Monday, November 27, 2023

TRADERS SA FARMERS PLAZA, BINALAN NI SPEAKER ROMUALDEZ SA PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN NGAYONG KAPASKUHAN

Nag-ikot si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kahapon (ngayong) Lunes sa Farmers Market sa Cubao upang tiyaking pasok sa suggested retail price ang mga pagkaing pang-noche buena, bigas, sibuyas, mga gulay, at iba pang pangunahing bilihin.


Kasama ni Speaker Romuladez sa pag-ikot si Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.


Pinasiseguro ni Speaker Romualdez sa mga supplier na magkaroon ng sapat na delivery ng mga kalakal sa retailer at maliliit na tindahan hanggang sa pagtatapos ng holiday season upang matiyak na sapat ang kanilang Pamaskong panindang pagkain.


Sinabi naman ni Tulfo na para sa interes ng taumbayan ang pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng Christmas products.

Sa ilalim aniya ng liderato ni Speaker Romualdez, sinabi ni Tulfo na regular na magsasagawa ng price check ang Kamara.


Nagbabala si Speaker Romualdez laban sa pagka-gahaman ng mga trader na sinasamantala ang suplay at presyo, kasundo na rin ng tagumpay ng Kamara na ilantad ang mga nasa likod ng manipulasyon sa presyo ng sibuyas.


wantta join us? sure, manure...