 


Kaugnay ng nauna nang ipanalabas na balita, sinabi ni Tan na "We need to enact urgent measures to foster the institutional capacity of the health sector to lead the prevention, detection and response to public health events and emergencies, especially because the country is still in the middle of the pandemic."


wantta join us? sure, manure...

PANUKALA NA TITIYAK SA KALINAWAN AT INDUSTRIYA NG KOMPETISYON SA DATA TRANSMISSION, PASADO

Ipinasa ngayong araw ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na magbibigay ng open access at kalinawan sa lumalagong industriya ng data transmission.


Sa pabor na botong 243 at tatlong abstensyon, inaprubahan ang House Bill (HB) No. 6, na kasama sa unang batch ng mga panukala na inihain ni Speaker Martin G. Romualdez sa mga unang araw ng ika-19 na Kongreso. 


"The bill proposes to establish a strong and independent regulatory system and body to create an environment within the data transmission industry that is conducive to open, fair, and innovation-propelled competition, and shall encourage investments in the development of digital infrastructure of the country," ayon kay Romualdez at kanyang mga kapwa may-akda ng panukala.


Ayon sa panukala, ang digital na naghahati sa bansa ay dapat na paliitin, “by encouraging the development of data transmission infrastructure and removing any barrier to competition in data transmission services.”


Isinasaad rito na ang estado ay minandato na, “to require data transmission service providers to adhere to telecommunications standards suitable to the needs and aspirations of the nation and ensure that internet users enjoy the best quality of data transmission service.”


Itinutukoy rito na ang “open access” ay ang “system of allowing the use of data transmission or distribution systems and associated facilities subject to fair, reasonable and non-discriminatory terms in a transparent market.”


Ang salitang “data transmission,” sa kabilang dako ay tumutukoy sa “process of sending digital or digitized analog signal over a communication medium to one or more computing networks, communication or electronic devices.”


Kasama rito ang “provision of Voice over Internet Protocol (VoIP) services but does not include the provision of basic telephone service.”


Ang panukalang batas ay sasaklaw sa kahit sino o isang tao na ang negosyo ay ganap na gumagamit ng transmission ng data, kabilang ang internet service providers, VoIP service supplier at data centers.


Sasakupin rin ito ang mga kompanya ng telekomunikasyon “with respect to the data transmission services they provide and the interconnection to their networks that they extend to data transmission industry participants.”


Isinasaad sa panukala na lahat ng bahagi ng sektor ng data transmission, “shall be competitive and open.”


Ang mga kalahok ay kakailanganing magparehistro sa National Telecommunications Commission (NTC) at sumunod sa mga national at global best practices at pamantayan sa cybersecurity. At ang NTC ang imamandato na tiyakin na ang industriya ng data transmission ay “open and accessible to all qualified participants.”


Titiyakin rin ng NTC at ng Philippine Commission na ang mga kalahok ay susunod sa mga prinsipyo ng kompetisyon sa ilalim ng Philippine Competition Act.


Ang mga manlalaro sa industirya ay kakailanganing mag- “observe fair, reasonable and

non-discriminatory treatment in all their dealings, and that barriers are eliminated to make the industry highly competitive.”


Tinutukoy rin sa panukala ang ilang prohibited acts, kabilang ang pagtanggi ng isang manlalaro sa industriya na magbigay ng akses sa imprastraktura, ang pagtanggap ng kabayaran para may paunahin lamang, at pagpapabagal ng data transmission.


Kasama sa panukala ang pagpapataw ng kaparusahang administratibo na may multang nagkakahalaga mula P100,000 hanggang P5 milyon sa araw-araw habang nagpapatuloy ang paglabag para sa kalahok sa industriya na mabibigong sumunod sa minimum service standards na itinakda ng NTC.


Kapag ang isang kalahok ay nakagawa ng ipinagbabawal, ang multa ay magkakahalaga ng P300,000 hanggang P5 milyon sa bawat araw ng paglabag. 


Ang pagpapatupad ng patakaran at alituntunin ay ipalalabas ng NTC.


Ang iba pang mga may-akda ng HB No. 6 ay sina House Majority Leader Manuel Jose

"Mannix" M. Dalipe, and Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Jude A. Acidre, Christian Tell A. Yap, Jurdin Jesus M. Romualdo, Ralph G. Recto, Michael L. Romero, Ph.D., Harris Christopher M. Ongchuan, Jose Francisco "Kiko" B. Benitez, Ernesto M. Dionisio, Jr, Gerville "Jinky Bitrics" R. Luistro, Tobias "Toby" M. Tiangco, Wilter Y. Palma, Christopherson "Coco" M. Yap, Keith Micah "Atty. Mike" D.L. Tan, Shernee A. Tan-Tambut, Noel "Bong" N. Rivera, Carl Nicolas C. Cari, Barbers Robert Ace S. Barbers, Ramon Jolo B. Revilla III, Linabelle Ruth R. Villarica, Antonio "Tonypet" T. Albano, John Tracy F. Cagas, Edwin L. Olivarez, Jaime D. Cojuangco, Valmayor, Acharon, Defensor,

Sonny Lagon, Daphne Lagon, Gus Tambunting, Arnan Panaligan, Roman Romulo, Eduardo Rama, Dean Asistio, Richelle Singson, Bryan B. Revilla, Jose Gay G. Padiernos, Carlito S. Marquez, Luis Raymund "Lray" F. Villafuerte, Jr., Fernando T. Cabredo, Antonio B. Legarda, Jr., Jernie Jett V. Nisay, Yevgeny Vincente B. Emano, Alan "Aldu" R. Dujali, Edgar M. Chatto, Irwin C. Tieng, at Faustino "Inno" A. Dy V.


wantta join us? sure, manure...

SUBSTITUTE BILL PARA SA PROGRAMANG PAGPAPAHIRAM NG PONDO SA MSMEs SA PAMAMAGITAN NG PROGRAMANG P3, INAPRUBAHAN

Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Micro, Small and Medium Enterprise Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Misamis Oriental Rep. Christian Unabia, batay sa istilo, ang inamyendahang substitute bill sa walong panukala na naglalayong magtatag ng programa ng pagpapahiram ng pondo para sa maliliit na negosyo sa pamamagitan ng programang Pondo sa Pagbabago at Pag Asenso (P3), at paglalaan ng kaukulang pondo para dito.  


Ipinapahayag sa wala pang bilang na substitute bill na polisiya ng Estado na pasiglahin ang pambansang kaunlaran, isulong ang inklusibong paglago, at bawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng paglago ng maliliit na negosyo na nagpapadali sa paglikha ng lokal na trabaho, produksyon at kalakalan sa bansa.  


Para sa layuning ito, ang Estado ay dapat bumuo ng mga polisiya, plano at programa, gayundin ang magpasimula ng mga paraan upang hikayatin ang mga aktibidad na pangnegosyo, at upang mapagaan ang mga hadlang at hamon sa mga MSE, partikular sa pagkuha ng magpopondo. 


Kabilang sa mga layunin ng panukalang batas ay ang suportahan ang pagbangon ng mga MSE mula sa mga epekto ng lockdown dulot ng pandemyang COVID-19, at tiyakin ang kanilang kakayahang mabuhay, gayundin ang magbigay ng mas mahusay na alternatibo sa mga impormal na nagpapautang o ang tinatawag na sistema ng pagpapautang na "5-6" na napapakinabangan ng maliliit na negosyo. Pinalitan ng panukala ang mga House Bills 712, 826, 1141, 2273, 2811, 2857, 4298 at 5817 na iniakda ni Reps. Emigdio Tanjuatco III, Michael Romero, Ph.D., Faustino 'lnno' Dy V, Luis Raymund 'LRay' Villafuerte Jr., Virgilio Lacson, Eric Go Yap, Christian Unabia, at Arnel Panaligan, ayon sa pagkakabanggit. 


Inaprubahan din ng Komite ang Ulat ng Komite sa kapalit na panukala.  Panghuli, nagsagawa ng kanilang paunang deliberasyon ang Komite sa HB 3632, na gagawing institusyonal ang Mentor ME Program para sa mga maliliit na negosyo at pag-kilala sa kanila bilang mga organikong kawani ng Department of Trade and Industry ang mga tagapayo sa Negosyo ng Negosyo Centers, at aamyendahan ang RA 10644, na kilala rin bilang Go Negosyo Act. Ito ay iniakda ni Unabia.



wantta join us? sure, manure...

PANUKALA NA TITIYAK SA KALINAWAN AT INDUSTRIYA NG KOMPETISYON SA DATA TRANSMISSION, PASADO

Ipinasa ngayong araw ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na magbibigay ng open access at kalinawan sa lumalagong industriya ng data transmission.


Sa pabor na botong 243 at tatlong abstensyon, inaprubahan ang House Bill (HB) No. 6, na kasama sa unang batch ng mga panukala na inihain ni Speaker Martin G. Romualdez sa mga unang araw ng ika-19 na Kongreso. 


"The bill proposes to establish a strong and independent regulatory system and body to create an environment within the data transmission industry that is conducive to open, fair, and innovation-propelled competition, and shall encourage investments in the development of digital infrastructure of the country," ayon kay Romualdez at kanyang mga kapwa may-akda ng panukala.


Ayon sa panukala, ang digital na naghahati sa bansa ay dapat na paliitin, “by encouraging the development of data transmission infrastructure and removing any barrier to competition in data transmission services.”


Isinasaad rito na ang estado ay minandato na, “to require data transmission service providers to adhere to telecommunications standards suitable to the needs and aspirations of the nation and ensure that internet users enjoy the best quality of data transmission service.”


Itinutukoy rito na ang “open access” ay ang “system of allowing the use of data transmission or distribution systems and associated facilities subject to fair, reasonable and non-discriminatory terms in a transparent market.”


Ang salitang “data transmission,” sa kabilang dako ay tumutukoy sa “process of sending digital or digitized analog signal over a communication medium to one or more computing networks, communication or electronic devices.”


Kasama rito ang “provision of Voice over Internet Protocol (VoIP) services but does not include the provision of basic telephone service.”


Ang panukalang batas ay sasaklaw sa kahit sino o isang tao na ang negosyo ay ganap na gumagamit ng transmission ng data, kabilang ang internet service providers, VoIP service supplier at data centers.


Sasakupin rin ito ang mga kompanya ng telekomunikasyon “with respect to the data transmission services they provide and the interconnection to their networks that they extend to data transmission industry participants.”


Isinasaad sa panukala na lahat ng bahagi ng sektor ng data transmission, “shall be competitive and open.”


Ang mga kalahok ay kakailanganing magparehistro sa National Telecommunications Commission (NTC) at sumunod sa mga national at global best practices at pamantayan sa cybersecurity. At ang NTC ang imamandato na tiyakin na ang industriya ng data transmission ay “open and accessible to all qualified participants.”


Titiyakin rin ng NTC at ng Philippine Commission na ang mga kalahok ay susunod sa mga prinsipyo ng kompetisyon sa ilalim ng Philippine Competition Act.


Ang mga manlalaro sa industirya ay kakailanganing mag- “observe fair, reasonable and

non-discriminatory treatment in all their dealings, and that barriers are eliminated to make the industry highly competitive.”


Tinutukoy rin sa panukala ang ilang prohibited acts, kabilang ang pagtanggi ng isang manlalaro sa industriya na magbigay ng akses sa imprastraktura, ang pagtanggap ng kabayaran para may paunahin lamang, at pagpapabagal ng data transmission.


Kasama sa panukala ang pagpapataw ng kaparusahang administratibo na may multang nagkakahalaga mula P100,000 hanggang P5 milyon sa araw-araw habang nagpapatuloy ang paglabag para sa kalahok sa industriya na mabibigong sumunod sa minimum service standards na itinakda ng NTC.


Kapag ang isang kalahok ay nakagawa ng ipinagbabawal, ang multa ay magkakahalaga ng P300,000 hanggang P5 milyon sa bawat araw ng paglabag. 


Ang pagpapatupad ng patakaran at alituntunin ay ipalalabas ng NTC.


Ang iba pang mga may-akda ng HB No. 6 ay sina House Majority Leader Manuel Jose

"Mannix" M. Dalipe, and Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Jude A. Acidre, Christian Tell A. Yap, Jurdin Jesus M. Romualdo, Ralph G. Recto, Michael L. Romero, Ph.D., Harris Christopher M. Ongchuan, Jose Francisco "Kiko" B. Benitez, Ernesto M. Dionisio, Jr, Gerville "Jinky Bitrics" R. Luistro, Tobias "Toby" M. Tiangco, Wilter Y. Palma, Christopherson "Coco" M. Yap, Keith Micah "Atty. Mike" D.L. Tan, Shernee A. Tan-Tambut, Noel "Bong" N. Rivera, Carl Nicolas C. Cari, Barbers Robert Ace S. Barbers, Ramon Jolo B. Revilla III, Linabelle Ruth R. Villarica, Antonio "Tonypet" T. Albano, John Tracy F. Cagas, Edwin L. Olivarez, Jaime D. Cojuangco, Valmayor, Acharon, Defensor,

Sonny Lagon, Daphne Lagon, Gus Tambunting, Arnan Panaligan, Roman Romulo, Eduardo Rama, Dean Asistio, Richelle Singson, Bryan B. Revilla, Jose Gay G. Padiernos, Carlito S. Marquez, Luis Raymund "Lray" F. Villafuerte, Jr., Fernando T. Cabredo, Antonio B. Legarda, Jr., Jernie Jett V. Nisay, Yevgeny Vincente B. Emano, Alan "Aldu" R. Dujali, Edgar M. Chatto, Irwin C. Tieng, at Faustino "Inno" A. Dy V.


wantta join us? sure, manure...

17 December 2022 SCRIPT

17 December 2022 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 



(INTRO, BODY AND EXTRO) KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga,

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaodan - mapiya kapipita


YES, ARAW NG SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT OFFICER IN CHARGE, UNDERSECRETARY JOSE FAUSTINO JR / SI LTGEN BARTOLOME VICENTE “BOB” BACARRO  / ANG ATING AFP CHIEF OF STAFF, / AT ANG ATING BAGONG COMMANDER NG CRS, SI BGEN ARVIN LAGAMON / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


wantta join us? sure, manure...