Friday, March 08, 2024

9 MARCH 2024 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Ilocano - naimbag na bigat

Hiligaynon - maayo nga aga

Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaoan - mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER SI FRANCEL MARGARETH PADILLA AT ANG KANYANG DEPUTY GROUP COMMANDER NA SI MAJ MARK ANTHONY CARDINOZA  / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ૮Ꮛ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ


wantta join us? sure, manure...

Powee


PNR titigil muna sa operasyon sa Metro Manila upang bigyang daan ang konstruksiyon ng NSCR 


Ititigil pansamantala ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon nito mula Governor Pascual-Tutuban hanggang Tutuban-Alabang upang mapabilis ang konstruksiyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project sa Metro Manila. Ang pagtigil sa operasyon ay magsisimula sa Marso 28, 2024. 


Sa panahon ng pagtigil sa operasyon ng PNR sa Metro Manila, mapapabilis ng walong buwan ang konstruksiyon ng NSCR, at makakatipid ng hindi bababa sa PHP 15.18 bilyon mula sa proyekto. 


Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, isasara ang mga serbisyo ng PNR upang tiyakin na ligtas ang mga pasahero habang isinasagawa ang konstruksiyon ng NSCR. 


Nag-ayos din ng mga alternatibong mga ruta ng bus upang magbigay serbisyo sa mga pasahero na maapektuhan sa panahon ng pagtigil ng PNR. 


Inaasahang susunduin ng mga bus sa ruta ng Tutuban papuntang Alabang at vice versa ang mga pasahero malapit sa kasalukuyang ruta ng PNR. 


Ang mga bus sa ruta ng pababa papunta sa Timog ay daraanan ng Divisoria (Tutuban), Mayhaligue Street, Abad Santos Avenue, Recto Avenue, Legarda Street, Quirino Avenue, Nagtahan Flyover, Mabini Bridge, Quirino Avenue, Osmeña Highway, Nichols Entry, SLEX, Bicutan Exit, Bicutan Entry, at Alabang (Starmall). 


Ang mga bus sa ruta ng pataas papunta sa Norte ay daraanan ang Alabang (Starmall), Manila South Road, East Service Road, Alabang (Entry), SLEX, Bicutan Exit, Bicutan Entry, Nichols Exit, Osmeña Highway, Quirino Avenue, Legarda Street, Recto Avenue, Abad Santos Avenue, Mayhaligue Street, at Divisoria (Tutuban).

Ang mga biyahe ng bus sa ruta ng Tutuban-Alabang ay magsisimula sa 7:30 AM, 9:10 AM, 3:00 PM, 3:20 PM, 7:30 PM, at 9:00 PM. 


Samantala, ang mga biyahe ng bus sa ruta ng Alabang-Tutuban  ay magsisimula sa 5:00 AM, 6:30 AM, 11:00 AM, 11:45 AM, 5:00 PM, at 6:10 PM. 


Inaasahang mapapababa ng NSCR, ang makabagong 147-kilometrong linya ng riles sa Pilipinas, ang travel time mula Clark, Pampanga, hanggang Calamba, Laguna ng hindi bababa sa dalawang oras. Sa inaasahang kakayahan na mag-accommodate ng 800,000 pasahero kada araw, ang NSCR ay magpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, at magpapalakas ng paglago sa ekonomiya sa lahat ng mga lungsod at bayan na dadaanan nito. 


-xxx'


wantta join us? sure, manure...

Hajji

Pagtutuunan ng pansin ng House Committee on National Defense and Security ang paglalaan ng pondo para sa pagbili ng advanced weapons at military hardware.


Ito ang tiniyak ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda kasunod ng namataang presensya ng Chinese research vessels sa Philippine Rise nitong March 1.


Ayon kay Salceda, nakikipagtulungan siya sa chairman ng komite na si Iloilo Representative Raul Tupas para gawing mas madali ang pagpopondo sa mga armas at iba pang gamit ng militar.


Hindi na aniya sapat ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea kundi kailangan nang ipatupad ang karapatan sa teritoryo.


Mistulang ginagawa umanong "condominium" ng mga karatig-bansa ang WPS samantalang walang lugar ang China sa Philippine Rise  na tinawag pa nitong "intruders".


Naniniwala rin si Salceda na tama ang ginagawang hakbang o approach ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pagpapalakas ng technological capabilities sa aerial at maritime patrolling.


Sa ngayon, naipasa na ng Kamara ang bersyon nito ng panukala at naghihintay ng bicameral conference committee kasama ang Senado.

wantta join us? sure, manure...

Isa


Kinuwestyon ni House Deputy Speaker David Suarez ang napaulat na presensya ng ilang barko ng China sa Benham Rise.


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Suarez na ano ang ginagawa ng ilang Chinese vessels sa Benham Rise, lalo’t sobrang layo nito sa China.


Dagdag ni Suarez, ang Benham Rise ay nasa kabilang banda na ng South China Sea.


Banat tuloy ni Suarez, baka pagka-gising niya --- sasabihin na rin ng China sa kanila ang Commonwealth Avenue, na matatagpuan sa Quezon City.


Sa kabila nito, iginiit ni Suarez na dapat na mag-double down sa pagdating sa paglalaan ng alokasyon para sa depensa upang higit na maprotektahan ang ating mga teritoryo.


Umaasa rin si Suarez na irerespeto ng China ang international laws, at hangga’t maaari ay hindi mauuwi sa anumang karahasan ang mga isyu sa West Philippine Sea at iba pang pag-aari nating lugar.


Nauna nang sinabi ng Philippine Navy na may namataang dalawang research vessels ng China sa Benham Rise, pero hindi pa tiyak ang kanilang pakay.


wantta join us? sure, manure...

Anne

Nagpahayag ng kahandaan ang Cambodia na tulungan ang Pilipinas sa pagtugon nito sa kakulangan ng suplay ng bigas.


Ito ang inihayag ni Speaker Martin Romualdez sa naging bilateral meeting nina Pang. Ferdinand Marcos Jr  at Cambodian Prime Minister Hun Manet sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne, Australia.


Siniguro ni Speaker na suportado nito si Pang. Marcos sa kaniyang inisyatiba na makipagtulumgan sa Cambodia at maging sa iba pang ASEAN allies upang matiyak ang isang matatag at resilient food supply ng pagkain.


Ayon kay Speaker mahalaga ang bilateral meeting nina Pang. Marcos at Prime Minister Mannet para magkaroon ng sapat na suplay ng bigas ang Pilipinas sa gitna ng banta ng El Nino phenomenon.


Sinabi ni Speaker, tinalakay ng dalawang leaders sa pulong ang mahahalagang isyu na layong palakasain ang kalakalan at pamumuhunan at malakas na ugnayan sa ekonomiya partikular sa kalakalan sa bigas at turismo.


Binigyang-diin ni Romualdez na sa kabila ng katiyakan ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa unang quarter ng taon, mananatiling mataas pa rin ang presyo nito hanggang sa buwan ng September dahil sa epekto ng El Nino.


Ayon naman sa mga Cambodian officials, target ng kanilang bansa na makakuha ng isang porsyentong bahagi ng merkado ng inangkat na bigas sa Pilipinas pagsapit ng 2024 at hinikayat ang mga stakeholder na panatilihin at gumawa ng higit pang pagsisikap na mapataas ang rice exports sa Pilipinas.


Kaisa si Speaker sa hangarin ni Pang. Marcos na mabigyan ng sapat at abot kayang presyo ng bigas para sa mga mamamayang Pilipino.


Magugunita na nuong nakaraang taon, nakakuha din ng commitment si Speaker Romualdez sa Vietnam na suportahan ang Pilipinas sa kakulangan nito ng suplay sa bigas.


wantta join us? sure, manure...

Isa


Pagpapaliwanagin ng House Committee on Public Order and Safety ang lahat ng regional directosr ng Philippine National Police o PNP kaugnay sa isyu ng talamak na ilegal na sugal sa bansa.


Sa pagdinig ng komite ngayong Lunes, isinalang ang House Resolution 1549 na akda ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo patungkol sa umano’y malalang ilegal na sugal sa CALABARZON region o Region 4-A.


Pero sa halip na ituon lamang ang atensyon sa Region 4-A, isinulong ni Tulfo na isama na ang lahat ng police regional director.


Kinatigan naman ito ang chairperson ng komite na si Sta. Rosa City Rep. San Fernandez.


Ayon kay Tulfo, nagpapatuloy ang operasyon ng ilegal na sugal dahil pinapayagan umano ito ng ng mga otoridad at mismong mga politiko.


Punto niya, hindi makakapag-operate ang isang ilegal na sugal ng walang pahintulot ng mga lokal na opisyal.


Kabilang sa tinukoy ni Tulfo ay ang “jueteng, loteng, at small town lottery o STL” na ginagamit na “front” para sa jueteng. Kaya bilang resulta, walang kinakita ang PAGCOR dahil sa kakumpitensya ang mga ilegal na sugal.


Sinabi naman ni Iligan Rep. Celso Regencia, dapat “tandem” at magkatugma ang lokal na pamahalaan at pulisya patungkol sa paglaban sa ilegal na sugal.

wantta join us? sure, manure...

Panahon na para mag invest sa mga defense infrastrure ang Pilipinas sa mga teritoryo nito sa West Phl Sea.


May pangangailangan na rin na magtayo at magdevelop ng mga bago at  permanenteng structures sa Kalayaan at Pag-asa islands sa West Phl Sea upang igiit ang presensiya ng Pilipinas sa disputed islands at mapigilan ang ginagawang pambu bully ng mga Chinese vessels sa mga barko ng Pilipinas.


Inihayag nina Bataan Rep. Geraldine Roman, Zambales Rep. Jefferson Khonghun, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V, at Deputy Speaker and Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez na suportado nila si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa hakbang nito na magtayo ng maraming mga permanenteng structures  sa mga Philippine-occupied island groups na makakatulong sa pagpapatrulya ng bansa sa teritoryo nito sa West Phl Sea at maging sa exclusive economic zone (EEZ).


Sinabi ni Roman na suportado niya si PBBM sa posisyon nito na kahit isang pulgada sa teritoryo ng Pilipinas ay hindi niya ito isusuko.


Siniguro ni Roman na ang Kongreso ay naka alalay para bigyang suporta kung ano man ang pangangailangan ng Executive para maproteksyunan ang territorial integrity ng bansa.


Inihayag din ni Rep. Khonghun na bukod sa patuloy na paghain ng diplomatic protest laban sa China kailangan na rin na i-develop ang mga structures at gawin na itong permanente sa Kalayaan at Pagasa island.


Dagdag pa ni Khonghun na hindi hahayaan ng gobyerno ang  patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon naman kay Rep. Ortega bukod sa pagsasa ayos sa airports at seaports, dapat din idevelop ang isla para maging tourism and business destinations.


Para kay Deputy Speaker Jayjay Suarez mahalaga ang bilateral agreements sa ibang bansa para suportahan ang Pilipinas sa kinakaharap nitong isyu sa West Philippine Sea.


wantta join us? sure, manure...