Tuesday, April 02, 2024

PHILIPPINE AIRFORCE, TUTULONG SA PAGTUGON SA SUNOD-SUNOD NA FOREST FIRES SA LALAWIGAN NG BENGUET

Isinagawa ang mga pagpupulong nina Benguet Rep. Eric Yap, Philippine Airforce at iba pang mga ahensiya upang matutukan ang sunod-sunod na forest fires sa naturang probinsya.


Sinabi ni Congressman Yap na kaakibat ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, bahagi umano ito ng patuloy na paghahanap ng aksyon para pagtibayin ang kanilang forest fire suppression efforts.


Alinsabay nito, nag-donate din ang tanggapan ng mambabatas ng asin para sa cloud seeding.


Nakahanda rin aniya ang Mobile Tulong para magpaabot ng agarang assistance para sa mga komunidad na apektado ng kalamidad.


Una nang inihain ni Yap ang HR01603 na layong tukuyin kung may sapat ba na kapasidad ang bansa sa pagtugon sa forest fires.


Tinukoy ng mambabatas na sa nakalipas na taon ay naitala ang iba’t ibang forest fires, gaya ng sa Cordillera region dahil sa “kaingin” at tagtuyot lalo na sa pagitan ng Enero at Abril.


##

wantta join us? sure, manure...

PGEN ROMMEL MARBIL, BINATI NG MGA SOLON SA KAMARA SA PAGKAKATALAGA NITO BILANG BAGONG PNP CHIEF

Binati ng ilan sa mga mambabatas si PGen Rommel Marbil sa pagkakatalaga nito bilang bagong hepe ng Philippine National Police PNP.


Sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan, ang pagsisikap at dedikasyon ni Marbil sa paglilingkod sa bayan ay magsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga kawani ng PNP.


Umaasa ang dating Eastern Samar solon at ngayon ay 4Ps partylist representative, na patuloy na ipamamalas ni Marbil ang integridad, katapatan, kahusayan, at patas na pagtrato sa lahat sa kaniyang bagong tungkulin.


Minsan nang nagsilbi si Marbil bilang dating regional director ng Eastern Visayas na sumasakop sa Samar, Leyte at Biliran.


Welcome din para kay Iloilo City Rep Julienne Baronda ang pagiging ika-30 PNP Chief ni Marbil.


Aniya makakaasa siya ng suporta mula sa mga mambabatas para maipatupad ang mga inisyatiba upang lubos na mapagsilbihan at maprotektahan ng pambansang pulisya ang mga Pilipino


Binati rin ni Deputy Majority Leader at TGP party-list Rep Jose "Bong" Teves si Marbil sa bago nitong papel.


wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG PHIVOLCS MODERNIZATION, UUMPISAHAN NANG TALAKAYIN SA PLENARYO

Maaari nang talakayin sa plenaryo ng Kamara ang panukalang magmo-modernisa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.


Matapos aprubahan ng House Committee on Appropriations na pinamunuan ni Ako Bicol partylist Rep Elizaldy Co ang budget provision ng panukala, ipinasa na ito sa Committee on Rules para i-takda na ang pag-sponsor nito sa bulwagan.


Sa consolidated bill ng pagtatatag ng Phivolcs Modernization Fund, palalakasin ang kapabilidad at kapasidad ng ahensya pagdating sa human resource, monitoring network infrastructure, research and development, at interlocal linkages.


(Ang mga donasyon, grant, regalo, kontribusyon at iba pang matatanggap para sa modernisasyon ng PHIVOLCS ay bibigyan ng exemption sa pagbabayad ng donor’s tax at maaaring ikaltas sa gross income tax ng nagbigay.)


Sa mga pagdinig sa Kamara, una nang sinabi ni PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol na nasa 123 lang ang seismic stations ng bansa—malayo sa ideal na bilang na 300.


Habang sa 24 na aktibong bulkan sa bansa, 10 lamang ang nababantayan ng ahensya at sa sampung ito, dalawa lamang ang mayroong sapat na monitoring instruments.


##


wantta join us? sure, manure...