rpp Pagbati sa nanalong Taiwan president karapatan ni PBBM
Ipinagtanggol ng isang mataas na lider ng Kamara de Representantes si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. laban sa ginawang pagbatikos ng China matapos nitong batiin ang bagong halal na Pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-te sa pagkapanalo nito.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang ipinakitang mabuting kalooban ni Pangulong Marcos sa pinuno ng Taiwan ay naaayon sa diplomatikong mga prinsipyo at pangako ng ating bansa na patatagin ang positibong relasyong panlabas.
"President Marcos, as the elected leader of our sovereign nation, holds the prerogative to extend congratulations and foster amicable relations with global leaders," sabi niya.
Dagdag pa nito, ang pagbati ng Pangulo sa pinuno ng Taiwan ay hindi paglihis sa patakarang panlabas ng Pilipinas.
Sagot naman ni Gonzales sa pagkabahala ng Chinese Foreign Ministry: "The Philippines values its diplomatic relationship with China and remains committed to mutual respect and understanding. However, it's imperative to clarify that fostering friendly ties with neighboring countries and acknowledging their leadership does not equate to 'playing with fire’, as the foreign ministry put it.”
Tinukoy din nito ang malalim na people-to-people relations sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan, dahil sa malaking ambag ng malaking bilang ng mga Pilipino sa lipunan at ekonomiya ng Taiwan.
"Our connections go beyond diplomatic formalities. They are rooted in the shared aspirations and hard work of our people," punto pa ni Gonzales.
Sa mungkahi naman ng foreign ministry kay Pangulong Marcos na lawakan pa ang pag-unawa sa isyu sa Taiwan, sabi ni Gonzales: “While we appreciate constructive dialogue, it's crucial to approach international discourse with respect. Suggestions that undermine the competence of our nation's leader are neither productive nor reflective of the mutual respect that should anchor our bilateral relations.”
Muling binigyang-diin ni Gonzales ang pagtalima ng Pilipinas sa international diplomatic norms at ang pagpapanatili ng maayos na relasyon sa lahat ng bansa kasama ang China at Taiwan.