Wednesday, March 20, 2024

IMBESTIGASYON SA NAG-VIRAL VIDEO NA SINISERMONAN NG ISANG GURO ANG MGA ESTUDYANTE, HINIHILING SA KAMARA

John Paul S. Roy

09454920962

 

(Garin hinikayat ang DepEd na masusing imbestigahan ang viral video kung saan makikitang sinesermonan ng guro ang kanyang mga estudyante)

 

Matapos mag-viral ang video ng gurong pinapagalitan ang kanyang mga estudyante, hinimok ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang Department of Education (DepEd) na tingnang mabuti ang insidente dahil maaaring hindi ito isolated case.

 

(“We need to look into this kasi baka mamaya it is not an isolated case. Nagkataon lang na nalaman ng lahat kasi ni-live niya. So hindi siya by accident, it is intentional. There is a deeper message behind that,” sinabi ni Garin sa isang press conference.)

 

Sinabi ng mambabatas na dapat alamin ng DepEd ang ugat kung bakit ito ginawa ng public school teacher upang maunawaan ang sitwasyon, at sinabing ang hakbang ng guro ay maaaring paraan niya para maipahayag lamang ang kanyang saloobin.

 

(“Ano ba ‘yung pinagmulan ng lahat ng ito? Where is she coming from? And nakakalabas ba sila ng boses within the Department of Education? Is somebody hearing them out? Is somebody hearing their problems? Or is somebody supporting them?” aniya.

 

“What should be the feedback mechanism between our teachers and their administration? This is a very important thing that should be looked into because for all we know baka mamaya sa loob loob niya nandun na ‘yung galit pero hindi siya makalapit sa principal, sa regional director or baka nakalapit siya, may problema na pero kinocontain kasi hindi nila maipalabas sa Central Office,” pagpapatuloy ni Garin.)

 

Nag-live video ang guro sa kanyang social media account habang pinapagalitan niya ang kanyang mga estudyante na umani ng batikos mula sa mga netizens.

 

Sinabi ng DepEd na hindi pa ito nagbibigay ng sanction sa guro at tiniyak na sasailalim ang guro sa due process.

 

(“This can also be an eye opener. May mali ang teacher, yes. There is also the impact of social media, yes. But we also have to look at the bigger picture. Baka ‘yung ating mga public school teachers ay mayroon ding pinagdaraanan and wala dun ‘yung avenue na ‘yung mga needs nila o ‘yung mental problems nila,” giit pa ng mambabatas. (END)

wantta join us? sure, manure...

LIMANG PORSIYENTONG DISKUWENTO PARA MGA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE, ISINUSULONG

Isa


Naghain si Bicol Saro partylist Rep Brian Yamsuan sa Kamara ng panukala na layong bigyan ang mga mahihirap na estudyante ng 5% na diskwento sa matrikula, school supplies at iba pang gamit sa eskwela. 


Sa House Bill 1850 ni Yamsuan, isinusulong nito na masakop ang mga estudyante sa basic education, technical vocational at kolehiyo. 


Sinabi ng mambabatas  na kapag naging ganap na na batas ito, ang 5% discount ay para sa pagbili ng mga libro, pagkain, gamot at iba pang kailangan ng mga mag-aaral. 


Bukod dito, may diskwento rin sa entrance fees sa mga museo, teatro, at cultural events. 


Ang DEPED, CHED at TESDA ang tutukoy ng mga kwalipikadong estudyante para sa diskwento, at mag-iisyu ang mga ito ng ID bilang katibayan ng pagiging benepisyaryo.


(Habang ang mga lalabag ay papatawan ng multang P20,000 hanggang P250,000 at pansamantalang suspensyon ng license to operate.)


Tiwala si Yamsuan na sa pamamagitan ng pagsasabatas sa panukala ay mababawasan ang problema sa gastos ng mga estudyante na kapos at maipagpapatuloy nila ang kanilang pangarap na edukasyon.




Batay sa Philippine Statistics Authority o PSA, aabot sa 7.8 milyong Pilipino o 1 mula sa 5 Pinoy na edad 5 hanggang 24 ay hindi nakapag-aral noong 2022-2023 dahil sa iba’t ibang rason, kabilang na ang mataas na gastos o problema sa pera.


wantta join us? sure, manure...