PHILIPPINE SALT INDUSTRY DEVELOPMENT ACT, APRUBADO NA SA KAMARA
Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang HB08278 o panukalang Philippine Salt Industry Development Act
Naniniwala ang liderato ng Kapulungan na sa pamamagitan ng panukalang batas, na isa sa Legislative-Executive Development Council o LEDAC priority measures ng Marcos Jr. administration, mapapalakas at mapapasigla muli ang industriya ng asin sa bansa at matigil na ang pag-depende natin sa importasyon.
Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na kailangang ang bansa ay may sapat na suplay ng dahil sa kasalukuyan tayo ay umaangkat ng 550,00 MT o 93 porsiyento ng ating salt requirement.
Isa sa pinakamahalagang probisyon ng panukala ang pagtatatag ng Philippine Salt Industry Development Council (PSIDC) na siyang magpapatupad ng Philippine Salt Industry Development Roadmap.
Nakasaad din dito ang pagbibigay tulong ng gobyerno sa mga kumpanya na gumagawa ng asin upang makagamit ang mga ito ng mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng asin.
Mapapasailalim naman na ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang pamamahala sa salt industry mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Pinahihintulutan din ng panukala na gamitin sa salt production ang mga lupa ng gobyerno na nakalaan para sa fishpond at mayroong kasalukuyang fishpond lease agreements (FLA).
Ang lahat ng mag-aangkat ng food-grade na asin ay dapat kumuha ng permiso mula sa Department of Health-Food and Drug Administration at DA-BFAR at kung industrial salt ang aangkatin sa DA-BFAR lamang.
Kailangan naman makasunod ang mga imported na sa mandatory iodization alinsunod sa ASIN law habang exempted naman sa mandatory iodization ang mga domestically-produced salt.